Thursday, August 20, 2015

.Dear Miss.

Dear Miss,

I AM SORRY.

Ang tatlong katagang kaya ko lang sabihin sayo.
I am sorry because I know that this is wrong.
I am sorry because I felt this.
I am sorry because I made you felt that way.
I am sorry because I fell in love with him.
Hindi ito aksidente, alam ko.
Hindi din ito hindi pinagisipan.
Pero anong magagawa ko?
kung pwede ko lang pigilan.

I AM SORRY.

Ang tatlong katagang kaya kong sabihin sayo.
I am sorry kasi alam ko naman na mali.
Alam ko namang nasasaktan ka.
Alam ko namang nalulungkot ka.
Alam ko namang naguguluhan ka.
Alam ko naman kung gaano ko kayo nagulo.
Alam ko naman kung gaano na karaming luha ang ibinuhos mo.
Kung kaya ko lang bawiin.

I AM SORRY.

Ang tatlong katagang kaya kong sabihin sayo.
Pero kung alam mo lang, mas matindi ang nararamdaman ko. Hindi mo lang alam na sa bawat pagkikita namin, alam kong mas mahal ka niya. Wala ni isang minuto sa pag-uusap namin na hindi niya nababanggit ang pangalan mo. Kung anong paborito niyang ulam na niluluto mo. Kung gaano mo siya alagaan... Hindi mo alam kung gaano kasakit ang malaman na naiinis siya kapag hindi ka sumasagot sa text o sa tawag niya. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang malaman kung gaano siya mag-aalala sayo kapag may sakit ka. At hindi mo alam kung gaano kasakit kasi nangyayari yan kapag kasama ko siya. Kahit gaano kaimportanteng araw namin, kapag para sayo, ako balewala.

THANK YOU

Ang katagang kayang kaya kong sabihin sayo
Thank you dahil sa maikling panahon kinaya mong tanggapin ang pagkakamali niya
Thank you dahil kaya mo pa ring tanggapin kung sino talaga siya.
At ito na ang huli. Ipinapaubaya ko na siya.
Thank you.


Monday, April 27, 2015

.the heart of the matter.

I got the call today, I didn't wanna hear
But I knew that it would come
An old true friend of ours was talkin' on the phone
She said you found someone
And I thought of all the bad luck and all the struggles we went through
How I lost me and you lost you
What are all these voices outside love's open door
Make us throw off our contentment and beg for something more

I've been learning to live without you now
But I miss you sometimes
The more I know, the less I understand
All the things I thought I knew, I'm learning them again
I've been tryin' to get down to the heart of the matter
But my will gets weak and my thoughts seem to scatter
But I think it's about forgiveness, forgiveness
Even if, even if you don't love me anymore

These times are so uncertain, there's a yearning undefined
And people filled with rage
We all need a little tenderness, how can love survive
In such a graceless age
And the trust and self-assurance that lead to happiness
Are the very things we kill, I guess
Pride and competition cannot fill these empty arms
And the work they put between us, you know it doesn't keep us warm

I've been trying to live without you now
But I miss you, baby
The more I know, the less I understand
And all the things I thought I'd figured out, I have to learn again
I've been tryin' to get down to the heart of the matter
But my will gets weak and my heart is so shattered
But I think it's about forgiveness, forgiveness
Even if, even if you don't love me anymore

All the people in your life who've come and gone
They let you down, you know they hurt your pride
Gotta put it all behind you 'cause life goes on
You keep carryin' that anger, it'll eat you up inside
I wanna be happily ever after
And my heart is so shattered
But I know it's about forgiveness, forgiveness
Even if, even if you don't love me anymore

I've been tryin' to get down to the heart of the matter
Because the flesh gets weak and the ashes will scatter
So I'm thinkin' about forgiveness, forgiveness
Even if you don't love me anymore
Even if you don't love me anymore


.my not-so-prince charming.

Matagal ko ng pinapangarap magkaron ng happy ending. Parang fairytale. Masaya, maganda at walang lungkot. Kung meron man, sadyang bahagya lang.

Minsan, isang araw, naglalakad ako ng makita kita. Pero ang sabi ko sa sarili ko, hindi pwede. Pero iba ang kabog ng puso ko. Lahat ng bagay slow mo. Ang bagal. Sabi ko, kala ko sa pelikula lang nangyayari yun. Yung tipong wala kang nakikitang iba sa paligid mo at bukod tanging hininga mo lang ang naririnig ko. Kakaiba. Ang sarap sa pakiramdam.

