Sunday, July 22, 2007
salamin.
kahapon ang tagal kong nakatitig sa labas ng bintana ko.tinitingnan ko kung uulan ba o wala lang gusto lang niyang magpaka dilim. umaayon yata saken ang langit. kasi hindi din daw niya alam ang gagawin niya sa mga pangyayari. pagkatapos ng isang oras, tumingin ako sa salamin. matagal. mas matagal kesa sa pagtingin ko sa langit. nakakaasar. ang dami kong zits. dala ba ito ng matinding pag-iisip kung bakit may mga bagay bagay na hindi talaga natin magugustuhan. hindi ko din talaga naintindihan kung bakit ganito. siguro kasi ang hirap lang talagang umayon ng puso pag hindi umaayon ang isip. badtrip... hindi ko alam kung pano ko malalampasan ang mga bagay. hindi ko alam kung pano ko gagawing tama ang mga bagay. sumasakit ang ulo ko. sumasakit ang puso ko. masakit. nasasaktan talaga ako..
may mga bagay bagay na dapat nadadaan sa usapan. lahat ng bagay nadadaan sa usapan. hindi ko maintindihan kung bakit kelangan nating isara ang isip sa mga bagay na nakalakihan na. hindi ba pwedeng mag compromise? hind na ba uso ngayon yun? nalulungkot talaga ako. sumasakit ang puso ko. hindi ko na ulit makita ang dating ngiti na nasa mga labi ko. pag titig ko sa salamin, isang blankong mukha ng isang batang namamalimos ng kahit konting pangunawa. sensitivity. hindi lahat ng bagay ay tama para sa isang tao. pano naman ang damdamin ng iba? hindi ako nakikipakumpetensiya...kahit kelan hindi ako makikiipagkumpetensiya. kung siya ganun ako ganito. hindi ko kaya ang mga ginawa niya dati pero pwede bang pagbigyan mo kong higitan yun? kelan ba ko nakipagaway? hindi mo kasi ako binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag. kung anong inisip yun na yun. wala ng bawian. extremes. hindi ba pwedeng gumitna?
tumingin sa salamin. mag self-reflection. alamin kung tama pa ba ang mga ginagawa upang di na muling makasakit. matutong umunawa. mahabang patience. tumahimik. sumangayon na lamang. wala ring patutunguhan kung makikipagtalo. kahit ilang beses sabihin na hindi sya nakikipagtalo... pero hindi mo ba naririnig ang sarili mo? sana minsan, matuto tayong makinig ng bawat opinion ng tao. matuto tayong tumaggap. mahal mo nga ba ako? pero bakit sa tuwing bubuka ang bibig ko uupang magpaliwanag, sarado ng utak mo sa mga bagay bagay na fix na sa utak mo. ganyan ka lumaki. yan ang iyong nakalakihan... pero hindi ba talaga tayo pwedeng magcompromise?
sorry kung hindi ko talaga kayang tanggapin pag minsan... pero ngayon try ko ng manahimik. sorry kung hindi ko talaga naisip... pero ngayon try ko ng pagisipan. sorry kung may pagka childish... pero ngayon try ko ng mas magmature ng isip. sorry kung yan ang nakalakihan mo...pero ngayon try kong sumabay. sorry kung feeling mo pinipilit kita... pero ngayon try kong intindihin lahat. sorry kung hindi niya ako katulad... sorry kung siya ay ganyon ako ganito lang. hayaan mo magiging sensitive na ko... baka sakaliing maging ok na tayo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment