Monday, August 07, 2017

.full moon.

.ako.

Tagu taguan maliwanag ang buwan. 

Ang damdamin natin na walang patutunguhan. Hanggat walang nahahanap ikaw pa rin ang taya. Paulit ulit lang simula umpisa. Hahanapin mo ko. Hahanapin kita. Hanggang kelan kaya. 

Sabi ko, hindi ako papayag na ang gabi ay ang ating parang araw. Magkikita lang tayo pag lipas na ang liwanang. At ang tanging saksi ay ang mga bituin na minsan ng nagsabi sa akin, ineng, pag hindi mo itinigil, bandang huli baka buhay mo'y iyong kitilin. Ngunit walang may alam kung gaano na kalalim baka kahit ilang balon pa ang ang ating puntahan, sukatin man kung gaano kalalim, walang tutumbas, pangako yan. 

Simple lang naman ako. Yung mga gusto ko. 

Gusto ko lang yung taong liligawan at susuyuin ako. Yung gagawin ang lahat mapa oo lang ako. Yung taong hindi ako itatago. Yung taong ipagmamalaki at sasabihin sa buong mundo kung gano niya ako kamahal. Yung taong paiiyakin ako ngunit  kaya akong pangitiin sa bawat araw.  

Ako yung tipo ng taong gusto lang ng taong magmamahal ng totoo. Yung ramdam mong totoo. 

Ako yung taong simple lang pakiligin. Hindi kelangan magarbo. Hindi kelangan ng confetti, flowers, chocolate or kung ano ano pa. Titigan mo lang ako. Tapos sabihin mo, mahal mo ko. Tapos ngumiti ka. Tapos yakapin mo ko. Kantahan mo ko, kinikilig na ko. Pakiramdam ko niyan nasa langit na talaga ako. 

Ako yung tipo ng tao hindi marunong humingi. Pero ako yung humihiling. 
Ako yung taong minsan makitid. Pero kaya pa ring intindihin. 

Masyado akong mapagbigay. 

Kelangan mas okay ka kesa sa mas okay ako. 
Kelangan mas pakinggan kita kesa sa mas kelangan mo akong pakinggan. 
Kelangan mas mahal kita kesa sa mas mahal mo ko. 


Ayun lang. Mahal kita kasi walang Mahal mo ako. 

.tatlong hakbang palayo.

Dear Dhang, 

Please be strong. It’s just a heartache. Everybody experience that. Hindi mo siya dapat ikamatay. Hindi mo siya dapat pagisipan. Hindi mo siya dapat labanan. Diba ang usapan, wala ng labanan. Diba ang usapan wala na naman dapat ipaglaban. Kasi wala ng saysay yang ipinapaglaban mo. Dapat kang mamanhid. Dapat kang walang maramdaman. Dapat wala. 

Kasi ang dapat, yung ikaw naman. Ikaw naman dapat. Yung ikaw naman yung mahal. Yung ikaw naman yung importante. Yung ikaw naman yung dapat. Yung ikaw naman yung ipinapaglaban. Yung ikaw naman yung priority. Yung ikaw naman yung gusto. 

Kakayanin natin diba? Kakayanin natin lahat. Kakayanin natin dapat. 

Saklap diba? yung ikaw yung humingi, tapos ibinigay pero ikaw yung nawalan. Ikaw yung lahat ng nagparaya. Yung sa bawat araw, ipinipikit mo ang mata mo. Sinasarado mo ang mga tenga mo. Yung hinahawakan mo ang puso mong baka maubos na -- dahil durog na durog na.

Maraming "What ifs". 

1. What if nanahimik ka na lang at hindi mo na lang sinabi?
2. What if pinigilan mo na lang?
3. What if sa iba na lang?
4. What if lumayo ka na lang?

Hindi naman ako nag self-persecute. Ang akin lang, kung hindi ka nagreact, kung hindi mo naramdaman at hindi mo sinabi, sana… okay lahat. 

Pero anjan na yan. Wala ka na namang magagawa. 