Naging magkaibigan tayo. Bawat araw, masaya. Bawat araw, puno ng kaba. Kasi hindi na ata ito tama. Iba na ang nararamdaman ko. Lumalalim. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang sabihin sayo?

Dumaan ang bawat araw na pinapangarap kong ikaw. Ikaw ang makakasama ko habang buhay. Parang fairytale. Happy Ending. Kahit iba ang may hawak ng kamay ko, iniimagine ko na ikaw. Pinangarap kong balang araw, pagmulat ng mata ko, ikaw ang makikita kong may hawak ng kamay ko at ang masayang ngiti mo ang unang babati.

Sabi ko sa sarili ko, maghihintay ako. Kakapit ako. Kakapit ako hanggang sa huling araw na sabihin at ibulong mo saken ako na ang gusto mo. Hanggang sa panahon na sabihin mo saken na kaya mo na... na may magagawa ka na... na kaya mo ng ipaglaban ang totoo. Pipikit ako at mumulat ng nangagarap na ikaw na ang nasa tabi ko. Ang taong bubuo ng lahat ng pangarap ko. Ang taong magsasabi at magmamalaki sa lahat na mahal niya ko. Bawat araw, nagdadasal ako na madaliin ang bawat segundo na kayanin mo na.

Pero dumating ang araw na hindi mo nakayanan. Dumating ang araw na sinabi mong hindi mo kaya. Dahil wala kang magawa... wala kang pwedeng gawin. Dahil yan ang sinasabi ng panahon. Yan ang itinakda. Parang may balang tumagos sa puso ko. Sa labanang ito. Tinalo mo ko. Hindi mo man lang ako hinayaang lumaban. Hindi mo man lang ako pinaglaban.

Lihim kong tinago. Matagal. Masakit. Sagad hanggang kaluluwa ko. Parang bombang sumabog ang puso ko. Lahat ng tingnan ko parang sing gulo ng WW3. Hindi na ata pumipintig ang pulso ko. Ang sakit. Sobra. Hindi ako makahinga. Ang taong pingarap ko buong buhay ko, hindi ko din naman pala pwedeng makakasama habang buhay. Tinanong ko na ang sarili ko kung totoo pa ba na may fairytale? Na may soulmate? Dahan dahang bumabagal ang mundo ko... ang sarili ko. Akala ko ulit sa pelikula lang nangyayari ang pagbagal ng paghinga kapag nasaktan ka. Hindi na pala talaga matutupad. Kahit sa panaginip, hindi kita makita. Hanggang sa pagmulat ng mata ko, hindi mo kamay ang hawak ko dahil bumitaw ka at hindi ang ngiti mo ang nakikita ko dahil wala ka na.

Isang araw, nalaman kong may iba na. Masaya ka. Bakit ako? Hindi na lang ako? Bakit hindi na lang ako ang pinili mo? Sabi ko sa sarili ko, kakayanin kong buuin ang sarili ko. Ang puso kong pinatay mo, kakayanin kong buhayin ulit. Kakayanin kong kalimutan lahat ng sakit ng galit.  Pag-aaralan kong kalimutan ka. Pag-aaralan kong hindi na ikaw. Hindi na ikaw.

Taon. Pagkalipas ng madaming taon. Bumalik ka, bumalik ang lahat ng sakit... ang lahat ng galit. Ginulo mo ang alam kong tama ko ng buhay... ang masaya ko ng buhay. Alam mong hindi na pwede. Dahil okay na ko eh. Masaya na ko. Sa wakas may taong nagsabi saken na ako ang gusto niyang makasama habang buhay. May taong pinaglaban ako. May taong hindi ako pinaasa.

Pero sadyang malakas ka. Hinayaan mo akong kumapit ulit. Hinayaan mo akong mahulog ulit. Ang sakit sakit. Dahil sa pangalawang pagkakataon, tinalo mo ko. Pano ko sasabihin sa sarili ko na hindi na ikaw? Pano ko sasabihin sa sarili ko na wag ikaw? Pano ko sasabihin sa sarili ko na wag akong kumapit? Tell me, how do I unloved you? Dahil sa pangalawang pagkakataon, pinaasa mo na pagmulat ng mata ko, hawak mo na talaga ang kamay ko at sasabihin mo sa lahat ng ng tao na ako na. Ako na talaga ang bukod tanging tao na mahal mo. Ako na talaga ang makakasama mo habang buhay. Pero hanggang huli, hindi pala.

