Monday, August 07, 2017

.full moon.

.ako.

Tagu taguan maliwanag ang buwan. 

Ang damdamin natin na walang patutunguhan. Hanggat walang nahahanap ikaw pa rin ang taya. Paulit ulit lang simula umpisa. Hahanapin mo ko. Hahanapin kita. Hanggang kelan kaya. 

Sabi ko, hindi ako papayag na ang gabi ay ang ating parang araw. Magkikita lang tayo pag lipas na ang liwanang. At ang tanging saksi ay ang mga bituin na minsan ng nagsabi sa akin, ineng, pag hindi mo itinigil, bandang huli baka buhay mo'y iyong kitilin. Ngunit walang may alam kung gaano na kalalim baka kahit ilang balon pa ang ang ating puntahan, sukatin man kung gaano kalalim, walang tutumbas, pangako yan. 

Simple lang naman ako. Yung mga gusto ko. 

Gusto ko lang yung taong liligawan at susuyuin ako. Yung gagawin ang lahat mapa oo lang ako. Yung taong hindi ako itatago. Yung taong ipagmamalaki at sasabihin sa buong mundo kung gano niya ako kamahal. Yung taong paiiyakin ako ngunit  kaya akong pangitiin sa bawat araw.  

Ako yung tipo ng taong gusto lang ng taong magmamahal ng totoo. Yung ramdam mong totoo. 

Ako yung taong simple lang pakiligin. Hindi kelangan magarbo. Hindi kelangan ng confetti, flowers, chocolate or kung ano ano pa. Titigan mo lang ako. Tapos sabihin mo, mahal mo ko. Tapos ngumiti ka. Tapos yakapin mo ko. Kantahan mo ko, kinikilig na ko. Pakiramdam ko niyan nasa langit na talaga ako. 

Ako yung tipo ng tao hindi marunong humingi. Pero ako yung humihiling. 
Ako yung taong minsan makitid. Pero kaya pa ring intindihin. 

Masyado akong mapagbigay. 

Kelangan mas okay ka kesa sa mas okay ako. 
Kelangan mas pakinggan kita kesa sa mas kelangan mo akong pakinggan. 
Kelangan mas mahal kita kesa sa mas mahal mo ko. 


Ayun lang. Mahal kita kasi walang Mahal mo ako. 

.tatlong hakbang palayo.

Dear Dhang, 

Please be strong. It’s just a heartache. Everybody experience that. Hindi mo siya dapat ikamatay. Hindi mo siya dapat pagisipan. Hindi mo siya dapat labanan. Diba ang usapan, wala ng labanan. Diba ang usapan wala na naman dapat ipaglaban. Kasi wala ng saysay yang ipinapaglaban mo. Dapat kang mamanhid. Dapat kang walang maramdaman. Dapat wala. 

Kasi ang dapat, yung ikaw naman. Ikaw naman dapat. Yung ikaw naman yung mahal. Yung ikaw naman yung importante. Yung ikaw naman yung dapat. Yung ikaw naman yung ipinapaglaban. Yung ikaw naman yung priority. Yung ikaw naman yung gusto. 

Kakayanin natin diba? Kakayanin natin lahat. Kakayanin natin dapat. 

Saklap diba? yung ikaw yung humingi, tapos ibinigay pero ikaw yung nawalan. Ikaw yung lahat ng nagparaya. Yung sa bawat araw, ipinipikit mo ang mata mo. Sinasarado mo ang mga tenga mo. Yung hinahawakan mo ang puso mong baka maubos na -- dahil durog na durog na.

Maraming "What ifs". 

1. What if nanahimik ka na lang at hindi mo na lang sinabi?
2. What if pinigilan mo na lang?
3. What if sa iba na lang?
4. What if lumayo ka na lang?

Hindi naman ako nag self-persecute. Ang akin lang, kung hindi ka nagreact, kung hindi mo naramdaman at hindi mo sinabi, sana… okay lahat. 

Pero anjan na yan. Wala ka na namang magagawa. 

Pinili na niya to. Yung ganyan lang kayo. Yung walang kayo. Yung hindi magiging kayo. Kasi hindi pwede. Kasi hindi talaga pwede. So sorry ka. Diba ikinamatay mo na yang salitang yan -- I AM SORRY. 

Pinili niya to. Yung hindi ka kasama. Yung hindi ikaw. Pinili niya yung sitwasyon na wala ka. 

Kasi kaya niya.

DAPAT IKAW DIN. 

Ang lagi lang namang tanong: kaya mo bang bitawan? Kaya mong lumayo? o mas kaya mong magbulag-bulagan? magbingibingihan? o magtanga-tangahan?

Mahal mo siya. Hindi na magbabago yun. Pero kelangan ramdamin yung sakit. Kelangan mong ramdamin kung gaano kasakit. Kasi wala namang ibang tutulong sayo para buuin yung durog mong pagkatao kundi ikaw. Para alam mo kung paano magsisimula ng wala siya. Para alam mo kung paano bukas. 

Kalabitin mo ko pag okay ka na. Magiging masaya ako para sayo. 

Sabi ko sayo: TATLONG--HAKBANG--PALAYO.

Love, 
DHANG


.hinga.

Hindi pwede.
Ipikit mo ng mahigpit ang iyong mga mata.
Alam mo naman na sa bandang huli ay hindi pwede.

Hindi pwede.
Pigilan hanggang sa kaya.
Alam mo naman na na sa bandang huli ay hindi pwede

Hindi pwede.
Igapos mo ang mga puso mong naguumalpos.
Alam mo naman na sa bandang huli ay hindi pwede.

Hindi pwede.
Wag kang iiyak.
Alam mo naman na sa bandang huli ay hindi pwede.

Hindi pwede.
Punyeta! wag kang masasaktan.
DAHIL ALAM MO NAMAN NA HINDI PWEDE.

HINDI PWEDE.
SUMIGAW KA NA LANG NG TAHIMIK.
DAHIL ALAM MO NAMAN NA HINDI TALAGA PWEDE.

Kailan ba yung pwede?
Hindi pwede.
Kasi alam mo naman na sa una pa lang, hindi naman talaga pwede.

.Hinga.Kapit.Sigaw


Tuesday, August 01, 2017

.Ulan.

Ang bawat patak ng ulan ay nagsisilbing hudyat ng luha kong buhos na buhos na.

At sa bawat pagtigil nito ay nagsisilbing hudyat na kailangan kong huminga.

Mahal kita. Mahal lang kita.

Ang hirap. Ang sakit. Nakakadurog.

Buti pa ang langit kayang damayan ako.

Madilim. Umiiyak.

Ang bawat patak ng ulan ay nagsisilbing hudyat ng luha kong ubos na ubos na.

At sa bawat pagtigil nito ay nagsisilbing hudyat na kailangan kong bumangon at intindihin na may bagong panimula.

Kung sakali, baka nga... sa kabilang mundo, mahal mo na rin ako.