Wednesday, October 31, 2007

Make me whole...

hmmm... nakatanga na naman ako sa computer na hindi alam kung bakit...senti.. hindo alam kung anong nasa isip.. tumitipa sa keyboard ng kahit anong maisip... background music? "I will be there" ni kyla... "I will be there, I’ll be there I’ll be your shoulder you can lean on I’ll be your friend you can depend on I will be there" tapos make me whole... hmmm. senti diba? hindi ko na kaya kung anong nasa isip ko ngayon.. natutuyot na utak ko sa kakaisip ng mga bagay... kakasagot ng mga bagay na hindi ko alam. napapagod sa mga pangyayari na hindi ko alam... napapagod sa mga bagay na gingawa ko na nakakapagpasakit sa mga taong mahal ko.. napapagod... please Lord.. make me whole again...

Nasan na si dhang?

hindi ko alam... yan ang sagot ko sa mga tanong ko...natatanga ako sa mga pangyayari ng buhay ko... hindi ko na talaga makilala sarili ko... tinatanong ko na nga si lord kung saan matatagpuan ang totoong dhang na nakilala ng tao... hindi ko na din alam kung saan matatagpuan ang sarili ko na dati ay itinapon ko para sa ibang tao na hindi nagpahalaga saken. Lord, kung darating man ang panahon na ipapakilala mo ulit ang sarili ko sana bilisan ninyo ng wala na akong taong masaktan... hindi ba masakit naman sa loob yung bawat araw may nasasaktan akong tao. ibalik mo na kung maaari lang... ang hirap maging hindi si dhang.. ang hirap tanggapin na ganito na talaga ang kinalalabasan ng mga bagay na ginagawa ko...ibalik mo na po.. lumuluhod ako... nakikiusap sa mga taong nasaktan ko at sa iyo...

Monday, October 15, 2007

WISH LIST...

*WISH LIST* 1. TUMALON - gusto kong pumunta sa isang lugar para tumalon. 2. UMIYAK - gusto kong umiyak ng isang buong araw sa lugar na walang makakakita saken. 3. TUMAWA - gusto kong lang tumawa ng malakas na malakas. 4. BUNDOK - gusto kong pumunta ng bundok para dun gawin ang 1-3 ko sa wish list. 5. COTTON CANDY - gusto ko talaga ng cotton candy. yung masarap. kasi ito lang magpapangiti saken. 6. CHOCOLATES - gusto ko ng chocolates kasi depressed ako? 7. KATAHIMIKAN- gusto ko talaga ng katahimikan sa buhay ko ngayon. yung kahit konti wala akong maririnig. 8. TUMANGA - gusto kong maging tulala for a moment . 9. RETREAT - gusto ko ng gabay. self realization. 10. CHURCH - bumalik kay LORD.

Monday, October 08, 2007

apoy

nag-aapoy ang daliri ko sa pagtipa ng keyboard. natatanga ako kung tama ba ang bawat salitang lalabas sa screen. natutulala ako sa mga pangyayaring hindi naman na dapat. nakakapaso ang mga salitang naiisip ko. nakakaasar.nakakarimarim.

Thursday, October 04, 2007

para sa mga taong insensitive....

panalo talaga yung mga taong walang magawa sa buhay nila at puro sarili lang nila ang iniisip. panalo talaga yung mga taong pinagtiwalaan mo ng buong buhay mo tapos wala rin in the end. ikaw pa ang talo.panalo talaga yung mga taong ikaw pa ang mali kahit kita naman na siya ang may problema. panalo talaga yung mga kasalanan na nauungkat kahit tapos na... kahit nung fetus ka pa. panalo talaga yung mga statements na ikaw ang lalabas na may kasalanan. panalo talaga yung mga timing kung saan dapat masaya ang araw mo. (hmmmm! love this!) panalo talaga yung nagsacrifice ka ng mga friends..inaway mo...di mo kinausap...tapos wala pa rin pala. panalo yung mga moments na ikaw di ka nagsalita kasi open minded ka sa lahat pero pagdating sayo wala pa rin. ikaw ang sinungaling...ikaw ang mali. san ka pa?! pero bandang huli...ikaw ang magpapatawad.magpaparaya.sasalo ng lahat. dahil isa lang yan. mahal. * para sa aking kaibigan... sabi ko sayo, lahat ng bagay nadadaan sa inom, partee, malakas na tawa, paglabas kasama ang kaibigan na dati ay iniwasan mo para lang...hmmmph! (ayoko na magcomment) at syempre dasal. matinding pagdadasal. tapos ngiti :) tapos hinga! haaaaayyyyyy *para sa aking kaibigan... tindi! saludo! isang tagay para sayo! :)

Tuesday, September 18, 2007

BICOL....

sarap magbicol.maraming nangyari. malungkot at masaya. pero madaming malungkot. basta. hindi ko alam pero yun talaga. basta masaya sila busog na ko dun. darating... alam ko...sana... dasal na lang ulit ako.