Hanggang sa huli. Tinalo mo ako.

Lumipas ang bawat araw na nasasaktan ako. Pumipikit ako at ang bawat panaginip ko ikaw ang kasama ko. Sa panaginip ko masaya tayo at hawak mo ang kamay ko. Pero ginising mo din ako at sinabi mong hindi.

Alam ko. Ang ending ng fairytale ko ay hindi makasama ang prince charming ko.

Pinipilit kong kalimutan ka. Sabi ko, isang araw na lang at alam kong kaya ko na. Sabi ko lang pagbigyan mo kong makasama ka hanggang sa huling araw na itinakda. Sabi ko sayo, papatunayan kong kakayanin kong wala ka. Papatunayan kong kaya ko na. At ito na ang araw ng itinakda.

To my not-so-prince charming,

Huwag na nating ipilit pa ang hindi dapat. Kahit paikut-ikutin natin ang mundo, kitang-kita naman sayo ang halaga ko lang sayo. Wag mo ng idahilan saken na ako ang hindi pwede. Na ako ang may sabit. Pero kahit sana hindi magiging tayo, maramdaman ko lang naman kung ano talaga ako sayo. At tama, naramadaman ko naman. Simula noon hanggang ngayon, wala. Kahit sabihin mong hindi totoo, yan ang ipinapakita mo. Matagal ko na naman talagang tinaggap ang ending ng fairytale na ito. Kaya wag mong sabihin kung ano anong iniisip ko dahil yun naman talaga ang nakikita ko. Hindi naman masamang mangarap diba? Akala ko talaga kahit papano sa fairytale na to, ang tatawagin kong prince charming ay ikaw.  May mga bagay pa akong dapat pag aralan. Tulad ng kung pano ka hindi mahalin at kung pano ka kalimutan. Baby steps.

Pero, pwede ko ng sabihin na naka move on na ko. Hindi na ganun kasakit. Dahil kaya ko ng makitang hindi ko hawak ang kamay mo. Kaya ng hindi mag slow mo ng paligid ko. Dahil kaya na kitang tingnan.. titigan. Kaya ko ng isipin na may iba. Kaya ko ng sabihin na hindi na ikaw. Hindi na talaga ikaw. Kaya ko ng hindi maghintay. Kaya ko ng sabihin sa lahat na wala na. Tapos na. At balang araw, kaya ko ng makitang may iba na.

Salamat sa bawat araw ng pinangiti mo ko. Salamat sa bawat araw na kahit papano sinabi mong mahal mo ko. Salamat sa bawat araw na pinatatag mo ako. Salamat bilang naging malaki kang bahagi ng buhay ko. At hanggang sa huli, pasasalamatan kita. At hanggang sa huli sasabihin ko sayo, mahal kita.

Love,

Dhang

Wednesday, April 15, 2015

.battle.

Dear Mr.

I thought this is over. I thought kaya ko na. Pero bakit pag nakikita kita, iba ang sinasabi ng aking utak... ng puso. Sabi ko hindi na ko masasaktan. Sabi ko kaya na kitang tingnan... titigan. Sabi ko sa kanila ikaw ang pinaka walang kwentang taong nakilala ko. Eh bakit ako ganito?

Ang daya mo. I fucking hate you. I really fucking hate you.

How do I unloved you?  Nahihilo ako. Ang sakit sakit na ng puso ko. Ako na lang ba talaga ang kumakapit? Sadyang ganyan ka katigas para ganun ako kadaling bitawan? Hindi naman ako ang lumapit sayo. Pero bakit ako ang umasa? Hindi naman ako ang unang nagparamdam ah. Pero bakit ako ang nasasaktan.

