Friday, July 24, 2009
DEAR JAN,
Dear Jan,
I've known you for so long and I can say that I know you so well. I told you so many times but i still want to tell it to you over and over again. I love you. Though at times you may feel that i don't care about you, but trust me on this one, I LOVE YOU more than words can ever explain and more than actions that can ever express.
11 years have passed and i can still feel the chills when you’re beside me. I shiver, I think that is the right word on how to explain it. I am grateful that you came into my life in time that I needed someone to love me. Every night I am thanking God for sending you to me. You're the angel that pulled me up from hell.
Whether we live in a fairy tale or a non-fairy tale world, I still believe there is such a thing as " And they live happily ever after", and even if you don't believe it, let's make it happen.
It is you that i want to see waiting for me in front of the altar. It is you that i want to exchange bands and in front of God saying our vows that we are promising that till death do us part. It is you that i wanted to see every morning when i wake up. It is you who will hold my hand in the delivery room and waiting for our baby to come. it is you that i will grow old with. I'll be your eyes when your eyes get blurry, I will describe everything you want to see.. The skies, birds, trees swaying..everything...I'll be your hands when you can't handle things anymore, I'll be your voice when you cannot speak up anymore. And I will let you remember everyday how much you love me and how much i love you when you can't remember anymore.
Now that we're together I promise to be always true to you, to love you and trust you. I love you more than anything this life can offer me and i will hold your hand until my last heart beat.
I love you.
Love,
DHANG
Monday, July 20, 2009
.ako ba o ikaw.
kakatapos lang ng sandamakmak ng meeting. pagod na pagod ang isip mo sa kakaisip ng mga bagay na related sa work. tapos pag uwi mo ang tanging inaasahan mo ay ang taong hahagod ng likod mo at sasabihin sayong, "ok ka lang ba?kamusta naman araw mo? anong gusto mo? napagod ka ba? gusto mo ng masahe?" o kaya simpleng "halika nga dito, hug kita! " hindi yung sa bawat araw pag uwi mo ang maririnig "anong oras na? naghintay na naman ako ng matagal!" ARGH!
ako ba o ikaw ang may problema. ako ba o ikaw ang laging panalo. ako ba o ikaw ang tunayu na nagmamahal. kasi kung ikaw.. bakit hindi tayo magcompromise.bakit?
wag mong sabihin na ikaw lang ang nagmamahal. wag mong sabihn na ikaw lang ang nagsasakripisyo. kasi ang lam ko. parehas tayo.
Monday, July 13, 2009
.slut.
kung may isang bagay akong pinagsisihan. eh yun yung pumapatol ako sa taong walang utak. yun yung mga taong walang ginawa na lang kung hindi maghinala at tawagin ako sa mga tawag na hindi naman dapat. "BITCH", "WHORE" at "SLUT". pag tinawag akong bitch ng mga tao. ok lang! eh sa ganun talaga ako. i'm a bitch, i'm a lover i'm a child i'm a mother i'm a sinner i'm a saint.. blah blah! pero pag sinabihan mo ko ng whore or ng slut paulit- ulit.. pakshit! parang di na yata tama! parang may hangganan naman ako. i have been very patient regarding this issue. and i hate na paulit ulit na lang. and i hate when some people are making a big fuzz on what i am doing.bwiset!
"YES, I AM SLUT! BUT I AM THE BEST SLUT IN THE WORLD!"
Tuesday, June 09, 2009
.battle.
am i fighting a loosing battle? am i fighting for nothing? am i nothing? am i fleeting? so many questions that i don't even know how to answer.
i am staring outside my big window and all i can see is a blank space. i wanted to put some colors but my hands are shaking. don't even know what will happen tomorrow. but i am still holding.
