Sunday, July 22, 2007
salamin.
kahapon ang tagal kong nakatitig sa labas ng bintana ko.tinitingnan ko kung uulan ba o wala lang gusto lang niyang magpaka dilim. umaayon yata saken ang langit. kasi hindi din daw niya alam ang gagawin niya sa mga pangyayari. pagkatapos ng isang oras, tumingin ako sa salamin. matagal. mas matagal kesa sa pagtingin ko sa langit. nakakaasar. ang dami kong zits. dala ba ito ng matinding pag-iisip kung bakit may mga bagay bagay na hindi talaga natin magugustuhan. hindi ko din talaga naintindihan kung bakit ganito. siguro kasi ang hirap lang talagang umayon ng puso pag hindi umaayon ang isip. badtrip... hindi ko alam kung pano ko malalampasan ang mga bagay. hindi ko alam kung pano ko gagawing tama ang mga bagay. sumasakit ang ulo ko. sumasakit ang puso ko. masakit. nasasaktan talaga ako..
may mga bagay bagay na dapat nadadaan sa usapan. lahat ng bagay nadadaan sa usapan. hindi ko maintindihan kung bakit kelangan nating isara ang isip sa mga bagay na nakalakihan na. hindi ba pwedeng mag compromise? hind na ba uso ngayon yun? nalulungkot talaga ako. sumasakit ang puso ko. hindi ko na ulit makita ang dating ngiti na nasa mga labi ko. pag titig ko sa salamin, isang blankong mukha ng isang batang namamalimos ng kahit konting pangunawa. sensitivity. hindi lahat ng bagay ay tama para sa isang tao. pano naman ang damdamin ng iba? hindi ako nakikipakumpetensiya...kahit kelan hindi ako makikiipagkumpetensiya. kung siya ganun ako ganito. hindi ko kaya ang mga ginawa niya dati pero pwede bang pagbigyan mo kong higitan yun? kelan ba ko nakipagaway? hindi mo kasi ako binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag. kung anong inisip yun na yun. wala ng bawian. extremes. hindi ba pwedeng gumitna?
tumingin sa salamin. mag self-reflection. alamin kung tama pa ba ang mga ginagawa upang di na muling makasakit. matutong umunawa. mahabang patience. tumahimik. sumangayon na lamang. wala ring patutunguhan kung makikipagtalo. kahit ilang beses sabihin na hindi sya nakikipagtalo... pero hindi mo ba naririnig ang sarili mo? sana minsan, matuto tayong makinig ng bawat opinion ng tao. matuto tayong tumaggap. mahal mo nga ba ako? pero bakit sa tuwing bubuka ang bibig ko uupang magpaliwanag, sarado ng utak mo sa mga bagay bagay na fix na sa utak mo. ganyan ka lumaki. yan ang iyong nakalakihan... pero hindi ba talaga tayo pwedeng magcompromise?
sorry kung hindi ko talaga kayang tanggapin pag minsan... pero ngayon try ko ng manahimik. sorry kung hindi ko talaga naisip... pero ngayon try ko ng pagisipan. sorry kung may pagka childish... pero ngayon try ko ng mas magmature ng isip. sorry kung yan ang nakalakihan mo...pero ngayon try kong sumabay. sorry kung feeling mo pinipilit kita... pero ngayon try kong intindihin lahat. sorry kung hindi niya ako katulad... sorry kung siya ay ganyon ako ganito lang. hayaan mo magiging sensitive na ko... baka sakaliing maging ok na tayo...
MGA DAPAT KONG GAWIN...AT ANG AKING WISHES...
Kamusta naman ako?hmmmm ok lang... eto pinagninilay-nilayan ang mga pangyayari ng buhay ko nitong mga huling araw...ano nga ba ang mga dapat kong gawin sa mga susunod na araw upang maiwasan ang mga pangyayaring hindi ko nagustuhan...at aking wishes... :)
MGA DAPAT KONG GAWIN:
1. Manahimik. bawal magcomment. less talk. (tama ka pag minsan jarvik)
2. Umagree na lang sa lahat. para hindi ka na lang maasar.
3. Know your limitations.
4. Uminom ng RedHOrse. parang katulad kagabi.
5. Lumabas kasama si Jeffrey Ponce gumala sa Alabang.
6. Lumabas kasama si Brian Lee Grant Lorenzo at Jaymar Gastardo next Sunday.
7. Bumili ng Gel pens. dahil hindi ko na makita ang mga binili ko kahapon.
8. Ipanatag ang kalooban at isipan.
9. Wag masyadong magisip.
10. Matulog ng normal.
11. Wag ng Umiyak.Bawal maging crayons.
12. Alalahanin na ako ay isang Girlfriend at may Boyfriend akong lahat ay ok lang.
13. Patience.
WISHES:
1. Gusto ko ng chocolates.
2. Gusto ko ng ice cream.
3. Gusto ko ng Gel pens.
4. Gusto ko ng Cotton Candy.
5. Gutso ko ng Hotdog.
6. Gusto ko ng biggie crayons at crayons na 72 colors at pantasa sa likod.
7. Gusto ko ng plastic balloon.
8. Gusto ko ng paper dolls.
9. Gusto ko ng Barbie and Ken.
10. Gusto ko ng stroller.
11. Gusto ko ng pencil case na maraming pindutan.
12. Gusto ko ng medyas na may lace at sapatos na makintab.
13. Gusto ko ng notebook na nakatahi sa side.
14. Gusto ko ng Biggie pencil.
15. Gutso ko ng Kalaro ng bahay-bahayan.
16. Gusto kong mag piko.
17. Gusto kong mag patintero.
18. Gusto kong umakyat ng puno ng mangga.
19. Gusto kong matutong tumakbo.
20. Gusto kong mag basketball.
Monday, July 16, 2007
blank.
hay... what is wala akong magawa sa buhay ko ngayon... eto tambay sa traffic room. nakatanga sa harap ng computer. tumitipa sa keyboard. walang katuturan ang sinusulat. wala naman kasi akong maisip na isulat dito bukod sa masakit ang toe ko...
yes bi... uuwi na ko in a while. wag ka ng matakot sa pag uwi ko. kasi susunduin naman ako ng dad ko.. "bi...umuwi ka na... nag-aalala ako sayo dahil umaga na.." sabi ko nga kaya ko namang umuwi. takot lang kasi kamusta naman at umaga na. patawa ka, bakit kelangan mong magselos? aba aba... ang mga quote mo sakin kakaiba. may pinatatamaan ka.. mukhang matatagalang mag sink in sa munti kong utak ngayon ang mga bagay na laman ng quote mo. bi... kung ako ang huling pagasa nila. ikaw ang pagasa ko. kaw na ang bahala sa lahat. just update me. ayt!
kamusta naman yun lutang na ang utak ko... dahil sa mga text na may nakalagay na "babe" hay... kamusta naman yun?!
dhang!asar ka talaga...
july 16... asar talaga ang araw na ito... kundi nauntog ang daliri ko sa paa sa pader ng banyo namen..at malamang namatay ang kuko nito..nakakahilo ang sakit. kung kelan may bago akong biling kikay shoes sa tiangge eh tsaka naman di ako makapagsapatos. badtrip di ba? tapos may isang taong magtetext sayo tapos aawayin ka lang sa pamamagitan ng itext ba naman ako ng nakakaasar na bagay...kundi lang talagang may taong nagpapakalma saken. kamusta naman kaya ako nun... hay asar talaga... hindi ako bitter. tagal na nun. pero kung di lang dahil talaga sa mommy niya wala na talaga akong pakilalam sa kanya. sorry sweetie... pati ikaw nadadamay saken. alam kong di dapat problemahin. pero may nagsasabing mejo kelangan kong isipin. siguro para isalba ang isang nanganganib na kaibigan.
update.update.
nalaman ko na ngayon na hindi naman pala talaga payag na tawaging FIANCE siya. hindi ako nagagalit. di ako apektado. ayoko lang ng ganun. kasi kilala ko siya. alam ko ang bawat kilos niya. alam ko din na hindi niya ako sasabihin ng nakakairitang bagay na alam niyang ikakagalit ko. hay kundi lang talaga dahil kay tita hindi ganito ang mararamdaman ko.
sweetie.
sorry...alam ko kahit di mo sabihin apektado ka. kasi unang tanong ng isip mo bakit ako ganito sa kanya. sorry talaga. i know you're just saying na you're not really affected but you are. kasi you told me na you'll do you're best para hindi tayo mag- away. i know naman. pero alam mo yun minsan hindi masamang magpakita kung anong totoo. sabi ko nga sayo when it comes to our relationship, bibigay ko sayo lahat ng decisions. pero cge... sabi mo nga hindi ka apektado... ok na rin yun. masaya nga yun.
friends.
kayo na bahala kay tita. kaya niyo na yan. di ko maatim ang nangyayari sa kanya. bahala na si Lord. malalagpasan din ang mga pangyayaring ito. konting dasal lang.
