Matagal ko ng pinapangarap magkaron ng happy ending. Parang fairytale. Masaya, maganda at walang lungkot. Kung meron man, sadyang bahagya lang.
Minsan, isang araw, naglalakad ako ng makita kita. Pero ang sabi ko sa sarili ko, hindi pwede. Pero iba ang kabog ng puso ko. Lahat ng bagay slow mo. Ang bagal. Sabi ko, kala ko sa pelikula lang nangyayari yun. Yung tipong wala kang nakikitang iba sa paligid mo at bukod tanging hininga mo lang ang naririnig ko. Kakaiba. Ang sarap sa pakiramdam.
Naging magkaibigan tayo. Bawat araw, masaya. Bawat araw, puno ng kaba. Kasi hindi na ata ito tama. Iba na ang nararamdaman ko. Lumalalim. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang sabihin sayo?
Dumaan ang bawat araw na pinapangarap kong ikaw. Ikaw ang makakasama ko habang buhay. Parang fairytale. Happy Ending. Kahit iba ang may hawak ng kamay ko, iniimagine ko na ikaw. Pinangarap kong balang araw, pagmulat ng mata ko, ikaw ang makikita kong may hawak ng kamay ko at ang masayang ngiti mo ang unang babati.
Sabi ko sa sarili ko, maghihintay ako. Kakapit ako. Kakapit ako hanggang sa huling araw na sabihin at ibulong mo saken ako na ang gusto mo. Hanggang sa panahon na sabihin mo saken na kaya mo na... na may magagawa ka na... na kaya mo ng ipaglaban ang totoo. Pipikit ako at mumulat ng nangagarap na ikaw na ang nasa tabi ko. Ang taong bubuo ng lahat ng pangarap ko. Ang taong magsasabi at magmamalaki sa lahat na mahal niya ko. Bawat araw, nagdadasal ako na madaliin ang bawat segundo na kayanin mo na.
Pero dumating ang araw na hindi mo nakayanan. Dumating ang araw na sinabi mong hindi mo kaya. Dahil wala kang magawa... wala kang pwedeng gawin. Dahil yan ang sinasabi ng panahon. Yan ang itinakda. Parang may balang tumagos sa puso ko. Sa labanang ito. Tinalo mo ko. Hindi mo man lang ako hinayaang lumaban. Hindi mo man lang ako pinaglaban.
Lihim kong tinago. Matagal. Masakit. Sagad hanggang kaluluwa ko. Parang bombang sumabog ang puso ko. Lahat ng tingnan ko parang sing gulo ng WW3. Hindi na ata pumipintig ang pulso ko. Ang sakit. Sobra. Hindi ako makahinga. Ang taong pingarap ko buong buhay ko, hindi ko din naman pala pwedeng makakasama habang buhay. Tinanong ko na ang sarili ko kung totoo pa ba na may fairytale? Na may soulmate? Dahan dahang bumabagal ang mundo ko... ang sarili ko. Akala ko ulit sa pelikula lang nangyayari ang pagbagal ng paghinga kapag nasaktan ka. Hindi na pala talaga matutupad. Kahit sa panaginip, hindi kita makita. Hanggang sa pagmulat ng mata ko, hindi mo kamay ang hawak ko dahil bumitaw ka at hindi ang ngiti mo ang nakikita ko dahil wala ka na.
Isang araw, nalaman kong may iba na. Masaya ka. Bakit ako? Hindi na lang ako? Bakit hindi na lang ako ang pinili mo? Sabi ko sa sarili ko, kakayanin kong buuin ang sarili ko. Ang puso kong pinatay mo, kakayanin kong buhayin ulit. Kakayanin kong kalimutan lahat ng sakit ng galit. Pag-aaralan kong kalimutan ka. Pag-aaralan kong hindi na ikaw. Hindi na ikaw.