Hindi mo ko mahal. Hep! Wait! Mali. Hindi mo naman talaga ako minahal. Kaya wag mong sabihing sayang. Wag mong sabihing nanghihinayang ka. Wag mong sabihin na kung naging tayo noon, sana tayo pa rin hanggang ngayon. Kasi sa totoo lang, hindi mo naman ako talaga minahal. Hindi mo naman talaga ko ginusto, hindi mo inisip na maging tayo. Masaya lang yung thought na gusto kita at hanggang ngayon gusto kita. Pero hindi mo ko kayang ipaglaban.

For the second time around. I lost.

Now, how do I unloved you?


Sunday, April 05, 2015

.this is better.

Akala ko tapos na.. Akala ko okay na.. Akala ko ayus na. Akala ko lang pala.
Ang mundo ko na naman ay unti unting nagiging slow-mo. Bakit? Bakit kelangan ko na namang maramdaman to? Tapos na to diba? Ilang taion na naman ang lumipas. Pero bakit ganun? 

Ang sama sama mo. Hindi mo alam ang pakiramdam ng isang taong nasasaktan. Ang sama sama mo. Sa pangalawang pagkakataon, natalo mo ako. Sa pangalawang pagkakataon, pinaramdam mo saken ang isang bagay na matagal ko ng kinalimutan. At mas masakit. Sagad. Pucha! Bibigyan kita ng award.

Nanginginig na ko. Ayaw man tumulo ng luha ko. Dahil sa kapipigil ko. Pero, pucha naman talaga. Ang sakit. Durog na durog. Sagad. Tapos itatanong saken kung anong nagawa? Talaga bang may karapatang magtanong? Grabe naman. Ang sakit. Tapos nasayo pala talaga lahat ng karapatan para sabihin na hindi ka magpapakita para hindi ako nasasaktan. Wow!!! At ikaw pa ang nagsabing wag akong masaktan! Talaga ba?

Teka lang. Konting preno naman.

Lord, nakikiusap ako.  Pigilan mo na ko. I should not feel this way. Pangalawang beses na to. At the end of the day, talo naman ako eh. Bakit kelangan dumating pa to. Pwede naman pong hindi na diba? Ok na po eh. Dapat po ang puso at pagkatao ko, hindi naguguluhan. Dapat po wala kong karapatang masaktan at malungkot. Nagmakaawa naman po ako eh. At ngayon muli akong nagmamakaawa. Lord, hindi dapat.

Hinga. Hinga ulit. Nakikipagpustahan ako. Mabubuo ko ulit ako. Ang huling tingin ko sayo ang magtatakdang okay na ko. Ipapakita ko sayo kung gaano ako kasaya. Ipapakita ko sayo kung pano ulit ako lalaban. Ipapakita ko sayo na okay ako. Bibilisan ko ngayon ang bawat segundo at oras. Dahil ayoko ng maabutan mo ko. Ipapakita ko sayo ang bagong ako. Matatag. Hindi nasasaktan. Masaya. 

Saturday, April 04, 2015

.one night.

Bakit? At sa huling huli ako pa rin talaga? 
Bakit? Hanggang ngayon walang pinagbago?
Bakit? Mas importante pa rin sila kesa saken?
Bakit? Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ba ako?
Bakit? Kahit kelan pala talaga walang ako.

Monday, January 26, 2015

.tag.

Dear Mr.

You never fail to amaze me. This is not right. Me feeling this and me writing this. This is not right.
It was never my intention to like you. But it all started with a simple tag. That's it. Maybe in time, i may be able to say this to you -- "Thank you for letting me know you"

Love,
D




Saturday, February 08, 2014

.Status: It's Complicated.

Status: It's complicated.

Sino ba naman ang may gustong yan ang nakalagay sa FB page mo? at sino rin ang nagsabi na yan dapat ang ilagay ko? Pero anong gagawin ko? Paano ko iiwanan ang isang bagay na hindi ko din naman sinasadyang gustuhin.

Ang tanging alam ko lang. Ang pag-ibig walang pinipili. Walang hinuhusgahan at walang humuhusga. 

Nakilala kita. Di ko naman inakala na may mali. Na may hindi dapat. Pero parang drugs. Ang hirap pigilan. Alam ko. At alam na alam ko. Ilang beses ng sinabi ng mga kaibigan kong mali ang nararamdaman ko. Pero paano? Hindi ko kayang tulungan ang sarili ko. Ikaw ba kayang mong turuan ang puso mo? May mga bagay na kusang dumadating at hindi mo inaasahan. Dalawang bagay lang naman yan. Una, tatanggapin mo ba ito? Pangalawa, hahayaan at kalimutan.

