Ang mundo ko na naman ay unti unting nagiging slow-mo. Bakit? Bakit kelangan ko na namang maramdaman to? Tapos na to diba? Ilang taion na naman ang lumipas. Pero bakit ganun?
Ang sama sama mo. Hindi mo alam ang pakiramdam ng isang taong nasasaktan. Ang sama sama mo. Sa pangalawang pagkakataon, natalo mo ako. Sa pangalawang pagkakataon, pinaramdam mo saken ang isang bagay na matagal ko ng kinalimutan. At mas masakit. Sagad. Pucha! Bibigyan kita ng award.
Nanginginig na ko. Ayaw man tumulo ng luha ko. Dahil sa kapipigil ko. Pero, pucha naman talaga. Ang sakit. Durog na durog. Sagad. Tapos itatanong saken kung anong nagawa? Talaga bang may karapatang magtanong? Grabe naman. Ang sakit. Tapos nasayo pala talaga lahat ng karapatan para sabihin na hindi ka magpapakita para hindi ako nasasaktan. Wow!!! At ikaw pa ang nagsabing wag akong masaktan! Talaga ba?
Teka lang. Konting preno naman.
Lord, nakikiusap ako. Pigilan mo na ko. I should not feel this way. Pangalawang beses na to. At the end of the day, talo naman ako eh. Bakit kelangan dumating pa to. Pwede naman pong hindi na diba? Ok na po eh. Dapat po ang puso at pagkatao ko, hindi naguguluhan. Dapat po wala kong karapatang masaktan at malungkot. Nagmakaawa naman po ako eh. At ngayon muli akong nagmamakaawa. Lord, hindi dapat.
Hinga. Hinga ulit. Nakikipagpustahan ako. Mabubuo ko ulit ako. Ang huling tingin ko sayo ang magtatakdang okay na ko. Ipapakita ko sayo kung gaano ako kasaya. Ipapakita ko sayo kung pano ulit ako lalaban. Ipapakita ko sayo na okay ako. Bibilisan ko ngayon ang bawat segundo at oras. Dahil ayoko ng maabutan mo ko. Ipapakita ko sayo ang bagong ako. Matatag. Hindi nasasaktan. Masaya.

No comments:
Post a Comment