Pinili na niya to. Yung ganyan lang kayo. Yung walang kayo. Yung hindi magiging kayo. Kasi hindi pwede. Kasi hindi talaga pwede. So sorry ka. Diba ikinamatay mo na yang salitang yan -- I AM SORRY. 

Pinili niya to. Yung hindi ka kasama. Yung hindi ikaw. Pinili niya yung sitwasyon na wala ka. 

Kasi kaya niya.

DAPAT IKAW DIN. 

Ang lagi lang namang tanong: kaya mo bang bitawan? Kaya mong lumayo? o mas kaya mong magbulag-bulagan? magbingibingihan? o magtanga-tangahan?

Mahal mo siya. Hindi na magbabago yun. Pero kelangan ramdamin yung sakit. Kelangan mong ramdamin kung gaano kasakit. Kasi wala namang ibang tutulong sayo para buuin yung durog mong pagkatao kundi ikaw. Para alam mo kung paano magsisimula ng wala siya. Para alam mo kung paano bukas. 

Kalabitin mo ko pag okay ka na. Magiging masaya ako para sayo. 

Sabi ko sayo: TATLONG--HAKBANG--PALAYO.

Love, 
DHANG


.hinga.

Hindi pwede.
Ipikit mo ng mahigpit ang iyong mga mata.
Alam mo naman na sa bandang huli ay hindi pwede.

Hindi pwede.
Pigilan hanggang sa kaya.
Alam mo naman na na sa bandang huli ay hindi pwede

Hindi pwede.
Igapos mo ang mga puso mong naguumalpos.
Alam mo naman na sa bandang huli ay hindi pwede.

Hindi pwede.
Wag kang iiyak.
Alam mo naman na sa bandang huli ay hindi pwede.

Hindi pwede.
Punyeta! wag kang masasaktan.
DAHIL ALAM MO NAMAN NA HINDI PWEDE.

HINDI PWEDE.
SUMIGAW KA NA LANG NG TAHIMIK.
DAHIL ALAM MO NAMAN NA HINDI TALAGA PWEDE.

Kailan ba yung pwede?
Hindi pwede.
Kasi alam mo naman na sa una pa lang, hindi naman talaga pwede.

.Hinga.Kapit.Sigaw


Tuesday, August 01, 2017

.Ulan.

Ang bawat patak ng ulan ay nagsisilbing hudyat ng luha kong buhos na buhos na.

At sa bawat pagtigil nito ay nagsisilbing hudyat na kailangan kong huminga.

Mahal kita. Mahal lang kita.

Ang hirap. Ang sakit. Nakakadurog.

Buti pa ang langit kayang damayan ako.

Madilim. Umiiyak.

Ang bawat patak ng ulan ay nagsisilbing hudyat ng luha kong ubos na ubos na.

At sa bawat pagtigil nito ay nagsisilbing hudyat na kailangan kong bumangon at intindihin na may bagong panimula.

Kung sakali, baka nga... sa kabilang mundo, mahal mo na rin ako.


















Monday, September 28, 2015

.Sweetams.



Dear Sweetam,

Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. 
Dahil ikaw ang naging buhay ko. 
Sa bawat araw nalulungkot ako, dahil alam kong hindi na tayo. 
Sa bawat araw nasasaktan ako dahil alam kong pinili ko to. 
Kasi alam kong ito ang tama. 
Ito ang alam ko, dahil dumating sa puntong hindi ko na maramdaman ang tama. 
Kailangan ko ito, dahil ito ang alam kong paraan para buuin ko ang "ako". 
Pasensya ka na kung pati ikaw nadamay. Patawarin mo ko. 

Sweetams,

Kahit kelan hindi ka mawawala sa puso at isip ko.
Hindi man maging tayo ulit... ngayon. 
Pero baka sa susunod. Sa ibang panahon. 

Mahal kita. 

Yan ang alam ko at ang panghahawakan ko habang buhay. 
Hindi man tayo pinalad ngayon. 
Nararamdaman kong sa ibang pagkakataon. 
Alam ko.. at kakapit ako hanggang sa huling hininga ng buhay ko.
At sana sa pagihip ng hangin, maramdaman mo ang bawat yakap na gusto kong ibigay sayo
Araw-araw.

Mahal kita. 

Magtatagpo rin tayo
Magkaiba man ang mundo
Magkalayo man ngayon, 
Marami mang hadlang.

Magtatagpo din tayo
Alam kong ako'y lumisan
Hindi din kita iniwan
Kahit kailan.

At hahagkan kita
Nang walang hanggan
Bumuhos man ang ulan
Nang walang hanggan

At yayakapin kita
Nang walang hanggan
Bumuhos man ang ulan
Na walang hanggan
Bumuhos man ang ulan.






Thursday, August 20, 2015

.Dear Miss.

Dear Miss,

I AM SORRY.

Ang tatlong katagang kaya ko lang sabihin sayo.
I am sorry because I know that this is wrong.
I am sorry because I felt this.
I am sorry because I made you felt that way.
I am sorry because I fell in love with him.
Hindi ito aksidente, alam ko.
Hindi din ito hindi pinagisipan.
Pero anong magagawa ko?
kung pwede ko lang pigilan.

I AM SORRY.

Ang tatlong katagang kaya kong sabihin sayo.
I am sorry kasi alam ko naman na mali.
Alam ko namang nasasaktan ka.
Alam ko namang nalulungkot ka.
Alam ko namang naguguluhan ka.
Alam ko naman kung gaano ko kayo nagulo.
Alam ko naman kung gaano na karaming luha ang ibinuhos mo.
Kung kaya ko lang bawiin.

I AM SORRY.

Ang tatlong katagang kaya kong sabihin sayo.
Pero kung alam mo lang, mas matindi ang nararamdaman ko. Hindi mo lang alam na sa bawat pagkikita namin, alam kong mas mahal ka niya. Wala ni isang minuto sa pag-uusap namin na hindi niya nababanggit ang pangalan mo. Kung anong paborito niyang ulam na niluluto mo. Kung gaano mo siya alagaan... Hindi mo alam kung gaano kasakit ang malaman na naiinis siya kapag hindi ka sumasagot sa text o sa tawag niya. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang malaman kung gaano siya mag-aalala sayo kapag may sakit ka. At hindi mo alam kung gaano kasakit kasi nangyayari yan kapag kasama ko siya. Kahit gaano kaimportanteng araw namin, kapag para sayo, ako balewala.

THANK YOU

Ang katagang kayang kaya kong sabihin sayo
Thank you dahil sa maikling panahon kinaya mong tanggapin ang pagkakamali niya
Thank you dahil kaya mo pa ring tanggapin kung sino talaga siya.
At ito na ang huli. Ipinapaubaya ko na siya.
Thank you.


Monday, April 27, 2015

.the heart of the matter.

I got the call today, I didn't wanna hear
But I knew that it would come
An old true friend of ours was talkin' on the phone
She said you found someone
And I thought of all the bad luck and all the struggles we went through
How I lost me and you lost you
What are all these voices outside love's open door
Make us throw off our contentment and beg for something more

I've been learning to live without you now
But I miss you sometimes
The more I know, the less I understand
All the things I thought I knew, I'm learning them again
I've been tryin' to get down to the heart of the matter
But my will gets weak and my thoughts seem to scatter
But I think it's about forgiveness, forgiveness
Even if, even if you don't love me anymore

These times are so uncertain, there's a yearning undefined
And people filled with rage
We all need a little tenderness, how can love survive
In such a graceless age
And the trust and self-assurance that lead to happiness
Are the very things we kill, I guess
Pride and competition cannot fill these empty arms
And the work they put between us, you know it doesn't keep us warm

I've been trying to live without you now
But I miss you, baby
The more I know, the less I understand
And all the things I thought I'd figured out, I have to learn again
I've been tryin' to get down to the heart of the matter
But my will gets weak and my heart is so shattered
But I think it's about forgiveness, forgiveness
Even if, even if you don't love me anymore

All the people in your life who've come and gone
They let you down, you know they hurt your pride
Gotta put it all behind you 'cause life goes on
You keep carryin' that anger, it'll eat you up inside
I wanna be happily ever after
And my heart is so shattered
But I know it's about forgiveness, forgiveness
Even if, even if you don't love me anymore

I've been tryin' to get down to the heart of the matter
Because the flesh gets weak and the ashes will scatter
So I'm thinkin' about forgiveness, forgiveness
Even if you don't love me anymore
Even if you don't love me anymore


.my not-so-prince charming.

