Nung bata ako. Sabi ko sa sarili ko ang pag-ibig ay isang bagay na pinahahalagahan. Isang damdamin na hindi mo mapipigilan na kung saan ang puso mo ay walang tigil sa pagtibok. May kasamang kilig. Na kung minsan ay hindi mo na ma identify kung ano ang paghanga at pag-ibig. Gigising ka sa umaga excited ka dahil makikita mo siya. Kikiligin ka pag napansin ka niya. Magsisimula ang ligawan at sa bandang huli ang status mo "in a relationship".
Nung bata ako, naniwala ako na ang pagpapakasal ay pagpapasakal. Walang privacy. Walang freedom. Hindi mo magagawa ang mga bagay na gusto mo. Hindi na pwedeng ikaw lang. Laging may plus 1. Mas matindi pa sa nanay mo magtanong kung anong oras ka uuwi. Meron ka ng kinokonsiderang damdamin.
Pero habang tumatagal. Tama naman sila, nagbabago ang isip mo sa bawat pangyayari sa mundo. Naiiba ang damdamin na nararamdaman mo. Lumalawak ang pananaw mo sa buhay. At kasama dun ang pananaw ko sa pag-ibig at pagpapakasal.
Ngayon, para sakin ag pag-big ay pinipili. Ang taong gusto mong makasama habang buhay sa pamamagitan ng kasal ay pinipili. Madali lang naman ang magmahal. Isang tibok ayun na yun. Ngunit, madaling madurog ang puso. Madali ding maglaho pag nakakita ka ng pangit sa pagkatao.
Kaya natututo tayong tumanggap. Natututo tayong mahalin ang mga bagay na mahirap mahalin. Pero ang tanong ng isip mo at ng puso mo, ay hanggang kailan? Ikaw na lang ba lagi ang magmamahal? ikaw na lang ba lagi ang magbibigay? Minsan naiisip din kaya nila na sana sila naman. Hindi naman tayo nanghihingi ng kapalit. Pero tao tayo na marunong rumamdam.
Masakit pag sinabi ko sayong tama na. Masakit pag sinabi ko sayong tigilan mo na. Masakit pag lahat parang sabihin mo na balewala. Hanggang kelan? Kaya mo pa bang magtiis? Kung ang puso at paglatao mo ay durog na durog na at sinasabing hangga't kaya ko pa sana bumitaw ka na.
Ang papakasalan at ang taong gusto mong makasam habang buhay ay pinipili. Dahil pinipili mong doon ilaan ang damdamin mo. Ang buong pagkatao. Ang buaong buhay mo. Pero pano kung sila mismo ang hindi gumagawa ng paraan para hindi ka makasama habang buhay. Pano kung sila ang may pagaalinlangan. Sila ang nagsasabing, hindi.
Sana minsan isang araw, maisip nila na hindi ka bato. Hindi ka palamuti na kung kailan lang nila mapkita ay tsaka lamang papansinin. Isa kang taong nagmamahal at umaasang balang araw may masasabi kang ikaw, ikaw ang gusto ko sa buhay ko. ikaw ang kukumpleto sa hindi ko buong pagkatao. ikaw na nilaan para sakin. at mamahalin ko habang buhay. at hindi sasabihan ng nauumay na ko at nagsasawa na ko.
Ikaw na nangangarap isang araw na sabihan ka niya parang nung mga bata pa kayo ng "mahal kita. wag mo kong iiwan ha". Ikaw na naghihintay hanggang ngayon. Wag kang bumitaw. Ipaglaban mo hangga't kaya mo. Hangga't may isang daliri pang kumakapit. Hangga't may isang parte pa ng puso mo ang tumitibok.
No comments:
Post a Comment