Tuesday, August 01, 2017

.Ulan.

Ang bawat patak ng ulan ay nagsisilbing hudyat ng luha kong buhos na buhos na.

At sa bawat pagtigil nito ay nagsisilbing hudyat na kailangan kong huminga.

Mahal kita. Mahal lang kita.

Ang hirap. Ang sakit. Nakakadurog.

Buti pa ang langit kayang damayan ako.

Madilim. Umiiyak.

Ang bawat patak ng ulan ay nagsisilbing hudyat ng luha kong ubos na ubos na.

At sa bawat pagtigil nito ay nagsisilbing hudyat na kailangan kong bumangon at intindihin na may bagong panimula.

Kung sakali, baka nga... sa kabilang mundo, mahal mo na rin ako.


















No comments: