Friday, June 22, 2012
.destiny.
Nung bata ako, naniwala ako na ang pagpapakasal ay pagpapasakal. Walang privacy. Walang freedom. Hindi mo magagawa ang mga bagay na gusto mo. Hindi na pwedeng ikaw lang. Laging may plus 1. Mas matindi pa sa nanay mo magtanong kung anong oras ka uuwi. Meron ka ng kinokonsiderang damdamin.
Pero habang tumatagal. Tama naman sila, nagbabago ang isip mo sa bawat pangyayari sa mundo. Naiiba ang damdamin na nararamdaman mo. Lumalawak ang pananaw mo sa buhay. At kasama dun ang pananaw ko sa pag-ibig at pagpapakasal.
Ngayon, para sakin ag pag-big ay pinipili. Ang taong gusto mong makasama habang buhay sa pamamagitan ng kasal ay pinipili. Madali lang naman ang magmahal. Isang tibok ayun na yun. Ngunit, madaling madurog ang puso. Madali ding maglaho pag nakakita ka ng pangit sa pagkatao.
Kaya natututo tayong tumanggap. Natututo tayong mahalin ang mga bagay na mahirap mahalin. Pero ang tanong ng isip mo at ng puso mo, ay hanggang kailan? Ikaw na lang ba lagi ang magmamahal? ikaw na lang ba lagi ang magbibigay? Minsan naiisip din kaya nila na sana sila naman. Hindi naman tayo nanghihingi ng kapalit. Pero tao tayo na marunong rumamdam.
Masakit pag sinabi ko sayong tama na. Masakit pag sinabi ko sayong tigilan mo na. Masakit pag lahat parang sabihin mo na balewala. Hanggang kelan? Kaya mo pa bang magtiis? Kung ang puso at paglatao mo ay durog na durog na at sinasabing hangga't kaya ko pa sana bumitaw ka na.
Ang papakasalan at ang taong gusto mong makasam habang buhay ay pinipili. Dahil pinipili mong doon ilaan ang damdamin mo. Ang buong pagkatao. Ang buaong buhay mo. Pero pano kung sila mismo ang hindi gumagawa ng paraan para hindi ka makasama habang buhay. Pano kung sila ang may pagaalinlangan. Sila ang nagsasabing, hindi.
Sana minsan isang araw, maisip nila na hindi ka bato. Hindi ka palamuti na kung kailan lang nila mapkita ay tsaka lamang papansinin. Isa kang taong nagmamahal at umaasang balang araw may masasabi kang ikaw, ikaw ang gusto ko sa buhay ko. ikaw ang kukumpleto sa hindi ko buong pagkatao. ikaw na nilaan para sakin. at mamahalin ko habang buhay. at hindi sasabihan ng nauumay na ko at nagsasawa na ko.
Ikaw na nangangarap isang araw na sabihan ka niya parang nung mga bata pa kayo ng "mahal kita. wag mo kong iiwan ha". Ikaw na naghihintay hanggang ngayon. Wag kang bumitaw. Ipaglaban mo hangga't kaya mo. Hangga't may isang daliri pang kumakapit. Hangga't may isang parte pa ng puso mo ang tumitibok.
.heartbeat.
God bless the blabber mouth. You really tested my patience and ability to not say anything. To really tell my face that "silence is my strength". I never stabbed you. I never said anything against you. I gave you my 100% of caring and understanding. And up until now, i'm still giving you that. Thank you for showing me the real you. As far as my parents are concerned, they taught me not to say anything bad against anyone. Thank you so much for being so not real to me. Thank you for thinking i'm not part of your family. That I'm just such "the poor girlfriend" and not "the wife". Thank you for using my innocence. God bless you.
God bless you my loving partner. For letting me feel that i'm not part of your family. For giving such impression that i'm really the terror girlfriend. That I'm counting all the things i gave you. For giving them the impression that i'm a bitch. God bless you.
Yes. I'm not perfect. I know that now, you realized why me? But I gave my best to be the loving and faithful partner. But it seems it's not enough.