Matagal ko ng pinapangarap magkaron ng happy ending. Parang fairytale. Masaya, maganda at walang lungkot. Kung meron man, sadyang bahagya lang.

Minsan, isang araw, naglalakad ako ng makita kita. Pero ang sabi ko sa sarili ko, hindi pwede. Pero iba ang kabog ng puso ko. Lahat ng bagay slow mo. Ang bagal. Sabi ko, kala ko sa pelikula lang nangyayari yun. Yung tipong wala kang nakikitang iba sa paligid mo at bukod tanging hininga mo lang ang naririnig ko. Kakaiba. Ang sarap sa pakiramdam.

Naging magkaibigan tayo. Bawat araw, masaya. Bawat araw, puno ng kaba. Kasi hindi na ata ito tama. Iba na ang nararamdaman ko. Lumalalim. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang sabihin sayo?

Dumaan ang bawat araw na pinapangarap kong ikaw. Ikaw ang makakasama ko habang buhay. Parang fairytale. Happy Ending. Kahit iba ang may hawak ng kamay ko, iniimagine ko na ikaw. Pinangarap kong balang araw, pagmulat ng mata ko, ikaw ang makikita kong may hawak ng kamay ko at ang masayang ngiti mo ang unang babati.

Sabi ko sa sarili ko, maghihintay ako. Kakapit ako. Kakapit ako hanggang sa huling araw na sabihin at ibulong mo saken ako na ang gusto mo. Hanggang sa panahon na sabihin mo saken na kaya mo na... na may magagawa ka na... na kaya mo ng ipaglaban ang totoo. Pipikit ako at mumulat ng nangagarap na ikaw na ang nasa tabi ko. Ang taong bubuo ng lahat ng pangarap ko. Ang taong magsasabi at magmamalaki sa lahat na mahal niya ko. Bawat araw, nagdadasal ako na madaliin ang bawat segundo na kayanin mo na.

Pero dumating ang araw na hindi mo nakayanan. Dumating ang araw na sinabi mong hindi mo kaya. Dahil wala kang magawa... wala kang pwedeng gawin. Dahil yan ang sinasabi ng panahon. Yan ang itinakda. Parang may balang tumagos sa puso ko. Sa labanang ito. Tinalo mo ko. Hindi mo man lang ako hinayaang lumaban. Hindi mo man lang ako pinaglaban.

Lihim kong tinago. Matagal. Masakit. Sagad hanggang kaluluwa ko. Parang bombang sumabog ang puso ko. Lahat ng tingnan ko parang sing gulo ng WW3. Hindi na ata pumipintig ang pulso ko. Ang sakit. Sobra. Hindi ako makahinga. Ang taong pingarap ko buong buhay ko, hindi ko din naman pala pwedeng makakasama habang buhay. Tinanong ko na ang sarili ko kung totoo pa ba na may fairytale? Na may soulmate? Dahan dahang bumabagal ang mundo ko... ang sarili ko. Akala ko ulit sa pelikula lang nangyayari ang pagbagal ng paghinga kapag nasaktan ka. Hindi na pala talaga matutupad. Kahit sa panaginip, hindi kita makita. Hanggang sa pagmulat ng mata ko, hindi mo kamay ang hawak ko dahil bumitaw ka at hindi ang ngiti mo ang nakikita ko dahil wala ka na.

Isang araw, nalaman kong may iba na. Masaya ka. Bakit ako? Hindi na lang ako? Bakit hindi na lang ako ang pinili mo? Sabi ko sa sarili ko, kakayanin kong buuin ang sarili ko. Ang puso kong pinatay mo, kakayanin kong buhayin ulit. Kakayanin kong kalimutan lahat ng sakit ng galit.  Pag-aaralan kong kalimutan ka. Pag-aaralan kong hindi na ikaw. Hindi na ikaw.