Ang hirap mamili sa totoo lang. Kung may bagay akong dapat iwasan yun ang mamili. Pero eto na. Mali ako. OO. Ulit-ulitin man natin yan. Alam ko na mali ako. Pero pucha naman. Subukan mo kayang ikaw ang lumayo. Subukan mo din na hindi magpakita ng kahit anong magandang bagay. Baka sakaling kalimutan na kita.

Kinakausap ko nga ang sarili ko... pati na ang puso ko. Ang sabi ko 'wag kang tanga. Marami namang iba dyan. Kinakausap ko ang utak ko. Sabi ko, please iba na lang. Kinakausap ko ang mata ko. Ang sabi ko, ayan o! nasa harap mo na. Pero hindi sila marunong makinig. May sarili ata silang pag-iisip.

Parusa na nga itong matatawag. Ang tawagin kang "The other woman", "Kabit", "Mistress" at kung ano -ano pang masasamang tawag na pwede mong sabihin sa pagkatao ko. Pinigilan ko naman... Kulang na lang maglaho akong parang bula. Kulang na lang sabihin ko sa nanay ko at itanong ko kung bakit niya pa ko binuhay.

Alam mo ba kung gaano kahirap tanggapin na kahit kelan hindi ka magiging akin? Na kahit kelan wala akong matatawag na saken? Alam mo ba ang pakiramdam ng nakikihati? Alam mo ba ang pakiramdam ng wala kang karapatan? Alam mo ba ang pakiramdam ng sa bawat segundo nasasaktan ka, dahil alam mong ang bawat segundo ng pagpintig ng kanyang puso ay hindi naman ikaw? Alam mo ba kung anong pinakamaskit sa pinili kong pagkakamali sa buhay ko? Ang piliin ko at ipaglaban ang nararamdaman ko kesa ang pakinggan ang nararamdaman ng ibang tao at sumuko.

OO alam ko. Choice ko yan. Yan kasi yung bagay na ginusto ko. Yan yung bagay na pinili ko. Yan yung bagay na dapat pinagisipan ko ng 'sandaang beses, bago ko pinasok. Alam ko. At dahil alam ko, mas nasasaktan ako.

Sa totoo lang. Wala akong karapatan na gawin 'to. Pero gusto ko lang ibahagi ang nararamdaman ko. Minsan, may isang araw din na darating para saken. At sasabihin kong. ETOOOO NA TOOO! ETOOO NA TALAGAAA TOOOO!

Isang araw. Balang araw.












Saturday, February 01, 2014

.Sabado Girls.

Para sa aking mga kaibigan,

Mahal ko kayo at alam kong alam niyo yan.

Isang Sabado na punong-puno ng tawanan at makabuluhang usapan.

Ang alam ko kahit hindi tayo magusap, ang mga puso naman natin ay punong-puno ng mga kataga. Ang mga mata nating sumasagot sa katanungan ng buhay. At ang mga galaw nating nagpapahayag ng walang hanggang pagdamay.

Maraming Salamat.

Love,

Dhang

Friday, June 22, 2012

.destiny.

Nung bata ako. Sabi ko sa sarili ko ang pag-ibig ay isang bagay na pinahahalagahan. Isang damdamin na hindi mo mapipigilan na kung saan ang puso mo ay walang tigil sa pagtibok. May kasamang kilig. Na kung minsan ay hindi mo na ma identify kung ano ang paghanga at pag-ibig. Gigising ka sa umaga excited ka dahil makikita mo siya. Kikiligin ka pag napansin ka niya. Magsisimula ang ligawan at sa bandang huli ang status mo "in a relationship".

Nung bata ako, naniwala ako na ang pagpapakasal ay pagpapasakal. Walang privacy. Walang freedom. Hindi mo magagawa ang mga bagay na gusto mo. Hindi na pwedeng ikaw lang. Laging may plus 1. Mas matindi pa sa nanay mo magtanong kung anong oras ka uuwi. Meron ka ng kinokonsiderang damdamin.

Pero habang tumatagal. Tama naman sila, nagbabago ang isip mo sa bawat pangyayari sa mundo. Naiiba ang damdamin na nararamdaman mo. Lumalawak ang pananaw mo sa buhay. At kasama dun ang pananaw ko sa pag-ibig at pagpapakasal.