But I will still fight for you. I will still fight for this relationship. Someday, you will see I'm the girl who's really worth fighting for.
.silence.strength.heartbeat.
Monday, May 14, 2012
.isang araw.
Pero isa akong batang kulang sa atensyon. Lalo na sayo. Minsan naiisip ko kung tama nga ba ang mga ginagawa ko sa buhay ko kahit alam kong natatalo ako.. wala ka rin namang gagawin para manalo ako. Minsan din inisip ko, hindi pa sapat lahat ng mga bagay na ginagawa ko para sayo. Mali ba ang mangarap? Mali ba ang isipin na sana ako naman.
Sana isang araw maisip mo kong dalawin sa opisina kung saan ako nagtratrabaho. Dalhan ako ng bulaklak at tsokolateng gusto ko. Sana isang araw maisip mo kong ayain manood ng sine at kumain sa gusto nating restaurant. Sana isang araw maisip mo kong ayain uminom at mag relax. Sana isang araw maisip mo kong ayain sa spa at magpamasahe. Sana isang araw maisip mo kong sunduin kapag ginagabi ako ng uwi. Sana isang araw maisip mo kong biglang yakapin at halikan para sabihing namimiss mo ko. Sana isang araw ako naman ang yakapin mo ng matagal pag tulog. Sana isang araw maisip mo kong dalhan ng kahit ano para sorpresahin ako. Sana isang araw maisipan mo kong bilhan ng regalo pag monthsary, anniversary o kaya pag birthday ko. Sana isang araw makita ko ulet na mahal na mahal mo ko at kinikilig kang kasama ako. Sana isang araw pag naglalambing ako hindi mo ko iiwasan. Sana isang araw pag nalalambing ako at tulog ka hindi mo ko sisigawan at sabihing ang kulit ko at hindi naman importante ang sasabihin ko. Sana isang araw maisip mong si "Dhang"naman.
Hindi naman masamang mangarap diba? HIndi naman masamang humiling ng atensyon. Minsan tinatanong ko na sa sarili ko. Ano at nasaan ba ako sa buhay mo? Kaya ko pa bang mag antay sayo? Maiisip mo pa kaya ako?
.pumikit.lumingon.tumango.
Tuesday, March 06, 2012
Thursday, January 26, 2012
Wednesday, July 20, 2011
.love letter.
Matagal ng panahon na hindi tayo naguusap. Matagal ng panahon na hindi tayo nagkikita at matagal na ang panahon nung merong tayo pa.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla kang pumasok sa napaka busy kong utak. Nagulat ako at bigla kong maramdaman na namiss na kita.
Mali-mali… maraming masaksaktan.
Iniisip ko na lang na minsan panandalian lang naman to. Baka ngayon lang. Pero mali pa rin to diba? Pwede mo ba kong pagsabihan? Sabihn mo saken na hindi dapat.
Naiisip mo kaya ako? Gusto mo pa kaya ako? Selfish ba ko? Bakit?
Gulong-gulo na ko. Hindi ko dapat nararamdaman to. Masamang pangitain to. Nagkamali ba ko? Bakit?
Ang daming tanong na napakahirap sagutin. Maraming bagay pa kong gusting sabihin. maling-mali ang naiisip ko. Pero bakit?
Hindi ako mapaghanap. Marunong akong makuntento sa kung anong meron ako at sa kung anong kaya niya. Pero bakit?
Patawarin mo ko. Sobra. Nahihirapan na ko. Sobra.
Wednesday, March 09, 2011
.mico & dior.

a perfect combination -- perfect sunday morning and perfect couple. after 10 years of being together.. finally it's done. congratulations my dearest friend!
DIORELANI CONTI-ENRIQUEZ (bagay!)
"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."
.boredom. picture time.