Tuesday, June 02, 2009
.para kay sa kaibigan ko.
sabi nga sayo.. hindi lahat ng bagay nadadaan sa determinasyon. kung ang mga bagay ay kumukumplikado ng buhay mo. minsan marami tayong bagay na naiisip na nakakainis kasi alam mong gusto mong mangyari pero hindi mangyari. bakit? kasi choice mo yan. pinipili natin ang isang bagay na maganda at dapat dal iniisip na natin ang magiging magandang resulta nito. pero kelangan mo ring isipin na ang isang bagay ay mapapdali kung ikaw ay marunong tumangap.
para kang nasa weighing scale. sa left, gusto mong kumapit. ayaw mong bumitaw. dal alam mong may pagasa. pero wag mong isipin. damahin mo. ano ang laman ng puso mo? hindi ng utak mo. sa right, gusto mong bumitaw. dal ayaw mong may masaktan pang iba. ayaw mong mahirapanang lahat ayaw mo ng kumplikado. pero naiisip mo ba na kaya mong iwan na lang ang isang bagay na alam mong dati sayo na?
tanggapin mo ang mga pangyayari. hanggat kaya kakayanin. kahit isang daliri na lang ang nakakapit. wag ka munang bumitaw. kahit sagad na sa sakit. wag ka munang bumitaw. alam mo yung linyang "mahal kita, sobra.. kahit ang sakit sakit na?" o kaya yung linyang "bakit ganun sana hindi na lang kita minahal, kasi nagmamahal ako pero namamatay ako..." alam ko... hindi mo na naiintindihan ang mga bagay. pero kaya pa naman diba?
kapit lang. pag hindi na. bitaw. masakit pero dapat.
Thursday, May 14, 2009
.Away.
I've been away for quite sometime. I've been very busy with shoots and castings. Since last year, i never found an office that really suites me. Maybe i just miss the people whom I've worked with for the pat three years. My Soundesign Family gave me an extraordinary experience. Though there were tough times between me and zed, i never had a chance to say thank you to her because she made me strong. I was thinking, if she did not do what she did to me, am i the same person who is sitting next room to the VP Chairman of DDB and be appointed by my very beautiful boss as her assistant?Nah! I think I'm still there at the little corner doing voice samples for producers. I am not saying that it's not fun. Actually, there is this one time that i really wanted to go back and do the same thing again. Maybe, Casting is in my blood. But that's my destiny. I am destined to be here and do what i have to do.
After my soundesign days, due to misunderstanding between me and, i quit and i moved up to the second floor where i met Kaps. Gigi Velasquez is i think one of a kind boss.. She's funny yet strict. i learned a lot from her and ms. Toni, her partner. i learned how to deal with difficult client and people. I learned how to smile everyday though you want to burst out in tears because of stress and I learned how to be humble because as they say, you cannot please everybody.
After 6 mos. I resigned and Len referred me to Beyond Advertising. I applied as an AE and being there for a month, I can say that I am having fun.
DHANG
Friday, May 30, 2008
.breathe.
when was my last post? October last year pa. kamusta naman yun. i need to breathe. breathe dhang. hayyyyyyyyyyyyyyy!!!! hindi ko na maintindihan ang utak ko. do i need to find another outlet? please tell me that i still want to do this. please enlighten me on what's happening. i don't want to be clueless. oh! ok... hindi ako matanong na tao. but then again. breathe.
Thursday, May 22, 2008
.tsktsk.
tagal kong hindi nag-blog dito. sobra. kita mo from october 2006 to october 2007. bakit nga ba? kasi alam mo ko na. may mga pangyayari kasi ng buhay ko na ayaw ko ng balikan. tapos.
Wednesday, October 31, 2007
Make me whole...
hmmm... nakatanga na naman ako sa computer na hindi alam kung bakit...senti.. hindo alam kung anong nasa isip.. tumitipa sa keyboard ng kahit anong maisip... background music? "I will be there" ni kyla... "I will be there, I’ll be there I’ll be your shoulder you can lean on
I’ll be your friend you can depend on I will be there" tapos make me whole... hmmm. senti diba? hindi ko na kaya kung anong nasa isip ko ngayon.. natutuyot na utak ko sa kakaisip ng mga bagay... kakasagot ng mga bagay na hindi ko alam. napapagod sa mga pangyayari na hindi ko alam... napapagod sa mga bagay na gingawa ko na nakakapagpasakit sa mga taong mahal ko.. napapagod...
please Lord.. make me whole again...
