Wednesday, July 20, 2011

.love letter.

Mahal kong kaibigan,

Matagal ng panahon na hindi tayo naguusap. Matagal ng panahon na hindi tayo nagkikita at matagal na ang panahon nung merong tayo pa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla kang pumasok sa napaka busy kong utak. Nagulat ako at bigla kong maramdaman na namiss na kita.

Mali-mali… maraming masaksaktan.

Iniisip ko na lang na minsan panandalian lang naman to. Baka ngayon lang. Pero mali pa rin to diba? Pwede mo ba kong pagsabihan? Sabihn mo saken na hindi dapat.

Naiisip mo kaya ako? Gusto mo pa kaya ako? Selfish ba ko? Bakit?

Gulong-gulo na ko. Hindi ko dapat nararamdaman to. Masamang pangitain to. Nagkamali ba ko? Bakit?

Ang daming tanong na napakahirap sagutin. Maraming bagay pa kong gusting sabihin. maling-mali ang naiisip ko. Pero bakit?

Hindi ako mapaghanap. Marunong akong makuntento sa kung anong meron ako at sa kung anong kaya niya. Pero bakit?

Patawarin mo ko. Sobra. Nahihirapan na ko. Sobra.

Wednesday, March 09, 2011

.mico & dior.








a perfect combination -- perfect sunday morning and perfect couple. after 10 years of being together.. finally it's done. congratulations my dearest friend!
 DIORELANI CONTI-ENRIQUEZ (bagay!) 




"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."

.boredom. picture time.



I miss taking pictures of myself. (ok.. i know.. narcissism!) Since I am waiting for my sweetam to come home and because I am bored and don’t know exactly what to do, why not love myself! :D if only I have Photoshop, I will enhance this photo. Lil bit of contour and effects will do. 

Wednesday, February 23, 2011

.starbucks.

isang masayang araw para sa kaibigan kong si Dior. sa wakas, ikinasal siya sa lalakeng pinili at pinangarap nya ng 10 years.  pagkatapos ng masayang pangyayari, isang kwentuhan ang naganap sa starbucks tagaytay. mag reminisce tayo ng college life. at sa aming paguwi, usapang pag-ibig. nakikinig kay papa jack. corny na kung corny. pero alam ko natatamaan ang mga taong nakikinig na parehas ng pinagdadaanan. eto na naman tayo sa pagbagal ng ikot ng mundo at pagtakbo ng panahon para ang mga taong nanakit satin ay may pagasa pang humabol. at sana ay hindi pa mahuli ang lahat. eto na naman tayo na nung bata tayo at nakapanood ng lovestory at biglang nagkasakitan, akala mo sa pelikula lang nangyayari. pero hindi mo inasahan na true to life pala.

para sa kaibigan kong si Dos, hindi natin maibabalik ang panahon na naging masaya tayo sa taong minsan nating minahal at ngayon ay unti unti kang sinasaktan. hindi rin natin mapipilit ang hindi maramadman ang sakit na dulot ng isang malagim na pangyayari na hindi natin inasahan. minsan talaga may mga taong nakatakda para tayo ay saktan at magdudulot ng lungkot sa atin. kung kaya lang nating i-rewind at i-erase at i-fast forward ang mga pangyayari matagal na nating ginawa. ngunit kung hindi naman natin ito pagdadaanan ay hindi tayo matutong maging matatag. kaya ang dapat lang nating pagtuunan ng pansin ay ating mga sarili. mahirap pero alam kong kaya natin. minsan ka ng naging matatag. alam kong kaya mo itong lagpasan. darating ang araw na makikita mong muli unti unti ng nabubuo ang nawasak mong sarili dahil sa pagmamahal. ang mga lamlam ng iyong mga mata ay muling ngingiti at ang iyong sigla ay muling babalik. sa bawat pagusad ng araw, mararamdaman mo ang pagbabago at maibabalik mo ang dating ikaw. magmamahal kang muli at itaga mo sa bato, wala ng makakasakit pa sayo.

para sa new found friend kong si Hans, hindi natin natuturuan ang puso kung sino at paano natin dapat mahalin ang isang tao. hindi rin natin matuturuan na ibalik ang pagmamahal na kaya nating ibigay sa kanila. pero kaya nating maging masaya ng wala sila. kung sa pag gising mo mamyang umaga na hindi mo na makita ang kanyang mukha, hindi ibig sabihin nun ay hindi mo na siya makikita sa iyong pagtulog. sa panginip ay maari mo parin siyang hagkan at yakapin at sabihin na mahal mo siya. pero tayo pa rin ay magigising sa katotohanang hindi natin sila kasama. kaya ikaw ay muling bumangon sa bangungot ng buhay. hindi masama ang pabagalin ang iyong pagtakbo para sa kanyang pagtakpik ay muli kang lilingon. sana hindi pa mahuli ang lahat. pero inaasahan ko na sa bawat hakbang mo, ikaw ay bibilis at hindi na muling lilingon.

masaya ako para sa inyo, alam kong ang sakit, lungkot at poot ay mawawala rin sa tamang panahon. ipagdasal na lang natin ang mga taong nanakit sa atin na kung hindi sila sa atin naging masaya makakatgpo rin sila ng katapat nila. kung hindi man kayo, isang taong alam nating magpapabago rin ng direksyon ng kanilang buhay. tayo rin naman ang pumipili ng daan na ating tatahakin. kung sila ay pakaliwa at tungo sa karumaldumal na daan, dederecho tayo at asahan nating hindi rin natin sila makasalubong. :)

Monday, February 07, 2011

.girls night out.



It was a fun night! Everything was perfect --  The place, food and drinks. Though wala ang isa pang kwela naming kaibigan na nagngagalang JONA JARVIK TOLEDO. Fun pa rin! :D

Dibale girls may next time pa. Pwede pa rin naman nating i-invade ang property nila lea!

Photos: Cathie Ambas
Place: AGP Furniture and Interiors, Towns Bldg Pasay Rd Makati
Food: Pizza Hut
Drinks: Tanduay Ice and Pepsi Cola

Sunday, February 06, 2011

.its me and you.

20th month.. nice one sweetam! isang bagay na pinangarap mo ng totoo. isang bagay na punagmamalaki ko.

June 4, 2009 sa isang inuman ng barkada napagisipan nating magkabalikang muli. akalain mo nga ba naman. 10 years na tayong naghiwalay. October 19, 1998 ng magsimula ang tinatawag na tayo. after 1 year and 4 months itinaka ng panahon ang ating paghihiwalay. hindi natin inasahan na tayo rin pala sa bandang huli.

first boyfriend. first holding hands. first hug. first kiss. yan ang tema ko noon. maraming nagdaan pero  ikaw din naman pala sa bandang huli.

cheers to us! :D