Taon. Pagkalipas ng madaming taon. Bumalik ka, bumalik ang lahat ng sakit... ang lahat ng galit. Ginulo mo ang alam kong tama ko ng buhay... ang masaya ko ng buhay. Alam mong hindi na pwede. Dahil okay na ko eh. Masaya na ko. Sa wakas may taong nagsabi saken na ako ang gusto niyang makasama habang buhay. May taong pinaglaban ako. May taong hindi ako pinaasa.
Pero sadyang malakas ka. Hinayaan mo akong kumapit ulit. Hinayaan mo akong mahulog ulit. Ang sakit sakit. Dahil sa pangalawang pagkakataon, tinalo mo ko. Pano ko sasabihin sa sarili ko na hindi na ikaw? Pano ko sasabihin sa sarili ko na wag ikaw? Pano ko sasabihin sa sarili ko na wag akong kumapit? Tell me, how do I unloved you? Dahil sa pangalawang pagkakataon, pinaasa mo na pagmulat ng mata ko, hawak mo na talaga ang kamay ko at sasabihin mo sa lahat ng ng tao na ako na. Ako na talaga ang bukod tanging tao na mahal mo. Ako na talaga ang makakasama mo habang buhay. Pero hanggang huli, hindi pala.
Hanggang sa huli. Tinalo mo ako.
Lumipas ang bawat araw na nasasaktan ako. Pumipikit ako at ang bawat panaginip ko ikaw ang kasama ko. Sa panaginip ko masaya tayo at hawak mo ang kamay ko. Pero ginising mo din ako at sinabi mong hindi.
Alam ko. Ang ending ng fairytale ko ay hindi makasama ang prince charming ko.
Pinipilit kong kalimutan ka. Sabi ko, isang araw na lang at alam kong kaya ko na. Sabi ko lang pagbigyan mo kong makasama ka hanggang sa huling araw na itinakda. Sabi ko sayo, papatunayan kong kakayanin kong wala ka. Papatunayan kong kaya ko na. At ito na ang araw ng itinakda.
To my not-so-prince charming,
Huwag na nating ipilit pa ang hindi dapat. Kahit paikut-ikutin natin ang mundo, kitang-kita naman sayo ang halaga ko lang sayo. Wag mo ng idahilan saken na ako ang hindi pwede. Na ako ang may sabit. Pero kahit sana hindi magiging tayo, maramdaman ko lang naman kung ano talaga ako sayo. At tama, naramadaman ko naman. Simula noon hanggang ngayon, wala. Kahit sabihin mong hindi totoo, yan ang ipinapakita mo. Matagal ko na naman talagang tinaggap ang ending ng fairytale na ito. Kaya wag mong sabihin kung ano anong iniisip ko dahil yun naman talaga ang nakikita ko. Hindi naman masamang mangarap diba? Akala ko talaga kahit papano sa fairytale na to, ang tatawagin kong prince charming ay ikaw. May mga bagay pa akong dapat pag aralan. Tulad ng kung pano ka hindi mahalin at kung pano ka kalimutan. Baby steps.
Pero, pwede ko ng sabihin na naka move on na ko. Hindi na ganun kasakit. Dahil kaya ko ng makitang hindi ko hawak ang kamay mo. Kaya ng hindi mag slow mo ng paligid ko. Dahil kaya na kitang tingnan.. titigan. Kaya ko ng isipin na may iba. Kaya ko ng sabihin na hindi na ikaw. Hindi na talaga ikaw. Kaya ko ng hindi maghintay. Kaya ko ng sabihin sa lahat na wala na. Tapos na. At balang araw, kaya ko ng makitang may iba na.
Salamat sa bawat araw ng pinangiti mo ko. Salamat sa bawat araw na kahit papano sinabi mong mahal mo ko. Salamat sa bawat araw na pinatatag mo ako. Salamat bilang naging malaki kang bahagi ng buhay ko. At hanggang sa huli, pasasalamatan kita. At hanggang sa huli sasabihin ko sayo, mahal kita.
Love,
Dhang