.ako.
Tagu taguan maliwanag ang buwan.
Ang damdamin natin na walang patutunguhan. Hanggat walang nahahanap ikaw pa rin ang taya. Paulit ulit lang simula umpisa. Hahanapin mo ko. Hahanapin kita. Hanggang kelan kaya.
Sabi ko, hindi ako papayag na ang gabi ay ang ating parang araw. Magkikita lang tayo pag lipas na ang liwanang. At ang tanging saksi ay ang mga bituin na minsan ng nagsabi sa akin, ineng, pag hindi mo itinigil, bandang huli baka buhay mo'y iyong kitilin. Ngunit walang may alam kung gaano na kalalim baka kahit ilang balon pa ang ang ating puntahan, sukatin man kung gaano kalalim, walang tutumbas, pangako yan.
Simple lang naman ako. Yung mga gusto ko.
Gusto ko lang yung taong liligawan at susuyuin ako. Yung gagawin ang lahat mapa oo lang ako. Yung taong hindi ako itatago. Yung taong ipagmamalaki at sasabihin sa buong mundo kung gano niya ako kamahal. Yung taong paiiyakin ako ngunit kaya akong pangitiin sa bawat araw.
Ako yung tipo ng taong gusto lang ng taong magmamahal ng totoo. Yung ramdam mong totoo.
Ako yung taong simple lang pakiligin. Hindi kelangan magarbo. Hindi kelangan ng confetti, flowers, chocolate or kung ano ano pa. Titigan mo lang ako. Tapos sabihin mo, mahal mo ko. Tapos ngumiti ka. Tapos yakapin mo ko. Kantahan mo ko, kinikilig na ko. Pakiramdam ko niyan nasa langit na talaga ako.
Ako yung tipo ng tao hindi marunong humingi. Pero ako yung humihiling.
Ako yung taong minsan makitid. Pero kaya pa ring intindihin.
Masyado akong mapagbigay.
Kelangan mas okay ka kesa sa mas okay ako.
Kelangan mas pakinggan kita kesa sa mas kelangan mo akong pakinggan.
Kelangan mas mahal kita kesa sa mas mahal mo ko.
Ayun lang. Mahal kita kasi walang Mahal mo ako.
No comments:
Post a Comment