Ngayon, para sakin ag pag-big ay pinipili. Ang taong gusto mong makasama habang buhay sa pamamagitan ng kasal ay pinipili. Madali lang naman ang magmahal. Isang tibok ayun na yun. Ngunit, madaling madurog ang puso. Madali ding maglaho pag nakakita ka ng pangit sa pagkatao.

Kaya natututo tayong tumanggap. Natututo tayong mahalin ang mga bagay na mahirap mahalin. Pero ang tanong ng isip mo at ng puso mo, ay hanggang kailan? Ikaw na lang ba lagi ang magmamahal? ikaw na lang ba lagi ang magbibigay? Minsan naiisip din kaya nila na sana sila naman. Hindi naman tayo nanghihingi ng kapalit. Pero tao tayo na marunong rumamdam.

Masakit pag sinabi ko sayong tama na. Masakit pag sinabi ko sayong tigilan mo na. Masakit pag lahat parang sabihin mo na balewala. Hanggang kelan? Kaya mo pa bang magtiis? Kung ang puso at paglatao mo ay durog na durog na at sinasabing hangga't kaya ko pa sana bumitaw ka na.

Ang papakasalan at ang taong gusto mong makasam habang buhay ay pinipili. Dahil pinipili mong doon ilaan ang damdamin mo. Ang buong pagkatao. Ang buaong buhay mo. Pero pano kung sila mismo ang hindi gumagawa ng paraan para hindi ka makasama habang buhay. Pano kung sila ang may pagaalinlangan. Sila ang nagsasabing, hindi.

Sana minsan isang araw, maisip nila na hindi ka bato. Hindi ka palamuti na kung kailan lang nila mapkita ay tsaka lamang papansinin. Isa kang taong nagmamahal at umaasang balang araw may masasabi kang ikaw, ikaw ang gusto ko sa buhay ko. ikaw ang kukumpleto sa hindi ko buong pagkatao. ikaw na nilaan para sakin. at mamahalin ko habang buhay. at hindi sasabihan ng nauumay na ko at nagsasawa na ko.

Ikaw na nangangarap isang araw na sabihan ka niya parang nung mga bata pa kayo ng "mahal kita. wag mo kong iiwan ha". Ikaw na naghihintay hanggang ngayon. Wag kang bumitaw. Ipaglaban mo hangga't kaya mo. Hangga't may isang daliri pang kumakapit. Hangga't may isang parte pa ng puso mo ang tumitibok.


.heartbeat.

My heart is beating fast. As if it will never slow down. My brain is not functioning well. I can feel pain.

God bless the blabber mouth. You really tested my patience and ability to not say anything. To really tell my face that "silence is my strength". I never stabbed you. I never said anything against you. I gave you my 100% of caring and understanding. And up until now, i'm still giving you that. Thank you for showing me the real  you. As far as my parents are concerned, they taught me not to say anything bad against anyone. Thank you so much for being so not real to me. Thank you for thinking i'm not part of your family. That I'm just such "the poor girlfriend" and not "the wife". Thank you for using my innocence. God bless you.

God bless you my loving partner. For letting me feel that i'm not part of your family. For giving such impression that i'm really the terror girlfriend. That I'm counting all the things i gave you. For giving them the impression that i'm a bitch. God bless you.

Yes. I'm not perfect. I know that now, you realized why me? But I gave my best to be the loving and faithful partner. But it seems it's not enough.

But I will still fight for you. I will still fight for this relationship. Someday, you will see I'm the girl who's really worth fighting for.

.silence.strength.heartbeat.

Monday, May 14, 2012

.isang araw.

Hindi ako inggetera. Minsan lang akong maging sumbatera. (sa sobrang galit ko pa yan ha!) pero alam na alam ko sa sarili ko na kulang ako sa atensyon. Hindi ako mapag hangad ng kahit ano. Hindi din ako mahilig sa pagsabi ng "bili mo ko niyan".

Pero isa akong batang kulang sa atensyon. Lalo na sayo. Minsan naiisip ko kung tama nga ba ang mga ginagawa ko sa buhay ko kahit alam kong natatalo ako.. wala ka rin namang gagawin para manalo ako. Minsan din inisip ko, hindi pa sapat lahat ng mga bagay na ginagawa ko para sayo. Mali ba ang mangarap? Mali ba ang isipin na sana ako naman.