Wednesday, July 11, 2007
NAKARAAN....
nakakatawa lang... pag binabalikan ko yung blog ko before parang di ko maisip na sinulat ko yun... ah ewan... parang baliw.. para sa mga taong nasaktan ko sa mga sinulat ko pasensiya na.. siguro nga hindi lang ako nag-isip dati.. kasi siguro masakit...pero ngayon wala na...masaya ko para sa inyo masaya ko para sa sarili ko...masaya ako para satin...at ang friendship ay untiunting bumabalik. salamat sa pagtiis.salamat sa pangunawa. pinatawad ko na ang lahat. kung ano man ang meron ay kalimutan na..
may isang taong gusto kong makausap..kamusta naman kaya siya...?sana naman kahit minsan magparamdam ka... hindi naman ako galit sayo...baka naman ikaw ang galit saken... inisip ko na lang sige wala ka lang time...pero sana maisipan mo man lang...alam mo naman kung pano ko kontakin diba?sana lang talaga isang araw tumunog ang cellphone ko at ikaw ang pangalan.
hay...masaya na ko...sobra...salamat talaga KRIS..salamat sa lahat.alam mo na kung ano yun...basta salamat.
Monday, July 09, 2007
WEDDING...
kamusta naman ang wedding pare? ako ang make up artist...san ka pa? :) si lea at dories ang aking assistant. naks! sosyal... kulang na kami sa oras wala pa akong tulog...dadasal ako kay lord na hindi lumabas ba kakaiba ang itsura mo jack. dahil ang mga mata ko ay naduduling na sa antok. ngunit sa awa ni lord pwedeng pwede ng ipanlaban sa make up ng pinakasikat na make up artist. yabang! :)
kamusta naman ang umaapaw na pagkain...grabe halos mabulunan na ako nun... sa dami ba naman kaya pagkatapos ay what is power nap muna na ang catch ay magkasya ang 8 tao sa kama ni jack. at paglipas ng ilang minuto nakita ko ang picture ko na para akong ni rape sa picture na taken by zed. hay...kalowka!ngunit ang malupit jan ay ang pag gising namin att naghanda ng chicharon na pampasakit ng batk lalao na sa mga taong may high blood... what is umikot lang naman ang bracket ng braces ko... at natanggal ang isa. .kung di ba naman isa akong balow na sinabi na ngang bawal ang chichron... pero wah ko care! ay! ewan naisagot ng mga tao.. tigas ng ulo..
pagtapos ng isang matinding saguapaan sa chicharon di paawat ang mga taga soundesign sa pagkakataong binigay na makakanta sa bidyoke! astig! kantahin ba naman natin ang mga kantang napapanahon satin..backstreet boys..panalo lang...pero ang spice girls pumapangalawa sa takilya pati adlib alam na alam...pati ang steps ng STOP. ayun nga kay jona. sinong spice girls ka nung bata? napakaimposible na wala kang karakter sa spice girls... di ka in nun... at siyepmre makapal ako...ako si BABY SPICE. naks!;) di mapigilan. at di nakuntento sa spice girls at backstreet samahan pa natin yan ng isang matinding TOGETHER FOREVER na dance craze...courtesy of erle stanley refuerzo. ngunit ang pinakamalupit ay ang interpretative dance ni jona jarvik at erle stanley ng SO SLOW...panalo talaga!
hay kay sarap... kamusta naman ang kapagudan namin ngunit nakuha pa rin naming manood ng TRANSFORMERS... waahhh...muntik na akong makatulog...salamat sweetie sa paggising sa paraan ng pagtapik sa aking kamay...wooohooo...holding hands...yeah! :) 7-7-7 lucky day..happiest day! :)
Thursday, July 05, 2007
SUKOB NA...
yes... what is hindi mapigilan ang damdamin sa kanta... minsan lang mangyari ang pagkakataong ito... GIAN ikaw pa din..wag ka magaalala..hehehe salamat sa pagbigay ng mga talents.. hindi pa rin naman kita nakakalimutan.. ikaw at ikaw pa rin... CHINO welcome to SOUNDESIGN! don't worry daming projects for you... JOAQUI see you soon.. :) saya lang ng kanta niyo..
sukob na.halika na.sabay tayo sa payong ko.
hawak ka.kapit pa.sa payong ko.magkasama tayo.
Monday, July 02, 2007
NANG MAY ISANG TAONG MASUNGIT!
hay... tama ba namang magsungit? :( hindi naman dapat ganyon yun diba? SWEETIE?! bakit natin kelangan pagusapan ang mga bagay nung kabataan natin... mga bagay na hindi ko alam dahil hindi ko matandaan dahil hindi ko talaga alam yun... :( kasalanan ko po ba na di po ako marunong mag bowling... sad yun alam ko... kasalanan ko bang di talaga ako atleta? kasalanan ko bang hindi ako marunong tumakbo at hindi ako marunong humawak ng taco? kasalanan ko bang wala akong alam sa sports? nagmayabang na nga ako nung saturday. akalain mo ba namang nahamon ako ng takbuhan kahit alam kong maya maya lamang ay mapapagod ako.tapos susungitan mo ko... oo na... alam ko naman eh.. sorry naman... di ko naman po sinasadya di ba? :(
oo may mga bagay na kulang... sorry di ko talaga alam... nakakalungkot naman...
sports.sad.goodluck.
Subscribe to:
Posts (Atom)