Sunday, February 07, 2010

. God Bless my fan.

To my fan... Nagpapasalamat ako sa walang sawa mong pagsuporta. Nagpapasalamat ako sa mga comments mong lagi akong pinapatawa. Sa pagiging stalker ng dating mo at napapansin kong di ka pa din nakakamove on sa life. Sa mga pangalang ginagamit mo na rumirepleksyon sa totoo mong pagkatao. Sa buhay na patuloy na ipinagkakaloob sayo dahil nagkakaroon ka pa rin ng chance maramdaman ang sarap ng hangin at makita ang napakagandang Pilipinas. At nagpapasalamat ako dahil nagkakaroon ka ng chance na bisitahin ang blogsite ko at maglagay ng kumento. :) Bilang isang panatiko ng aking buhay, nagpapasalamat ako dahil alam kong kinakarma ka na ngayon at alam kong magpahanggat buhay ka kakarmahin ka dahil sa mga ginagawa mo. Alam kong marami kang sinasabi sa mga kapwa mo panatiko ng aking buhay. Nang dahil sa iyong ginagawa alam mo bang ang buhay ko ay bumubuti at ang iyo ay unti unti ng binubulok ng panahon. Hangad ko saiyo ang kasiyahan. may kasabihan nga tayo "Live life up to the fullest!" Hangad kong bigyan mo na ng panahon ang mga malalapit mong kaibigan at ang iyong pamilya. Suhestyon kong sila ay iyo ng yakapin. Nalalapit na ang paglilitis. Huwag kang mag-alala, dahil ipagdadasal pa rin naman kita. Bigayan mo na ng katahimikan ang buhay mo, humingi ng tawad sa lahat ng taong nasaktan mo dahil nararamdaman kong hindi na sapat ang panahon. Mag-iingat ka at laging magdasal. Huwag kang mag-alala, darating din ang araw na tayo ay muling maghaharap. At sa paghaharap nating yun, ay baka sa harapan na ng iyong puntod. Wag kang mag-alala, hinding hindi kita malilimutan. Alam ko din na balang araw ay magkikita din tayo sa tinatawag ng LANGIT at haharap din ako kay San Pedro. Pero wag kang mag-alala dahil hidi pa naman yun ngayon. Kasi alam mo kung bakit? Marunong kasi akong magpatawad at marunong akong humngi ng tawad at mahal ko ang buhay na ipinagkakaloob saken bawat araw. Maraming Salamat muli sayo. Nawa'y pagpalain ka ni Lord. DHANG