Wednesday, November 24, 2010

.new peso bill.

By December 16, the newly-designed Philippine Peso bills will be out in the market.


This is the proposed new bill design.. i like the old one.

Thursday, November 18, 2010

.yuwan and brent.


super smile ang baby yuwan though nasa Asian hospital. kuya brent tulugtulugan. :D

.stress-free.

stress free moment for us! we just love christmas lights and the cold air from ayala. :)

Tuesday, November 02, 2010

.anxiety attack.

Buti na lang yung officemate kong si joyce ay nanonood ng THE SECRET. The law of attraction... The law of attraction. Oh my Gawd! anxiety attack na naman ako.. shet ! hindi pwede. dapat maging maganda ang araw ko. Gravity stay the hell away from me. With what's happening to my beloved country, stress is the word i can describe. Suspension i heard. Oh my GAWD! what's wrong with you people! this is not advertising. damn!

Thursday, September 30, 2010

.The Man Who Can't Be Moved.

Hindi to yung kanta. Nakakatawa lang that there are people who can't be moved. Nakakatawa lang yung pag nakita mo iasng araw, halos isumpa ka nila dahil sa mga nangyayari sa buhay nila. Whatever! choice nila yan. BVness go away. hahaha! i can't stop laughing.. tears are falling from eyes. ahahahahaha!

.call center.

Good Morning Philippines ang TEMA KO! why not lahat ng tawagan ko ay waley! ang opisina kong sing tahimik ng bar na walang tao. MYGAWD! why oh why?! Anyway.. eto na naman ako at sinsipag akong mag blog.. shet! kelangan ko ng client. funny pala.. ngayon ko lang ulet inupload ang cbox ko dahil may isang taong galit na galit saken at hindi maka get over! until now. so if am a DEVIL anong tawag sayo? :D wala! kasi walang madescribe sayo! :D

.This is NOT a GOOD -- bye.

Sabi nga ng friend ko na itago natin sa pangalang JONA JARVIK. Ang trabaho ay parang relasyon. Manliligaw ka para mapasagot mo ng "oo". Magiging friends mo ang mga friends niya. Pagiingatan mo para tumagal. Mamahalin mo para mahalin ka din. At dadating din sa puntong may hindi pagkakaintindihan. Ikaw ay masasaktan. Hanggang sa maiisipan mong makipagbreak at iwanan. Masakit na masaya. Masakit kasi yung mga kaibigan mo ng matagal na panahon ay mawawalay na sayo. Ibang mundo na naman. Bagong pakikisama at pakikisamahan. Masaya dahil "charged to experience" na naman ang tema ko.

Thank you....

Thursday, June 24, 2010

.bored.

At dal bored na naman ako.. naisipan kong sumagot ng survey… funny lang.

 

[ZERO] Who was your last text from? - Jan Ian Piñgol

[ONE] Where was your default pic taken? - Soundesign - Admin By: Tanya Blay

[TWO] Your relationship status? - committed

[THREE] Where did you meet your crush? - jan sa tabi sinitsitan ko. hahaha

[FOUR] Have you ever lost a close friend? - yep..name nya Richel. she died september 15 2002

[FIVE] What is your current mood? - blue

[SIX] Whats your brother(s) names? - renan, reggie and rj

[SEVEN] Sister's names? - none

[EIGHT] Where do you wish you were right now? - sa emergency room or psychiatric ward hahaha

[NINE] Have a crazy side? - hahahaha... sinagot ko na yan sa eight.

[TEN] Ever had a near death experience? – yes

[ELEVEN] Something you do a lot? - internet

[TWELVE] Angry at anyone? - none so far.

[THIRTEEN] What's stopping you from going for the person you like? - hanyak. huwat?

[FOURTEEN] When was the last time you cried? – matagal na. yessss!

[FIFTEEN] Is there anyone you would do anything for? – yes…

[SIXTEEN] What do you think about when you are falling asleep? – anong susuotin ko bukas! :D

[SEVENTEEN] Who was the last person you talked to on the phone? – Sweeettttaaaammm!!!!

[EIGHTEEN] What is your favorite song? - Beautiful surprise

[NINETEEN] What are you doing right now? – FB at panoorin ang mga artists

[TWENTY] Do you trust anyone right now? - syempre

[TWENTY-ONE] Where did you get the shirt you are wearing? – sa ATC

[TWENTY-TWO] Have you hugged someone in the past week? – oh yesss

[TWENTY-FOUR] Describe your life in one word. –ROCK n ROLL

[TWENTY-FIVE] Who/What are you thinking of right now? - projects

[TWENTY-SIX] What should you be doing right now? - umuwi na

[TWENTY-SEVEN] What are you listening to? – you're a god, vertical horizon

[TWENTY-EIGHT] Who was the last person who gave you a hug? – Jan Ian Piñgol

[TWENTY -NINE] Who was the last person who yelled at you? - Jan Ian Piñgol

[THIRTY] Do you act differently around the person you like? - no

[THIRTY-ONE] What is your natural hair color? - black

[THIRTY-TWO] Who was the last person to make you laugh? – my super friendly opismet Larry Cayco and Carl Bartolome

[THIRTY-THREE] Who was the last person to make you mad? – ammmm…..

[THIRTY-FOUR] What pets do you have? – hmmm.. yung mga isda namen?

[THIRTY-FIVE] Is your hair naturally curly or straight? – wavy.. (hahaha! Wala sa choices)

[THIRTY-SIX] Has anyone ever called you "scrumptious" before? – NAMAN!

[THIRTY-EIGHT] Hugged the opposite sex in the past 3 days? – oo naman. Boypren eh!

[THIRTY-NINE] Do you use smiley faces on the computer? – oo parang ganito J

[FORTY] Plans for the weekend? – hmmm.. dvd marathon?

