Thursday, August 30, 2007

Sino Ako?

nakaupo ako sa may reception area. nagiisip kung anong dapat kong gawin. tapos ko ng gawin ang mga gawain ko for this day. tapos na rin sa wakas ang mga talent ko. kahit inumaga na ko dito. madami akong iniisip. hindi ko na maintindihan kung anong dapat unahin. kulang yata ako sa paalala. hindi ko maisip na darating ang moment na 'to. inisip ko lang kasi dati na hindi...hindi...pero darating nga talaga. mahaba ang pasensya ko. kasing haba ng hanggang sa dulo ng walang hanggan. marunong akong magpatawad. marunong akong mag-weigh ng sitwasyon. mapagbigay akong tao. hanggat sa kaya kong sikmurain..hanggat sa kayang kong tanggapin, tinatanggap ko ng walang alinlangan. kasi yun ang dapat. hindi ako mapanghusga. hanggat sa kaya kong walang maisip gagawin. hindi ako pumipigil sa kahit pa sa anong opinyong meron ka. hindi ako marunong magalit. sayang yan sa oras, energy at panahon. hindi rin ako marunong magsalaita ng saloobin ko. kasi sa kadahilanang hindi ko kaya. pero marunong akong mainis..magtampo at masaktan. madali na akong umiyak sa bawat sitwasyon. madali na akong masaktan. hindi ko na kayang magpakamanhid na tulad ng dati. pero pipi pa rin ako sa lahat ng gusto kong sabihin. bakit ba pinipili kong wag magsalita masyado? bakit pinipili kong umiyak ng hindi nalalaman? bakit pinipili kong mag isip ng magisa?-- sa kadahilanang ayaw ko na rin ng issue. nakakapagod ang magpaliwanag sa taong hindi nga sara ang isip pero pag NAPUNO ay hindi na marunong makinig. oo...naiintindihan ko ang bawat siwasyon. alam ko kung anong kalalabasan ng bawat pangyayari pero. pero pinili ko ang dapat. kasi yun ang dapat. kahit hindi dapat. kasi isa kang tao na nagmamahal at ayaw mong malamatan. speaking of lamat. sarilinin ang nalalaman. hindi dapat ipagsabi. pero pinili mong sabihin ng hindi malamatan. sumakit man ang ulo mo sa kakaisip ng tamang salita. nagkalat man ang brain cells ko sa sanlibutan at tila napagod sa kaka-weigh ng bawat sitwasyon..pinili mo parin ang dapat. dahil yun ang dapat. hindi itinago, dahil mas malaki ang magiging lamat. inakala mo na ang lahat ay umaayon sa pangyayari. ngunit kulang pa yata ang bawat salitang lumalabas sa iyong mumunting bibig. katanungan na hindi na masasagot dahil hindi dapat sagutin. na dapat ay ipinadala na lamang sa hangin. dahil kahit ikaw mismo alam mo ang bawat sagot sa mga tanong ng iyong isip. magsaya.matulog.gising

Saturday, August 04, 2007

BLOG

Ano nga ba ang blog? eto ang personalized diary mo na pwede mong i-share sa lahat ng tao. kahit ano pwede mong ilagay..sabihin.. walang pwedeng umangal dahil ayon nga sa aking profile ito ay para sa mga taong bukas ang isipan sa lahat ng mga mababasa dito. Ano ang nilalaman ng blog? All about me...She wants...Taggies....Archives at Credits. Ano ang ibig sabihin ng bawat isa? All about me - Ito ang description ko sa sarili ko. She Wants - Mga gusto ko sa buhay ko ngayon. Taggies - Pwede kang magreact. mga nais mong sabihin sakin para naman alam ko kung anong gusto mo. Archives - Past blogs. pwede mong i-visit. Credits - Ito ang masasabi ko sa mga taong nais basahin ito. Bakit ko ba nasabi ang mga ito? minsan kasi hindi na natin kelangan pang tanungin ang mga bagay na nasa blog ko... kung gusto mo magreact pwede mong sabihin sa taggies ko. walang pakialamanan kung anong gusto kong sabihin dito. kasi feelings ko ito. ito ang mga bagay na nais kong sabihin. kung hindi ko man ito magawa o magawa ko man ito ako na "call" ko yun. ayoko kasi ng magreact ang mga tao sa blog ko ng hindi na lang ilagay sa comment o sa taggies ko. o kaya mas maganda sabihin na lang saken or mag blog na rin para naman masiyahan ako at may babasahin na rin akong blog. Masama ba ang loob ko? oo. hindi ko din kasi inexpect ang mga sitwasyon. ang daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot. hindi ko alam kung pano magrereact. hindi ko alam kung pano ako haharap sa mga bagay bagay. Anong gusto kong mangyari? kung hindi bukas ang isip sa mga mababasa dito sa blog ko, wag na lang bashin. kung hindi ok sa kanila wag na lang basahin. kung may gustong sabihin, sabihin ng derecho o mag-tag/comment dito. wala namang problema. wag na lang magtanong kung bakit yun ang nakalagay dito. hindi dapat dahil saken ito. at sarili ko ang nilalabas ko dito. kamusta naman? diba? kaya nga ako gumawa ng blog eh. Mag-Tag.Mag-comment.Buksan ang isip.

Friday, August 03, 2007

"AEHRA"

i'm with "Aehra" right now...wala kaming magawa kundi hanapin ang boylet niyang si bboy_daboy na hindi naman namin mahanap...mamya mag ma-masas kami...iinom ng matinding litro ng margarita...waahhhh!!! i miss masas!!! :) gusto niyang magpagupit sa Korean salon sa may buendia.. 500 ang gupit...sosyal! :) wala na kaming magawa... naghihintay ng oras para kami ay makainom na. promise magiingat na ko sa mga snatcher sa labas... lalo na't sa greenbelt na naman ang punta ko. MGA DAPAT TANDAAN: 1. Wag uminom ng marami para makauwi ng maayos. 2. Wag iwan ang bag na malaki kung saan saan baka makuha na naman ang cellphone at ibalik parin ang sim card at ang pouch bag. 3. Matulog. para bukas may lakas mag-audition para sa isang project at para sa mga bagong talents na nais maging voice talents. 4. Maglinis ng studio bukas. para naman maaliwalas ang pag-tratrabaho natin. 5. Maglinis ng room. grabe sa dumi ito. 6. I-edit ang voice sample ni King DJ Logan para sa kanya dahil nagrecord kami ng personal message alert tone... THE BEST!!! SEXY TIME!!! 7. Pagdating ng bahay ibahin ang message alert tone sa kadahilanang takot si Baby Brent sa boses ni Logan. 8. Gumising ng maaga starting next week para naman mabawasan ang kaltas sa sweldo ko ng late at hindi na ko masita. sorry talaga! :( 9. Magbayad ng utang. wag kalimutan. hay... kelangan ng kaperahan. 10. Mag-church sa sunday. kelangan pa rin magpasalamt kay Lord for all the blessings and the challenges. Nagiging strong ako everyday.