Taon. Pagkalipas ng madaming taon. Bumalik ka, bumalik ang lahat ng sakit... ang lahat ng galit. Ginulo mo ang alam kong tama ko ng buhay... ang masaya ko ng buhay. Alam mong hindi na pwede. Dahil okay na ko eh. Masaya na ko. Sa wakas may taong nagsabi saken na ako ang gusto niyang makasama habang buhay. May taong pinaglaban ako. May taong hindi ako pinaasa.

Pero sadyang malakas ka. Hinayaan mo akong kumapit ulit. Hinayaan mo akong mahulog ulit. Ang sakit sakit. Dahil sa pangalawang pagkakataon, tinalo mo ko. Pano ko sasabihin sa sarili ko na hindi na ikaw? Pano ko sasabihin sa sarili ko na wag ikaw? Pano ko sasabihin sa sarili ko na wag akong kumapit? Tell me, how do I unloved you? Dahil sa pangalawang pagkakataon, pinaasa mo na pagmulat ng mata ko, hawak mo na talaga ang kamay ko at sasabihin mo sa lahat ng ng tao na ako na. Ako na talaga ang bukod tanging tao na mahal mo. Ako na talaga ang makakasama mo habang buhay. Pero hanggang huli, hindi pala.

Hanggang sa huli. Tinalo mo ako.

Lumipas ang bawat araw na nasasaktan ako. Pumipikit ako at ang bawat panaginip ko ikaw ang kasama ko. Sa panaginip ko masaya tayo at hawak mo ang kamay ko. Pero ginising mo din ako at sinabi mong hindi.

Alam ko. Ang ending ng fairytale ko ay hindi makasama ang prince charming ko.

Pinipilit kong kalimutan ka. Sabi ko, isang araw na lang at alam kong kaya ko na. Sabi ko lang pagbigyan mo kong makasama ka hanggang sa huling araw na itinakda. Sabi ko sayo, papatunayan kong kakayanin kong wala ka. Papatunayan kong kaya ko na. At ito na ang araw ng itinakda.

To my not-so-prince charming,

Huwag na nating ipilit pa ang hindi dapat. Kahit paikut-ikutin natin ang mundo, kitang-kita naman sayo ang halaga ko lang sayo. Wag mo ng idahilan saken na ako ang hindi pwede. Na ako ang may sabit. Pero kahit sana hindi magiging tayo, maramdaman ko lang naman kung ano talaga ako sayo. At tama, naramadaman ko naman. Simula noon hanggang ngayon, wala. Kahit sabihin mong hindi totoo, yan ang ipinapakita mo. Matagal ko na naman talagang tinaggap ang ending ng fairytale na ito. Kaya wag mong sabihin kung ano anong iniisip ko dahil yun naman talaga ang nakikita ko. Hindi naman masamang mangarap diba? Akala ko talaga kahit papano sa fairytale na to, ang tatawagin kong prince charming ay ikaw.  May mga bagay pa akong dapat pag aralan. Tulad ng kung pano ka hindi mahalin at kung pano ka kalimutan. Baby steps.

Pero, pwede ko ng sabihin na naka move on na ko. Hindi na ganun kasakit. Dahil kaya ko ng makitang hindi ko hawak ang kamay mo. Kaya ng hindi mag slow mo ng paligid ko. Dahil kaya na kitang tingnan.. titigan. Kaya ko ng isipin na may iba. Kaya ko ng sabihin na hindi na ikaw. Hindi na talaga ikaw. Kaya ko ng hindi maghintay. Kaya ko ng sabihin sa lahat na wala na. Tapos na. At balang araw, kaya ko ng makitang may iba na.

Salamat sa bawat araw ng pinangiti mo ko. Salamat sa bawat araw na kahit papano sinabi mong mahal mo ko. Salamat sa bawat araw na pinatatag mo ako. Salamat bilang naging malaki kang bahagi ng buhay ko. At hanggang sa huli, pasasalamatan kita. At hanggang sa huli sasabihin ko sayo, mahal kita.

