Saturday, February 08, 2014

.Status: It's Complicated.

Status: It's complicated.

Sino ba naman ang may gustong yan ang nakalagay sa FB page mo? at sino rin ang nagsabi na yan dapat ang ilagay ko? Pero anong gagawin ko? Paano ko iiwanan ang isang bagay na hindi ko din naman sinasadyang gustuhin.

Ang tanging alam ko lang. Ang pag-ibig walang pinipili. Walang hinuhusgahan at walang humuhusga. 

Nakilala kita. Di ko naman inakala na may mali. Na may hindi dapat. Pero parang drugs. Ang hirap pigilan. Alam ko. At alam na alam ko. Ilang beses ng sinabi ng mga kaibigan kong mali ang nararamdaman ko. Pero paano? Hindi ko kayang tulungan ang sarili ko. Ikaw ba kayang mong turuan ang puso mo? May mga bagay na kusang dumadating at hindi mo inaasahan. Dalawang bagay lang naman yan. Una, tatanggapin mo ba ito? Pangalawa, hahayaan at kalimutan.

Ang hirap mamili sa totoo lang. Kung may bagay akong dapat iwasan yun ang mamili. Pero eto na. Mali ako. OO. Ulit-ulitin man natin yan. Alam ko na mali ako. Pero pucha naman. Subukan mo kayang ikaw ang lumayo. Subukan mo din na hindi magpakita ng kahit anong magandang bagay. Baka sakaling kalimutan na kita.

Kinakausap ko nga ang sarili ko... pati na ang puso ko. Ang sabi ko 'wag kang tanga. Marami namang iba dyan. Kinakausap ko ang utak ko. Sabi ko, please iba na lang. Kinakausap ko ang mata ko. Ang sabi ko, ayan o! nasa harap mo na. Pero hindi sila marunong makinig. May sarili ata silang pag-iisip.

Parusa na nga itong matatawag. Ang tawagin kang "The other woman", "Kabit", "Mistress" at kung ano -ano pang masasamang tawag na pwede mong sabihin sa pagkatao ko. Pinigilan ko naman... Kulang na lang maglaho akong parang bula. Kulang na lang sabihin ko sa nanay ko at itanong ko kung bakit niya pa ko binuhay.

Alam mo ba kung gaano kahirap tanggapin na kahit kelan hindi ka magiging akin? Na kahit kelan wala akong matatawag na saken? Alam mo ba ang pakiramdam ng nakikihati? Alam mo ba ang pakiramdam ng wala kang karapatan? Alam mo ba ang pakiramdam ng sa bawat segundo nasasaktan ka, dahil alam mong ang bawat segundo ng pagpintig ng kanyang puso ay hindi naman ikaw? Alam mo ba kung anong pinakamaskit sa pinili kong pagkakamali sa buhay ko? Ang piliin ko at ipaglaban ang nararamdaman ko kesa ang pakinggan ang nararamdaman ng ibang tao at sumuko.

OO alam ko. Choice ko yan. Yan kasi yung bagay na ginusto ko. Yan yung bagay na pinili ko. Yan yung bagay na dapat pinagisipan ko ng 'sandaang beses, bago ko pinasok. Alam ko. At dahil alam ko, mas nasasaktan ako.

Sa totoo lang. Wala akong karapatan na gawin 'to. Pero gusto ko lang ibahagi ang nararamdaman ko. Minsan, may isang araw din na darating para saken. At sasabihin kong. ETOOOO NA TOOO! ETOOO NA TALAGAAA TOOOO!

Isang araw. Balang araw.












Saturday, February 01, 2014

.Sabado Girls.

Para sa aking mga kaibigan,

Mahal ko kayo at alam kong alam niyo yan.

Isang Sabado na punong-puno ng tawanan at makabuluhang usapan.

Ang alam ko kahit hindi tayo magusap, ang mga puso naman natin ay punong-puno ng mga kataga. Ang mga mata nating sumasagot sa katanungan ng buhay. At ang mga galaw nating nagpapahayag ng walang hanggang pagdamay.

Maraming Salamat.

Love,

Dhang