Sana isang araw maisip mo kong dalawin sa opisina kung saan ako nagtratrabaho. Dalhan ako ng bulaklak at tsokolateng gusto ko. Sana isang araw maisip mo kong ayain manood ng sine at kumain sa gusto nating restaurant. Sana isang araw maisip mo kong ayain uminom at mag relax. Sana isang araw maisip mo kong ayain sa spa at magpamasahe. Sana isang araw maisip mo kong sunduin kapag ginagabi ako ng uwi. Sana isang araw maisip mo kong biglang yakapin at halikan para sabihing namimiss mo ko. Sana isang araw ako naman ang yakapin mo ng matagal pag tulog. Sana isang araw maisip mo kong dalhan ng kahit ano para sorpresahin ako. Sana isang araw maisipan mo kong bilhan  ng regalo pag monthsary, anniversary o kaya pag birthday ko. Sana isang araw makita ko ulet na mahal na mahal mo ko at kinikilig kang kasama ako. Sana isang araw pag naglalambing ako hindi mo ko iiwasan. Sana isang araw pag nalalambing ako at tulog ka hindi mo ko sisigawan at sabihing ang kulit ko at hindi naman importante ang sasabihin ko. Sana isang araw maisip mong si "Dhang"naman.

Hindi naman masamang mangarap diba? HIndi naman masamang humiling ng atensyon. Minsan tinatanong ko na sa sarili ko. Ano at nasaan ba ako sa buhay mo? Kaya ko pa bang mag antay sayo? Maiisip mo pa kaya ako?

.pumikit.lumingon.tumango.

Thursday, January 26, 2012

Wednesday, July 20, 2011

.love letter.

Mahal kong kaibigan,

Matagal ng panahon na hindi tayo naguusap. Matagal ng panahon na hindi tayo nagkikita at matagal na ang panahon nung merong tayo pa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla kang pumasok sa napaka busy kong utak. Nagulat ako at bigla kong maramdaman na namiss na kita.

Mali-mali… maraming masaksaktan.

Iniisip ko na lang na minsan panandalian lang naman to. Baka ngayon lang. Pero mali pa rin to diba? Pwede mo ba kong pagsabihan? Sabihn mo saken na hindi dapat.

Naiisip mo kaya ako? Gusto mo pa kaya ako? Selfish ba ko? Bakit?

Gulong-gulo na ko. Hindi ko dapat nararamdaman to. Masamang pangitain to. Nagkamali ba ko? Bakit?

Ang daming tanong na napakahirap sagutin. Maraming bagay pa kong gusting sabihin. maling-mali ang naiisip ko. Pero bakit?

Hindi ako mapaghanap. Marunong akong makuntento sa kung anong meron ako at sa kung anong kaya niya. Pero bakit?

Patawarin mo ko. Sobra. Nahihirapan na ko. Sobra.

Wednesday, March 09, 2011

.mico & dior.








a perfect combination -- perfect sunday morning and perfect couple. after 10 years of being together.. finally it's done. congratulations my dearest friend!
 DIORELANI CONTI-ENRIQUEZ (bagay!) 




"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."

.boredom. picture time.



I miss taking pictures of myself. (ok.. i know.. narcissism!) Since I am waiting for my sweetam to come home and because I am bored and don’t know exactly what to do, why not love myself! :D if only I have Photoshop, I will enhance this photo. Lil bit of contour and effects will do. 

Wednesday, February 23, 2011

.starbucks.

isang masayang araw para sa kaibigan kong si Dior. sa wakas, ikinasal siya sa lalakeng pinili at pinangarap nya ng 10 years.  pagkatapos ng masayang pangyayari, isang kwentuhan ang naganap sa starbucks tagaytay. mag reminisce tayo ng college life. at sa aming paguwi, usapang pag-ibig. nakikinig kay papa jack. corny na kung corny. pero alam ko natatamaan ang mga taong nakikinig na parehas ng pinagdadaanan. eto na naman tayo sa pagbagal ng ikot ng mundo at pagtakbo ng panahon para ang mga taong nanakit satin ay may pagasa pang humabol. at sana ay hindi pa mahuli ang lahat. eto na naman tayo na nung bata tayo at nakapanood ng lovestory at biglang nagkasakitan, akala mo sa pelikula lang nangyayari. pero hindi mo inasahan na true to life pala.