Wednesday, February 23, 2011
.starbucks.
para sa kaibigan kong si Dos, hindi natin maibabalik ang panahon na naging masaya tayo sa taong minsan nating minahal at ngayon ay unti unti kang sinasaktan. hindi rin natin mapipilit ang hindi maramadman ang sakit na dulot ng isang malagim na pangyayari na hindi natin inasahan. minsan talaga may mga taong nakatakda para tayo ay saktan at magdudulot ng lungkot sa atin. kung kaya lang nating i-rewind at i-erase at i-fast forward ang mga pangyayari matagal na nating ginawa. ngunit kung hindi naman natin ito pagdadaanan ay hindi tayo matutong maging matatag. kaya ang dapat lang nating pagtuunan ng pansin ay ating mga sarili. mahirap pero alam kong kaya natin. minsan ka ng naging matatag. alam kong kaya mo itong lagpasan. darating ang araw na makikita mong muli unti unti ng nabubuo ang nawasak mong sarili dahil sa pagmamahal. ang mga lamlam ng iyong mga mata ay muling ngingiti at ang iyong sigla ay muling babalik. sa bawat pagusad ng araw, mararamdaman mo ang pagbabago at maibabalik mo ang dating ikaw. magmamahal kang muli at itaga mo sa bato, wala ng makakasakit pa sayo.
para sa new found friend kong si Hans, hindi natin natuturuan ang puso kung sino at paano natin dapat mahalin ang isang tao. hindi rin natin matuturuan na ibalik ang pagmamahal na kaya nating ibigay sa kanila. pero kaya nating maging masaya ng wala sila. kung sa pag gising mo mamyang umaga na hindi mo na makita ang kanyang mukha, hindi ibig sabihin nun ay hindi mo na siya makikita sa iyong pagtulog. sa panginip ay maari mo parin siyang hagkan at yakapin at sabihin na mahal mo siya. pero tayo pa rin ay magigising sa katotohanang hindi natin sila kasama. kaya ikaw ay muling bumangon sa bangungot ng buhay. hindi masama ang pabagalin ang iyong pagtakbo para sa kanyang pagtakpik ay muli kang lilingon. sana hindi pa mahuli ang lahat. pero inaasahan ko na sa bawat hakbang mo, ikaw ay bibilis at hindi na muling lilingon.
masaya ako para sa inyo, alam kong ang sakit, lungkot at poot ay mawawala rin sa tamang panahon. ipagdasal na lang natin ang mga taong nanakit sa atin na kung hindi sila sa atin naging masaya makakatgpo rin sila ng katapat nila. kung hindi man kayo, isang taong alam nating magpapabago rin ng direksyon ng kanilang buhay. tayo rin naman ang pumipili ng daan na ating tatahakin. kung sila ay pakaliwa at tungo sa karumaldumal na daan, dederecho tayo at asahan nating hindi rin natin sila makasalubong. :)
Monday, February 07, 2011
.girls night out.
It was a fun night! Everything was perfect -- The place, food and drinks. Though wala ang isa pang kwela naming kaibigan na nagngagalang JONA JARVIK TOLEDO. Fun pa rin! :D
Dibale girls may next time pa. Pwede pa rin naman nating i-invade ang property nila lea!
Photos: Cathie Ambas
Place: AGP Furniture and Interiors, Towns Bldg Pasay Rd Makati
Food: Pizza Hut
Drinks: Tanduay Ice and Pepsi Cola
Sunday, February 06, 2011
.its me and you.
June 4, 2009 sa isang inuman ng barkada napagisipan nating magkabalikang muli. akalain mo nga ba naman. 10 years na tayong naghiwalay. October 19, 1998 ng magsimula ang tinatawag na tayo. after 1 year and 4 months itinaka ng panahon ang ating paghihiwalay. hindi natin inasahan na tayo rin pala sa bandang huli.
first boyfriend. first holding hands. first hug. first kiss. yan ang tema ko noon. maraming nagdaan pero ikaw din naman pala sa bandang huli.
cheers to us! :D
Wednesday, November 24, 2010
.new peso bill.
This is the proposed new bill design.. i like the old one.
Thursday, November 18, 2010
Tuesday, November 02, 2010
.anxiety attack.
Thursday, September 30, 2010
.The Man Who Can't Be Moved.
.call center.
.This is NOT a GOOD -- bye.
Thank you....
Thursday, June 24, 2010
.bored.
At dal bored na naman ako.. naisipan kong sumagot ng survey… funny lang.