Love,

Dhang

Wednesday, April 15, 2015

.battle.

Dear Mr.

I thought this is over. I thought kaya ko na. Pero bakit pag nakikita kita, iba ang sinasabi ng aking utak... ng puso. Sabi ko hindi na ko masasaktan. Sabi ko kaya na kitang tingnan... titigan. Sabi ko sa kanila ikaw ang pinaka walang kwentang taong nakilala ko. Eh bakit ako ganito?

Ang daya mo. I fucking hate you. I really fucking hate you.

How do I unloved you?  Nahihilo ako. Ang sakit sakit na ng puso ko. Ako na lang ba talaga ang kumakapit? Sadyang ganyan ka katigas para ganun ako kadaling bitawan? Hindi naman ako ang lumapit sayo. Pero bakit ako ang umasa? Hindi naman ako ang unang nagparamdam ah. Pero bakit ako ang nasasaktan.

Hindi mo ko mahal. Hep! Wait! Mali. Hindi mo naman talaga ako minahal. Kaya wag mong sabihing sayang. Wag mong sabihing nanghihinayang ka. Wag mong sabihin na kung naging tayo noon, sana tayo pa rin hanggang ngayon. Kasi sa totoo lang, hindi mo naman ako talaga minahal. Hindi mo naman talaga ko ginusto, hindi mo inisip na maging tayo. Masaya lang yung thought na gusto kita at hanggang ngayon gusto kita. Pero hindi mo ko kayang ipaglaban.

For the second time around. I lost.

Now, how do I unloved you?


Sunday, April 05, 2015

.this is better.

Akala ko tapos na.. Akala ko okay na.. Akala ko ayus na. Akala ko lang pala.
Ang mundo ko na naman ay unti unting nagiging slow-mo. Bakit? Bakit kelangan ko na namang maramdaman to? Tapos na to diba? Ilang taion na naman ang lumipas. Pero bakit ganun? 

Ang sama sama mo. Hindi mo alam ang pakiramdam ng isang taong nasasaktan. Ang sama sama mo. Sa pangalawang pagkakataon, natalo mo ako. Sa pangalawang pagkakataon, pinaramdam mo saken ang isang bagay na matagal ko ng kinalimutan. At mas masakit. Sagad. Pucha! Bibigyan kita ng award.

Nanginginig na ko. Ayaw man tumulo ng luha ko. Dahil sa kapipigil ko. Pero, pucha naman talaga. Ang sakit. Durog na durog. Sagad. Tapos itatanong saken kung anong nagawa? Talaga bang may karapatang magtanong? Grabe naman. Ang sakit. Tapos nasayo pala talaga lahat ng karapatan para sabihin na hindi ka magpapakita para hindi ako nasasaktan. Wow!!! At ikaw pa ang nagsabing wag akong masaktan! Talaga ba?

Teka lang. Konting preno naman.

Lord, nakikiusap ako.  Pigilan mo na ko. I should not feel this way. Pangalawang beses na to. At the end of the day, talo naman ako eh. Bakit kelangan dumating pa to. Pwede naman pong hindi na diba? Ok na po eh. Dapat po ang puso at pagkatao ko, hindi naguguluhan. Dapat po wala kong karapatang masaktan at malungkot. Nagmakaawa naman po ako eh. At ngayon muli akong nagmamakaawa. Lord, hindi dapat.

Hinga. Hinga ulit. Nakikipagpustahan ako. Mabubuo ko ulit ako. Ang huling tingin ko sayo ang magtatakdang okay na ko. Ipapakita ko sayo kung gaano ako kasaya. Ipapakita ko sayo kung pano ulit ako lalaban. Ipapakita ko sayo na okay ako. Bibilisan ko ngayon ang bawat segundo at oras. Dahil ayoko ng maabutan mo ko. Ipapakita ko sayo ang bagong ako. Matatag. Hindi nasasaktan. Masaya.