para sa kaibigan kong si Dos, hindi natin maibabalik ang panahon na naging masaya tayo sa taong minsan nating minahal at ngayon ay unti unti kang sinasaktan. hindi rin natin mapipilit ang hindi maramadman ang sakit na dulot ng isang malagim na pangyayari na hindi natin inasahan. minsan talaga may mga taong nakatakda para tayo ay saktan at magdudulot ng lungkot sa atin. kung kaya lang nating i-rewind at i-erase at i-fast forward ang mga pangyayari matagal na nating ginawa. ngunit kung hindi naman natin ito pagdadaanan ay hindi tayo matutong maging matatag. kaya ang dapat lang nating pagtuunan ng pansin ay ating mga sarili. mahirap pero alam kong kaya natin. minsan ka ng naging matatag. alam kong kaya mo itong lagpasan. darating ang araw na makikita mong muli unti unti ng nabubuo ang nawasak mong sarili dahil sa pagmamahal. ang mga lamlam ng iyong mga mata ay muling ngingiti at ang iyong sigla ay muling babalik. sa bawat pagusad ng araw, mararamdaman mo ang pagbabago at maibabalik mo ang dating ikaw. magmamahal kang muli at itaga mo sa bato, wala ng makakasakit pa sayo.

para sa new found friend kong si Hans, hindi natin natuturuan ang puso kung sino at paano natin dapat mahalin ang isang tao. hindi rin natin matuturuan na ibalik ang pagmamahal na kaya nating ibigay sa kanila. pero kaya nating maging masaya ng wala sila. kung sa pag gising mo mamyang umaga na hindi mo na makita ang kanyang mukha, hindi ibig sabihin nun ay hindi mo na siya makikita sa iyong pagtulog. sa panginip ay maari mo parin siyang hagkan at yakapin at sabihin na mahal mo siya. pero tayo pa rin ay magigising sa katotohanang hindi natin sila kasama. kaya ikaw ay muling bumangon sa bangungot ng buhay. hindi masama ang pabagalin ang iyong pagtakbo para sa kanyang pagtakpik ay muli kang lilingon. sana hindi pa mahuli ang lahat. pero inaasahan ko na sa bawat hakbang mo, ikaw ay bibilis at hindi na muling lilingon.

masaya ako para sa inyo, alam kong ang sakit, lungkot at poot ay mawawala rin sa tamang panahon. ipagdasal na lang natin ang mga taong nanakit sa atin na kung hindi sila sa atin naging masaya makakatgpo rin sila ng katapat nila. kung hindi man kayo, isang taong alam nating magpapabago rin ng direksyon ng kanilang buhay. tayo rin naman ang pumipili ng daan na ating tatahakin. kung sila ay pakaliwa at tungo sa karumaldumal na daan, dederecho tayo at asahan nating hindi rin natin sila makasalubong. :)

Monday, February 07, 2011

.girls night out.



It was a fun night! Everything was perfect --  The place, food and drinks. Though wala ang isa pang kwela naming kaibigan na nagngagalang JONA JARVIK TOLEDO. Fun pa rin! :D

Dibale girls may next time pa. Pwede pa rin naman nating i-invade ang property nila lea!

Photos: Cathie Ambas
Place: AGP Furniture and Interiors, Towns Bldg Pasay Rd Makati
Food: Pizza Hut
Drinks: Tanduay Ice and Pepsi Cola

Sunday, February 06, 2011

.its me and you.

20th month.. nice one sweetam! isang bagay na pinangarap mo ng totoo. isang bagay na punagmamalaki ko.

June 4, 2009 sa isang inuman ng barkada napagisipan nating magkabalikang muli. akalain mo nga ba naman. 10 years na tayong naghiwalay. October 19, 1998 ng magsimula ang tinatawag na tayo. after 1 year and 4 months itinaka ng panahon ang ating paghihiwalay. hindi natin inasahan na tayo rin pala sa bandang huli.

first boyfriend. first holding hands. first hug. first kiss. yan ang tema ko noon. maraming nagdaan pero  ikaw din naman pala sa bandang huli.

cheers to us! :D