Thursday, August 30, 2007
Sino Ako?
nakaupo ako sa may reception area. nagiisip kung anong dapat kong gawin. tapos ko ng gawin ang mga gawain ko for this day. tapos na rin sa wakas ang mga talent ko. kahit inumaga na ko dito.
madami akong iniisip. hindi ko na maintindihan kung anong dapat unahin. kulang yata ako sa paalala. hindi ko maisip na darating ang moment na 'to. inisip ko lang kasi dati na hindi...hindi...pero darating nga talaga.
mahaba ang pasensya ko. kasing haba ng hanggang sa dulo ng walang hanggan. marunong akong magpatawad. marunong akong mag-weigh ng sitwasyon. mapagbigay akong tao. hanggat sa kaya kong sikmurain..hanggat sa kayang kong tanggapin, tinatanggap ko ng walang alinlangan. kasi yun ang dapat. hindi ako mapanghusga. hanggat sa kaya kong walang maisip gagawin. hindi ako pumipigil sa kahit pa sa anong opinyong meron ka. hindi ako marunong magalit. sayang yan sa oras, energy at panahon. hindi rin ako marunong magsalaita ng saloobin ko. kasi sa kadahilanang hindi ko kaya.
pero marunong akong mainis..magtampo at masaktan. madali na akong umiyak sa bawat sitwasyon. madali na akong masaktan. hindi ko na kayang magpakamanhid na tulad ng dati. pero pipi pa rin ako sa lahat ng gusto kong sabihin.
bakit ba pinipili kong wag magsalita masyado? bakit pinipili kong umiyak ng hindi nalalaman? bakit pinipili kong mag isip ng magisa?-- sa kadahilanang ayaw ko na rin ng issue. nakakapagod ang magpaliwanag sa taong hindi nga sara ang isip pero pag NAPUNO ay hindi na marunong makinig.
oo...naiintindihan ko ang bawat siwasyon. alam ko kung anong kalalabasan ng bawat pangyayari pero. pero pinili ko ang dapat. kasi yun ang dapat. kahit hindi dapat. kasi isa kang tao na nagmamahal at ayaw mong malamatan.
speaking of lamat. sarilinin ang nalalaman. hindi dapat ipagsabi. pero pinili mong sabihin ng hindi malamatan. sumakit man ang ulo mo sa kakaisip ng tamang salita. nagkalat man ang brain cells ko sa sanlibutan at tila napagod sa kaka-weigh ng bawat sitwasyon..pinili mo parin ang dapat. dahil yun ang dapat. hindi itinago, dahil mas malaki ang magiging lamat. inakala mo na ang lahat ay umaayon sa pangyayari. ngunit kulang pa yata ang bawat salitang lumalabas sa iyong mumunting bibig. katanungan na hindi na masasagot dahil hindi dapat sagutin. na dapat ay ipinadala na lamang sa hangin. dahil kahit ikaw mismo alam mo ang bawat sagot sa mga tanong ng iyong isip.
magsaya.matulog.gising
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment