Friday, June 22, 2012

.destiny.

Nung bata ako. Sabi ko sa sarili ko ang pag-ibig ay isang bagay na pinahahalagahan. Isang damdamin na hindi mo mapipigilan na kung saan ang puso mo ay walang tigil sa pagtibok. May kasamang kilig. Na kung minsan ay hindi mo na ma identify kung ano ang paghanga at pag-ibig. Gigising ka sa umaga excited ka dahil makikita mo siya. Kikiligin ka pag napansin ka niya. Magsisimula ang ligawan at sa bandang huli ang status mo "in a relationship".

Nung bata ako, naniwala ako na ang pagpapakasal ay pagpapasakal. Walang privacy. Walang freedom. Hindi mo magagawa ang mga bagay na gusto mo. Hindi na pwedeng ikaw lang. Laging may plus 1. Mas matindi pa sa nanay mo magtanong kung anong oras ka uuwi. Meron ka ng kinokonsiderang damdamin.

Pero habang tumatagal. Tama naman sila, nagbabago ang isip mo sa bawat pangyayari sa mundo. Naiiba ang damdamin na nararamdaman mo. Lumalawak ang pananaw mo sa buhay. At kasama dun ang pananaw ko sa pag-ibig at pagpapakasal.

Ngayon, para sakin ag pag-big ay pinipili. Ang taong gusto mong makasama habang buhay sa pamamagitan ng kasal ay pinipili. Madali lang naman ang magmahal. Isang tibok ayun na yun. Ngunit, madaling madurog ang puso. Madali ding maglaho pag nakakita ka ng pangit sa pagkatao.

Kaya natututo tayong tumanggap. Natututo tayong mahalin ang mga bagay na mahirap mahalin. Pero ang tanong ng isip mo at ng puso mo, ay hanggang kailan? Ikaw na lang ba lagi ang magmamahal? ikaw na lang ba lagi ang magbibigay? Minsan naiisip din kaya nila na sana sila naman. Hindi naman tayo nanghihingi ng kapalit. Pero tao tayo na marunong rumamdam.

Masakit pag sinabi ko sayong tama na. Masakit pag sinabi ko sayong tigilan mo na. Masakit pag lahat parang sabihin mo na balewala. Hanggang kelan? Kaya mo pa bang magtiis? Kung ang puso at paglatao mo ay durog na durog na at sinasabing hangga't kaya ko pa sana bumitaw ka na.

Ang papakasalan at ang taong gusto mong makasam habang buhay ay pinipili. Dahil pinipili mong doon ilaan ang damdamin mo. Ang buong pagkatao. Ang buaong buhay mo. Pero pano kung sila mismo ang hindi gumagawa ng paraan para hindi ka makasama habang buhay. Pano kung sila ang may pagaalinlangan. Sila ang nagsasabing, hindi.

Sana minsan isang araw, maisip nila na hindi ka bato. Hindi ka palamuti na kung kailan lang nila mapkita ay tsaka lamang papansinin. Isa kang taong nagmamahal at umaasang balang araw may masasabi kang ikaw, ikaw ang gusto ko sa buhay ko. ikaw ang kukumpleto sa hindi ko buong pagkatao. ikaw na nilaan para sakin. at mamahalin ko habang buhay. at hindi sasabihan ng nauumay na ko at nagsasawa na ko.

Ikaw na nangangarap isang araw na sabihan ka niya parang nung mga bata pa kayo ng "mahal kita. wag mo kong iiwan ha". Ikaw na naghihintay hanggang ngayon. Wag kang bumitaw. Ipaglaban mo hangga't kaya mo. Hangga't may isang daliri pang kumakapit. Hangga't may isang parte pa ng puso mo ang tumitibok.


.heartbeat.

My heart is beating fast. As if it will never slow down. My brain is not functioning well. I can feel pain.

God bless the blabber mouth. You really tested my patience and ability to not say anything. To really tell my face that "silence is my strength". I never stabbed you. I never said anything against you. I gave you my 100% of caring and understanding. And up until now, i'm still giving you that. Thank you for showing me the real  you. As far as my parents are concerned, they taught me not to say anything bad against anyone. Thank you so much for being so not real to me. Thank you for thinking i'm not part of your family. That I'm just such "the poor girlfriend" and not "the wife". Thank you for using my innocence. God bless you.

God bless you my loving partner. For letting me feel that i'm not part of your family. For giving such impression that i'm really the terror girlfriend. That I'm counting all the things i gave you. For giving them the impression that i'm a bitch. God bless you.

Yes. I'm not perfect. I know that now, you realized why me? But I gave my best to be the loving and faithful partner. But it seems it's not enough.

But I will still fight for you. I will still fight for this relationship. Someday, you will see I'm the girl who's really worth fighting for.

.silence.strength.heartbeat.

Monday, May 14, 2012

.isang araw.

Hindi ako inggetera. Minsan lang akong maging sumbatera. (sa sobrang galit ko pa yan ha!) pero alam na alam ko sa sarili ko na kulang ako sa atensyon. Hindi ako mapag hangad ng kahit ano. Hindi din ako mahilig sa pagsabi ng "bili mo ko niyan".

Pero isa akong batang kulang sa atensyon. Lalo na sayo. Minsan naiisip ko kung tama nga ba ang mga ginagawa ko sa buhay ko kahit alam kong natatalo ako.. wala ka rin namang gagawin para manalo ako. Minsan din inisip ko, hindi pa sapat lahat ng mga bagay na ginagawa ko para sayo. Mali ba ang mangarap? Mali ba ang isipin na sana ako naman.

Sana isang araw maisip mo kong dalawin sa opisina kung saan ako nagtratrabaho. Dalhan ako ng bulaklak at tsokolateng gusto ko. Sana isang araw maisip mo kong ayain manood ng sine at kumain sa gusto nating restaurant. Sana isang araw maisip mo kong ayain uminom at mag relax. Sana isang araw maisip mo kong ayain sa spa at magpamasahe. Sana isang araw maisip mo kong sunduin kapag ginagabi ako ng uwi. Sana isang araw maisip mo kong biglang yakapin at halikan para sabihing namimiss mo ko. Sana isang araw ako naman ang yakapin mo ng matagal pag tulog. Sana isang araw maisip mo kong dalhan ng kahit ano para sorpresahin ako. Sana isang araw maisipan mo kong bilhan  ng regalo pag monthsary, anniversary o kaya pag birthday ko. Sana isang araw makita ko ulet na mahal na mahal mo ko at kinikilig kang kasama ako. Sana isang araw pag naglalambing ako hindi mo ko iiwasan. Sana isang araw pag nalalambing ako at tulog ka hindi mo ko sisigawan at sabihing ang kulit ko at hindi naman importante ang sasabihin ko. Sana isang araw maisip mong si "Dhang"naman.

Hindi naman masamang mangarap diba? HIndi naman masamang humiling ng atensyon. Minsan tinatanong ko na sa sarili ko. Ano at nasaan ba ako sa buhay mo? Kaya ko pa bang mag antay sayo? Maiisip mo pa kaya ako?

.pumikit.lumingon.tumango.

Thursday, January 26, 2012