Nasan na si dhang?
hindi ko alam... yan ang sagot ko sa mga tanong ko...natatanga ako sa mga pangyayari ng buhay ko... hindi ko na talaga makilala sarili ko... tinatanong ko na nga si lord kung saan matatagpuan ang totoong dhang na nakilala ng tao...
hindi ko na din alam kung saan matatagpuan ang sarili ko na dati ay itinapon ko para sa ibang tao na hindi nagpahalaga saken. Lord, kung darating man ang panahon na ipapakilala mo ulit ang sarili ko sana bilisan ninyo ng wala na akong taong masaktan...
hindi ba masakit naman sa loob yung bawat araw may nasasaktan akong tao.
ibalik mo na kung maaari lang... ang hirap maging hindi si dhang.. ang hirap tanggapin na ganito na talaga ang kinalalabasan ng mga bagay na ginagawa ko...ibalik mo na po..
lumuluhod ako... nakikiusap sa mga taong nasaktan ko at sa iyo...
Monday, October 15, 2007
WISH LIST...
*WISH LIST* 1. TUMALON - gusto kong pumunta sa isang lugar para tumalon. 2. UMIYAK - gusto kong umiyak ng isang buong araw sa lugar na walang makakakita saken. 3. TUMAWA - gusto kong lang tumawa ng malakas na malakas. 4. BUNDOK - gusto kong pumunta ng bundok para dun gawin ang 1-3 ko sa wish list. 5. COTTON CANDY - gusto ko talaga ng cotton candy. yung masarap. kasi ito lang magpapangiti saken. 6. CHOCOLATES - gusto ko ng chocolates kasi depressed ako? 7. KATAHIMIKAN- gusto ko talaga ng katahimikan sa buhay ko ngayon. yung kahit konti wala akong maririnig. 8. TUMANGA - gusto kong maging tulala for a moment . 9. RETREAT - gusto ko ng gabay. self realization. 10. CHURCH - bumalik kay LORD.
Monday, October 08, 2007
apoy
nag-aapoy ang daliri ko sa pagtipa ng keyboard.
natatanga ako kung tama ba ang bawat salitang lalabas sa screen.
natutulala ako sa mga pangyayaring hindi naman na dapat.
nakakapaso ang mga salitang naiisip ko.
nakakaasar.nakakarimarim.
Thursday, October 04, 2007
para sa mga taong insensitive....
panalo talaga yung mga taong walang magawa sa buhay nila at puro sarili lang nila ang iniisip. panalo talaga yung mga taong pinagtiwalaan mo ng buong buhay mo tapos wala rin in the end. ikaw pa ang talo.panalo talaga yung mga taong ikaw pa ang mali kahit kita naman na siya ang may problema. panalo talaga yung mga kasalanan na nauungkat kahit tapos na... kahit nung fetus ka pa. panalo talaga yung mga statements na ikaw ang lalabas na may kasalanan. panalo talaga yung mga timing kung saan dapat masaya ang araw mo. (hmmmm! love this!) panalo talaga yung nagsacrifice ka ng mga friends..inaway mo...di mo kinausap...tapos wala pa rin pala. panalo yung mga moments na ikaw di ka nagsalita kasi open minded ka sa lahat pero pagdating sayo wala pa rin. ikaw ang sinungaling...ikaw ang mali. san ka pa?! pero bandang huli...ikaw ang magpapatawad.magpaparaya.sasalo ng lahat. dahil isa lang yan. mahal.
* para sa aking kaibigan... sabi ko sayo, lahat ng bagay nadadaan sa inom, partee, malakas na tawa, paglabas kasama ang kaibigan na dati ay iniwasan mo para lang...hmmmph! (ayoko na magcomment) at syempre dasal. matinding pagdadasal. tapos ngiti :) tapos hinga! haaaaayyyyyy
*para sa aking kaibigan... tindi! saludo! isang tagay para sayo! :)
Tuesday, September 18, 2007
BICOL....
sarap magbicol.maraming nangyari. malungkot at masaya. pero madaming malungkot. basta. hindi ko alam pero yun talaga. basta masaya sila busog na ko dun. darating... alam ko...sana... dasal na lang ulit ako.