[FORTY-ONE] Are you happy with life right now? – oh yeah

[FORTY-TWO] Are you currently jealous? – weh! San?

[FORTY-THREE] What jewelry are you currently wearing and where? – earrings.. malamang sa ears and engagement ring..

[FORTY-FOUR] What were you doing Friday night? – nasa office.

[FORTY-FIVE] Have you ever had your heart broken? – shempre..

[FORTY-SIX] Have you ever broken someone's heart? – ammmmm…. Mukhang oo na hinde :D

[FORTY-SEVEN] Is there anybody you're really disappointed with? - hmmm, mejo!

[FORTY-EIGHT] Last persons you ate dinner with? – Iris Lim and Criselle Partosa

[FORTY-NINE] How late did you stay up last night and why? – 1am. Kakauwi ko lang ng 12am galing office..saya daba?

[FIFTY] How is your heart lately? – ayun nga kay Elvin Luciano.. dahil sa omega 3… ayus! :D

Monday, May 31, 2010

.basag.

tumayo ako sa tapat ulit ng salamin. tinapik tapik ang mukha. sabay tanong "ikaw pa ba yan?" nakatitig. nakakatunaw. iniisip kung tama pa ba? masaya pa ba? ang daming tanong. pero hindi masagot ng pagod kong utak.anong meron? anong nangyayari? bakit? tanong pa rin ng tanong ang utak kong di tumitigil mag-isip kung paano at bakit pero wala talagang sagot akong makuha... isang araw, sabi ng puso ko, "mahalin mo ang taong nagmamahal sayo ng totoo" kumontra ang utak ko. sabi niya, "nagmamahal ng totoo? minamahal niya ang sarili niya ng likha." "ang alam ko kasi, ang pag-ibig ay binubuo ng pagmamahalan ng dalawang tao. kaya niyo pinasok ang relasyon na iyon ay para magtulungan." "ang sarap siguro na pag gising mo sa umaga na magaan ang pakiramdam mo. yayakapin ka ng mahal mo at sasabihin sayong ok lang ang lahat. kapag masama ng loob mo sa kanya, makikinig at sasabihing pasensya na. ang tagal naman. kelan ba?

.red wall.

Tulala. Nagiisip kung tama na nga ba o itutuloy pa.

Heto na naman ako. Tumitipa sa keyboard ng hindi iniisip kung anong dapt isulat.

Wala na ba talaga akong masayang maisusulat?

 

Ang sabi mo sakin, ang susunod mo sanang mabasa ay tungkol sa mga masasayang araw nating magkasama.

Pero minsan ang utak ko ay hindi gumagana kapag Masaya.

Iba na nga ba talaga ang nakikita ko?

Malabo ang paninging nakatitig sa pulang dingding.

Sumasangayon sa nararamdaman.

Blanko.

 

Kumakapit sa natatanging bagay na aking alam.

Pero kumakalas sa tuwing naiisip kong dapat ay tama na.

Gusto kong itigil ang pagiisp at ang pagtakbo ng oras.

Kung may kakayahan lang, bakit hindi diba?

 

Tuturuan ko ang aking isipan.

Alam kong kaya pa at kakayanin pa.

Kahit pagod, alam kong kelangan.

Mahal kita at yun ang tama.

Sunday, February 07, 2010

. God Bless my fan.

To my fan... Nagpapasalamat ako sa walang sawa mong pagsuporta. Nagpapasalamat ako sa mga comments mong lagi akong pinapatawa. Sa pagiging stalker ng dating mo at napapansin kong di ka pa din nakakamove on sa life. Sa mga pangalang ginagamit mo na rumirepleksyon sa totoo mong pagkatao. Sa buhay na patuloy na ipinagkakaloob sayo dahil nagkakaroon ka pa rin ng chance maramdaman ang sarap ng hangin at makita ang napakagandang Pilipinas. At nagpapasalamat ako dahil nagkakaroon ka ng chance na bisitahin ang blogsite ko at maglagay ng kumento. :) Bilang isang panatiko ng aking buhay, nagpapasalamat ako dahil alam kong kinakarma ka na ngayon at alam kong magpahanggat buhay ka kakarmahin ka dahil sa mga ginagawa mo. Alam kong marami kang sinasabi sa mga kapwa mo panatiko ng aking buhay. Nang dahil sa iyong ginagawa alam mo bang ang buhay ko ay bumubuti at ang iyo ay unti unti ng binubulok ng panahon. Hangad ko saiyo ang kasiyahan. may kasabihan nga tayo "Live life up to the fullest!" Hangad kong bigyan mo na ng panahon ang mga malalapit mong kaibigan at ang iyong pamilya. Suhestyon kong sila ay iyo ng yakapin. Nalalapit na ang paglilitis. Huwag kang mag-alala, dahil ipagdadasal pa rin naman kita. Bigayan mo na ng katahimikan ang buhay mo, humingi ng tawad sa lahat ng taong nasaktan mo dahil nararamdaman kong hindi na sapat ang panahon. Mag-iingat ka at laging magdasal. Huwag kang mag-alala, darating din ang araw na tayo ay muling maghaharap. At sa paghaharap nating yun, ay baka sa harapan na ng iyong puntod. Wag kang mag-alala, hinding hindi kita malilimutan. Alam ko din na balang araw ay magkikita din tayo sa tinatawag ng LANGIT at haharap din ako kay San Pedro. Pero wag kang mag-alala dahil hidi pa naman yun ngayon. Kasi alam mo kung bakit? Marunong kasi akong magpatawad at marunong akong humngi ng tawad at mahal ko ang buhay na ipinagkakaloob saken bawat araw. Maraming Salamat muli sayo. Nawa'y pagpalain ka ni Lord. DHANG