Monday, May 31, 2010

.basag.

tumayo ako sa tapat ulit ng salamin. tinapik tapik ang mukha. sabay tanong "ikaw pa ba yan?" nakatitig. nakakatunaw. iniisip kung tama pa ba? masaya pa ba? ang daming tanong. pero hindi masagot ng pagod kong utak.anong meron? anong nangyayari? bakit? tanong pa rin ng tanong ang utak kong di tumitigil mag-isip kung paano at bakit pero wala talagang sagot akong makuha... isang araw, sabi ng puso ko, "mahalin mo ang taong nagmamahal sayo ng totoo" kumontra ang utak ko. sabi niya, "nagmamahal ng totoo? minamahal niya ang sarili niya ng likha." "ang alam ko kasi, ang pag-ibig ay binubuo ng pagmamahalan ng dalawang tao. kaya niyo pinasok ang relasyon na iyon ay para magtulungan." "ang sarap siguro na pag gising mo sa umaga na magaan ang pakiramdam mo. yayakapin ka ng mahal mo at sasabihin sayong ok lang ang lahat. kapag masama ng loob mo sa kanya, makikinig at sasabihing pasensya na. ang tagal naman. kelan ba?

.red wall.

Tulala. Nagiisip kung tama na nga ba o itutuloy pa.

Heto na naman ako. Tumitipa sa keyboard ng hindi iniisip kung anong dapt isulat.

Wala na ba talaga akong masayang maisusulat?

 

Ang sabi mo sakin, ang susunod mo sanang mabasa ay tungkol sa mga masasayang araw nating magkasama.

Pero minsan ang utak ko ay hindi gumagana kapag Masaya.

Iba na nga ba talaga ang nakikita ko?

Malabo ang paninging nakatitig sa pulang dingding.

Sumasangayon sa nararamdaman.

Blanko.

 

Kumakapit sa natatanging bagay na aking alam.

Pero kumakalas sa tuwing naiisip kong dapat ay tama na.

Gusto kong itigil ang pagiisp at ang pagtakbo ng oras.

Kung may kakayahan lang, bakit hindi diba?

 

Tuturuan ko ang aking isipan.

Alam kong kaya pa at kakayanin pa.

Kahit pagod, alam kong kelangan.

Mahal kita at yun ang tama.