Thursday, September 13, 2007
Wednesday, September 12, 2007
tamang senti
what is hindi na ko makapaghintay sa bicol...HUWOW!!!!! ang saya saya lang. hmmm... ano nga bang gagawin ko sa buhay ko? nitong mga huling araw ok naman ako. nagkasakit ng 2 weeks. nagakaron ng napakaraming pasa sa katawa. umangal lang ako nung di na ko makatayo. dahil bawat galaw ay makirot. hay... but at least ok na ko. vitamins lang ang kelangan at sandamakmak na tulog at bawal ang mapuyat. kamusta naman si dhang? hindi pwede dahil hindi hinihingi ng trabaho ko ang matulog ng matulog. at hindi rin pala ako sanay. :)
ok na ko. masaya na ulit ako. salamat kay Lord at sa mga taong mahaba ang pasensiya at hinintay akong makarecover sa isang yugto ng buhay ko na para akong nasa kawalan.salamat talaga sa suporta.
Thursday, August 30, 2007
Sino Ako?
nakaupo ako sa may reception area. nagiisip kung anong dapat kong gawin. tapos ko ng gawin ang mga gawain ko for this day. tapos na rin sa wakas ang mga talent ko. kahit inumaga na ko dito.
madami akong iniisip. hindi ko na maintindihan kung anong dapat unahin. kulang yata ako sa paalala. hindi ko maisip na darating ang moment na 'to. inisip ko lang kasi dati na hindi...hindi...pero darating nga talaga.
mahaba ang pasensya ko. kasing haba ng hanggang sa dulo ng walang hanggan. marunong akong magpatawad. marunong akong mag-weigh ng sitwasyon. mapagbigay akong tao. hanggat sa kaya kong sikmurain..hanggat sa kayang kong tanggapin, tinatanggap ko ng walang alinlangan. kasi yun ang dapat. hindi ako mapanghusga. hanggat sa kaya kong walang maisip gagawin. hindi ako pumipigil sa kahit pa sa anong opinyong meron ka. hindi ako marunong magalit. sayang yan sa oras, energy at panahon. hindi rin ako marunong magsalaita ng saloobin ko. kasi sa kadahilanang hindi ko kaya.
pero marunong akong mainis..magtampo at masaktan. madali na akong umiyak sa bawat sitwasyon. madali na akong masaktan. hindi ko na kayang magpakamanhid na tulad ng dati. pero pipi pa rin ako sa lahat ng gusto kong sabihin.
bakit ba pinipili kong wag magsalita masyado? bakit pinipili kong umiyak ng hindi nalalaman? bakit pinipili kong mag isip ng magisa?-- sa kadahilanang ayaw ko na rin ng issue. nakakapagod ang magpaliwanag sa taong hindi nga sara ang isip pero pag NAPUNO ay hindi na marunong makinig.
oo...naiintindihan ko ang bawat siwasyon. alam ko kung anong kalalabasan ng bawat pangyayari pero. pero pinili ko ang dapat. kasi yun ang dapat. kahit hindi dapat. kasi isa kang tao na nagmamahal at ayaw mong malamatan.
speaking of lamat. sarilinin ang nalalaman. hindi dapat ipagsabi. pero pinili mong sabihin ng hindi malamatan. sumakit man ang ulo mo sa kakaisip ng tamang salita. nagkalat man ang brain cells ko sa sanlibutan at tila napagod sa kaka-weigh ng bawat sitwasyon..pinili mo parin ang dapat. dahil yun ang dapat. hindi itinago, dahil mas malaki ang magiging lamat. inakala mo na ang lahat ay umaayon sa pangyayari. ngunit kulang pa yata ang bawat salitang lumalabas sa iyong mumunting bibig. katanungan na hindi na masasagot dahil hindi dapat sagutin. na dapat ay ipinadala na lamang sa hangin. dahil kahit ikaw mismo alam mo ang bawat sagot sa mga tanong ng iyong isip.
magsaya.matulog.gising
Saturday, August 04, 2007
BLOG
Ano nga ba ang blog? eto ang personalized diary mo na pwede mong i-share sa lahat ng tao. kahit ano pwede mong ilagay..sabihin.. walang pwedeng umangal dahil ayon nga sa aking profile ito ay para sa mga taong bukas ang isipan sa lahat ng mga mababasa dito.
Ano ang nilalaman ng blog? All about me...She wants...Taggies....Archives at Credits.
Ano ang ibig sabihin ng bawat isa?
All about me - Ito ang description ko sa sarili ko.
She Wants - Mga gusto ko sa buhay ko ngayon.
Taggies - Pwede kang magreact. mga nais mong sabihin sakin para naman alam ko kung
anong gusto mo.
Archives - Past blogs. pwede mong i-visit.
Credits - Ito ang masasabi ko sa mga taong nais basahin ito.
Bakit ko ba nasabi ang mga ito? minsan kasi hindi na natin kelangan pang tanungin ang mga bagay na nasa blog ko... kung gusto mo magreact pwede mong sabihin sa taggies ko. walang pakialamanan kung anong gusto kong sabihin dito. kasi feelings ko ito. ito ang mga bagay na nais kong sabihin. kung hindi ko man ito magawa o magawa ko man ito ako na "call" ko yun. ayoko kasi ng magreact ang mga tao sa blog ko ng hindi na lang ilagay sa comment o sa taggies ko. o kaya mas maganda sabihin na lang saken or mag blog na rin para naman masiyahan ako at may babasahin na rin akong blog.
Masama ba ang loob ko? oo. hindi ko din kasi inexpect ang mga sitwasyon. ang daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot. hindi ko alam kung pano magrereact. hindi ko alam kung pano ako haharap sa mga bagay bagay.
Anong gusto kong mangyari? kung hindi bukas ang isip sa mga mababasa dito sa blog ko, wag na lang bashin. kung hindi ok sa kanila wag na lang basahin. kung may gustong sabihin, sabihin ng derecho o mag-tag/comment dito. wala namang problema. wag na lang magtanong kung bakit yun ang nakalagay dito. hindi dapat dahil saken ito. at sarili ko ang nilalabas ko dito. kamusta naman? diba? kaya nga ako gumawa ng blog eh.
Mag-Tag.Mag-comment.Buksan ang isip.
Friday, August 03, 2007
"AEHRA"
i'm with "Aehra" right now...wala kaming magawa kundi hanapin ang boylet niyang si bboy_daboy na hindi naman namin mahanap...mamya mag ma-masas kami...iinom ng matinding litro ng margarita...waahhhh!!! i miss masas!!! :) gusto niyang magpagupit sa Korean salon sa may buendia.. 500 ang gupit...sosyal! :) wala na kaming magawa... naghihintay ng oras para kami ay makainom na. promise magiingat na ko sa mga snatcher sa labas... lalo na't sa greenbelt na naman ang punta ko.
MGA DAPAT TANDAAN:
1. Wag uminom ng marami para makauwi ng maayos.
2. Wag iwan ang bag na malaki kung saan saan baka makuha na naman ang cellphone at
ibalik parin ang sim card at ang pouch bag.
3. Matulog. para bukas may lakas mag-audition para sa isang project at para sa mga
bagong talents na nais maging voice talents.
4. Maglinis ng studio bukas. para naman maaliwalas ang pag-tratrabaho natin.
5. Maglinis ng room. grabe sa dumi ito.
6. I-edit ang voice sample ni King DJ Logan para sa kanya dahil nagrecord kami ng
personal message alert tone... THE BEST!!! SEXY TIME!!!
7. Pagdating ng bahay ibahin ang message alert tone sa kadahilanang takot si Baby
Brent sa boses ni Logan.
8. Gumising ng maaga starting next week para naman mabawasan ang kaltas sa sweldo ko
ng late at hindi na ko masita. sorry talaga! :(
9. Magbayad ng utang. wag kalimutan. hay... kelangan ng kaperahan.
10. Mag-church sa sunday. kelangan pa rin magpasalamt kay Lord for all the blessings
and the challenges. Nagiging strong ako everyday.
Sunday, July 22, 2007
salamin.
kahapon ang tagal kong nakatitig sa labas ng bintana ko.tinitingnan ko kung uulan ba o wala lang gusto lang niyang magpaka dilim. umaayon yata saken ang langit. kasi hindi din daw niya alam ang gagawin niya sa mga pangyayari. pagkatapos ng isang oras, tumingin ako sa salamin. matagal. mas matagal kesa sa pagtingin ko sa langit. nakakaasar. ang dami kong zits. dala ba ito ng matinding pag-iisip kung bakit may mga bagay bagay na hindi talaga natin magugustuhan. hindi ko din talaga naintindihan kung bakit ganito. siguro kasi ang hirap lang talagang umayon ng puso pag hindi umaayon ang isip. badtrip... hindi ko alam kung pano ko malalampasan ang mga bagay. hindi ko alam kung pano ko gagawing tama ang mga bagay. sumasakit ang ulo ko. sumasakit ang puso ko. masakit. nasasaktan talaga ako..
may mga bagay bagay na dapat nadadaan sa usapan. lahat ng bagay nadadaan sa usapan. hindi ko maintindihan kung bakit kelangan nating isara ang isip sa mga bagay na nakalakihan na. hindi ba pwedeng mag compromise? hind na ba uso ngayon yun? nalulungkot talaga ako. sumasakit ang puso ko. hindi ko na ulit makita ang dating ngiti na nasa mga labi ko. pag titig ko sa salamin, isang blankong mukha ng isang batang namamalimos ng kahit konting pangunawa. sensitivity. hindi lahat ng bagay ay tama para sa isang tao. pano naman ang damdamin ng iba? hindi ako nakikipakumpetensiya...kahit kelan hindi ako makikiipagkumpetensiya. kung siya ganun ako ganito. hindi ko kaya ang mga ginawa niya dati pero pwede bang pagbigyan mo kong higitan yun? kelan ba ko nakipagaway? hindi mo kasi ako binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag. kung anong inisip yun na yun. wala ng bawian. extremes. hindi ba pwedeng gumitna?
tumingin sa salamin. mag self-reflection. alamin kung tama pa ba ang mga ginagawa upang di na muling makasakit. matutong umunawa. mahabang patience. tumahimik. sumangayon na lamang. wala ring patutunguhan kung makikipagtalo. kahit ilang beses sabihin na hindi sya nakikipagtalo... pero hindi mo ba naririnig ang sarili mo? sana minsan, matuto tayong makinig ng bawat opinion ng tao. matuto tayong tumaggap. mahal mo nga ba ako? pero bakit sa tuwing bubuka ang bibig ko uupang magpaliwanag, sarado ng utak mo sa mga bagay bagay na fix na sa utak mo. ganyan ka lumaki. yan ang iyong nakalakihan... pero hindi ba talaga tayo pwedeng magcompromise?
sorry kung hindi ko talaga kayang tanggapin pag minsan... pero ngayon try ko ng manahimik. sorry kung hindi ko talaga naisip... pero ngayon try ko ng pagisipan. sorry kung may pagka childish... pero ngayon try ko ng mas magmature ng isip. sorry kung yan ang nakalakihan mo...pero ngayon try kong sumabay. sorry kung feeling mo pinipilit kita... pero ngayon try kong intindihin lahat. sorry kung hindi niya ako katulad... sorry kung siya ay ganyon ako ganito lang. hayaan mo magiging sensitive na ko... baka sakaliing maging ok na tayo...
Subscribe to:
Posts (Atom)