Saturday, March 31, 2007
Tualala....para sa mga taong tulala...
natulala ako sa mga pangyayari...ang bilis... di ko talaga namalayan... bakit? tanong ng utak ko... hindi ko naintindihan... masama ba akong tao? hindi ba ako nagpakatotoo all this time? kelan pa? hindi na talaga kinaya ng utak ko to... bakit ganun?ipaliwanag mo sakin isa isa... maiintindihan ko naman siguro di ba?ilang beses ko bang sasabihin na ako ang pinaka madaling taong kausap... marunong naman akong tumanggap na kung anong dapat... pero dapat ginawa sa maayos na paraan..pero bakit? bakit? ikaw? pinagkatiwala ko sayo buong buhay ko... pero bakit mo nagawa sakin to? ipaliwanag mo sakin ng maayos... yung tipong maiintindihan ng utak kong sing gulo na ng pilipinas...alam ko na to eh... pero araw-araw pinapatay ko ang sarili ko na hindi... pero bawat araw nagpapatawad ako... dahil hindi dapat magtanim ng galit...hihintayin kita... hanggang sa araw na makayanan mo itong ipaliwanag...
para kay blue... mabilis man ang panahon... hindi man natin nahabol... ayos lang yun... one day mabibigyang linaw ang malabong parte ng buhay natin...marunong tayong tumaggap...alam mo yan... dapat tayo ay maging masaya...hindi dapat tayo malugmok sa isang bagay na alam naman natin na nakakayanin natin sa bawat pagdaan ng araw...kapit lang blue...darating din ang panahon na maiintindihan natin ito...kahit matagal...hindi masama ang maghintay...tulungan tayo...masaya ako nanjan ka para sakin...ganun yata talaga blue...sabi ko nga sayo di ba?basta... alam na natin yan...
Friday, March 16, 2007
My World in SLOW-MO!
Bagal ng mundo ko. Everything is in slow motion. Bawat pag galaw ko, bawat pag sagot ko sa mga tanong, bawat pagsasalita ko, even pag nag-isip ako sobrang may kilala kang slow mo? Ok alam ko na love shit na naman to… sabi ko nga lahat slow mo… pati puso ko. Ok! Alam ko… Love shit talaga to… pero what can I do? E sa talagang slow mo eh… ayoko ko na! giv up na ang utak ko kakaisip… 1 month na… konti na lang… kaso nga ang bagal… malapit lapit ng bumilis..
Kagabi kasi ang dami kong nakausap na tao na may iba’t ibang problema sa buhay… kahit ako nagulat sa sarili ko… unti-unti na akong gumagalaw… hindi ko man maintindihan… nakakasawa din pala at nakakasanay. Dumadaan ang araw na hindi ko napapansin at nakakalimutan ko na… pag naalala ko minsan nasasaktan pa rin pero mas more on natatawa na lang ako sa mga nangyari… hindi ko din kasi naisip yun dati… puro kasi siya lang inisip ko… pero yun talaga eh… ganun yata talaga… hindi na talaga mababalik kasi ngayon ayoko na. “Once out, never in!” diba? Nakakatawa talaga ang buhay…pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya…
1. sa mga masayang araw na magkasama tayo…
2. sa mga oras at panahon na inalay natin para sa isa’t isa
3. sa mga sweetness
4. sa mga away
5. sa mga salitang hindi na dapat pang sabihin
6. sa mga salitang hindi mo talaga ninais sabihin
7. sa mga sinasabi mo pero di ko naramdaman
8. sa mga sinabi mo at ginawa mo pala na nalaman ko pa sa iba
9. sa mga text at tawag
10. sa mga sakit…
Salamat. Kasi kahit pano natuto ako. Kahit pano alam ko na gagawin ko sa susunod. Kahit pano buhay pa rin pala ako. Kahit pano masaya ko kasi mas nakita kong mas masaya ka pala ng wala ako. Kahit pano nasasanay na ko.
Salamat. Kasi ok ka. Wala ka ng iniisip. Wala ka ng inaalala na may isang taong naghihintay sayo. Wala ka ng pinagsasabihan araw araw. At ito na rin ang huli.
Salamat.
Wednesday, March 07, 2007
Simpleng Buhay...
life is simpler when we were kids... gigising sa umaga...magiinat...magdadasal...maghihilamos...toothbrush...
punta sa dining table kakain ng nakahandang food na gawa ni mommy or ni yaya... maliligo tapos papasok sa school... uuwi ng bahay...gagawa ng assignments... minsan hindi pa...minsan kopya pa sa classmates...tapos tsaka manonood ng favorite tv show mo...or maglalaro ka lang...depende sa gusto mo.. sobrang simple ng buhay... routine mo sa araw-araw...
biglang isang araw...di mo napansin tumatanda ka na...natuto ka na ng mga bagay na hindi mo dati alam at kung alam mo man di mo kayang gawin dahil bata ka pa... magyosi..uminom...gumimik..barkada... at magmahal... excited ka pa kasi first time...
tanong mo pa dati... anu yun? maang-maangan ka pa... kunwari di niyo napapagaralan sa school.. kunwari di mo napapanood sa tv or hindi mo naririnig sa mga kwento ng mga kaibigan mong mas naunang naexperience ang mga bagay na ganun... sarap... saya... siyempre peer pressure... kaw din gusto mo yun... lalo na yung liligawan ka tapos swerte ng mga utol mo o kya ng mga kaibigan mo kasi sila unang nakakatikim ng chocolates na bigay sayo o kaya yung mga utol mo may regalo din pag christmas o kaya birthday,,, hala..lalo na kay mommy o kay daddy...siyempre palakas eh...tapos naging kayo na... hay...ang sarap... parang kang nasa heaven... siyempre mahal na mahal mo at mahal na mahal ka...walang dull moment...puro saya lang... punta kayo sa mall...watch movie...konting shopping...dinner...libot libot lang...sabi mo sa sarili mo ang saya naman kasi parang nung mga bata pa tayo parang first time...
at isang araw...naiwan ka...ang bilis... di mo naabutan.. di man lang nagpaalam..para kayong naglaro ng taguan tapos hindi mo mahanap...nung pumunta sa home base bigla mong nakita... masayang masaya na...grabe sa ngiti...taka ka bakit?kala mo pa ikaw ang nginingitian...tapos paglingon mo sa likod... iba. tingin ka ulit... nakita mo sa mata niya ang parang may spark...parang may magic...sabi mo na lang ...parang may mali...
nakita mo sarili mo... ikaw yun dati... ikaw talaga... umiiyak ka na... nung bata ka... umiiyak ka lang pag may mga batang nangaasar sayo... o kaya pag nadapa ka...o kaya pag pinagalitan ka ng magulang mo dahil ginabi ka ng uwi dahil nakalimutan mo ang oras dahil sobrang sarap maglaro... o kaya pag nanood ka ng movie na love story na di mo inakala na hindi lang pala sa pelikula mangyayari... sakit...nakakamatay... para kang unti unting tinutusok na karayom... hindi ka makahinga... matatagpuan mo na lang ang sarili mo na nakatanga para kang bato...nakatingin sa kawalan...
unang unang pumasok sa isip mo... sana bata ka na lang... simple lang ang buhay...
Subscribe to:
Posts (Atom)