[ZERO] Who was your last text from? - Jan Ian Piñgol
[ONE] Where was your default pic taken? - Soundesign - Admin By: Tanya Blay
[TWO] Your relationship status? - committed
[THREE] Where did you meet your crush? - jan sa tabi sinitsitan ko. hahaha
[FOUR] Have you ever lost a close friend? - yep..name nya Richel. she died september 15 2002
[FIVE] What is your current mood? - blue
[SIX] Whats your brother(s) names? - renan, reggie and rj
[SEVEN] Sister's names? - none
[EIGHT] Where do you wish you were right now? - sa emergency room or psychiatric ward hahaha
[NINE] Have a crazy side? - hahahaha... sinagot ko na yan sa eight.
[TEN] Ever had a near death experience? – yes
[ELEVEN] Something you do a lot? - internet
[TWELVE] Angry at anyone? - none so far.
[THIRTEEN] What's stopping you from going for the person you like? - hanyak. huwat?
[FOURTEEN] When was the last time you cried? – matagal na. yessss!
[FIFTEEN] Is there anyone you would do anything for? – yes…
[SIXTEEN] What do you think about when you are falling asleep? – anong susuotin ko bukas! :D
[SEVENTEEN] Who was the last person you talked to on the phone? – Sweeettttaaaammm!!!!
[EIGHTEEN] What is your favorite song? - Beautiful surprise
[NINETEEN] What are you doing right now? – FB at panoorin ang mga artists
[TWENTY] Do you trust anyone right now? - syempre
[TWENTY-ONE] Where did you get the shirt you are wearing? – sa ATC
[TWENTY-TWO] Have you hugged someone in the past week? – oh yesss
[TWENTY-FOUR] Describe your life in one word. –ROCK n ROLL
[TWENTY-FIVE] Who/What are you thinking of right now? - projects
[TWENTY-SIX] What should you be doing right now? - umuwi na
[TWENTY-SEVEN] What are you listening to? – you're a god, vertical horizon
[TWENTY-EIGHT] Who was the last person who gave you a hug? – Jan Ian Piñgol
[TWENTY -NINE] Who was the last person who yelled at you? - Jan Ian Piñgol
[THIRTY] Do you act differently around the person you like? - no
[THIRTY-ONE] What is your natural hair color? - black
[THIRTY-TWO] Who was the last person to make you laugh? – my super friendly opismet Larry Cayco and Carl Bartolome
[THIRTY-THREE] Who was the last person to make you mad? – ammmm…..
[THIRTY-FOUR] What pets do you have? – hmmm.. yung mga isda namen?
[THIRTY-FIVE] Is your hair naturally curly or straight? – wavy.. (hahaha! Wala sa choices)
[THIRTY-SIX] Has anyone ever called you "scrumptious" before? – NAMAN!
[THIRTY-EIGHT] Hugged the opposite sex in the past 3 days? – oo naman. Boypren eh!
[THIRTY-NINE] Do you use smiley faces on the computer? – oo parang ganito J
[FORTY] Plans for the weekend? – hmmm.. dvd marathon?
[FORTY-ONE] Are you happy with life right now? – oh yeah
[FORTY-TWO] Are you currently jealous? – weh! San?
[FORTY-THREE] What jewelry are you currently wearing and where? – earrings.. malamang sa ears and engagement ring..
[FORTY-FOUR] What were you doing Friday night? – nasa office.
[FORTY-FIVE] Have you ever had your heart broken? – shempre..
[FORTY-SIX] Have you ever broken someone's heart? – ammmmm…. Mukhang oo na hinde :D
[FORTY-SEVEN] Is there anybody you're really disappointed with? - hmmm, mejo!
[FORTY-EIGHT] Last persons you ate dinner with? – Iris Lim and Criselle Partosa
[FORTY-NINE] How late did you stay up last night and why? – 1am. Kakauwi ko lang ng 12am galing office..saya daba?
[FIFTY] How is your heart lately? – ayun nga kay Elvin Luciano.. dahil sa omega 3… ayus! :D