Thursday, September 13, 2007

isang masayang pamilya

grabe ang saya talaga. di ba ko makaget-over? wala lang. isang malaking smile sabay *wink*

Wednesday, September 12, 2007

tamang senti

what is hindi na ko makapaghintay sa bicol...HUWOW!!!!! ang saya saya lang. hmmm... ano nga bang gagawin ko sa buhay ko? nitong mga huling araw ok naman ako. nagkasakit ng 2 weeks. nagakaron ng napakaraming pasa sa katawa. umangal lang ako nung di na ko makatayo. dahil bawat galaw ay makirot. hay... but at least ok na ko. vitamins lang ang kelangan at sandamakmak na tulog at bawal ang mapuyat. kamusta naman si dhang? hindi pwede dahil hindi hinihingi ng trabaho ko ang matulog ng matulog. at hindi rin pala ako sanay. :) ok na ko. masaya na ulit ako. salamat kay Lord at sa mga taong mahaba ang pasensiya at hinintay akong makarecover sa isang yugto ng buhay ko na para akong nasa kawalan.salamat talaga sa suporta.

Thursday, August 30, 2007

Sino Ako?

nakaupo ako sa may reception area. nagiisip kung anong dapat kong gawin. tapos ko ng gawin ang mga gawain ko for this day. tapos na rin sa wakas ang mga talent ko. kahit inumaga na ko dito. madami akong iniisip. hindi ko na maintindihan kung anong dapat unahin. kulang yata ako sa paalala. hindi ko maisip na darating ang moment na 'to. inisip ko lang kasi dati na hindi...hindi...pero darating nga talaga. mahaba ang pasensya ko. kasing haba ng hanggang sa dulo ng walang hanggan. marunong akong magpatawad. marunong akong mag-weigh ng sitwasyon. mapagbigay akong tao. hanggat sa kaya kong sikmurain..hanggat sa kayang kong tanggapin, tinatanggap ko ng walang alinlangan. kasi yun ang dapat. hindi ako mapanghusga. hanggat sa kaya kong walang maisip gagawin. hindi ako pumipigil sa kahit pa sa anong opinyong meron ka. hindi ako marunong magalit. sayang yan sa oras, energy at panahon. hindi rin ako marunong magsalaita ng saloobin ko. kasi sa kadahilanang hindi ko kaya. pero marunong akong mainis..magtampo at masaktan. madali na akong umiyak sa bawat sitwasyon. madali na akong masaktan. hindi ko na kayang magpakamanhid na tulad ng dati. pero pipi pa rin ako sa lahat ng gusto kong sabihin. bakit ba pinipili kong wag magsalita masyado? bakit pinipili kong umiyak ng hindi nalalaman? bakit pinipili kong mag isip ng magisa?-- sa kadahilanang ayaw ko na rin ng issue. nakakapagod ang magpaliwanag sa taong hindi nga sara ang isip pero pag NAPUNO ay hindi na marunong makinig. oo...naiintindihan ko ang bawat siwasyon. alam ko kung anong kalalabasan ng bawat pangyayari pero. pero pinili ko ang dapat. kasi yun ang dapat. kahit hindi dapat. kasi isa kang tao na nagmamahal at ayaw mong malamatan. speaking of lamat. sarilinin ang nalalaman. hindi dapat ipagsabi. pero pinili mong sabihin ng hindi malamatan. sumakit man ang ulo mo sa kakaisip ng tamang salita. nagkalat man ang brain cells ko sa sanlibutan at tila napagod sa kaka-weigh ng bawat sitwasyon..pinili mo parin ang dapat. dahil yun ang dapat. hindi itinago, dahil mas malaki ang magiging lamat. inakala mo na ang lahat ay umaayon sa pangyayari. ngunit kulang pa yata ang bawat salitang lumalabas sa iyong mumunting bibig. katanungan na hindi na masasagot dahil hindi dapat sagutin. na dapat ay ipinadala na lamang sa hangin. dahil kahit ikaw mismo alam mo ang bawat sagot sa mga tanong ng iyong isip. magsaya.matulog.gising

Saturday, August 04, 2007

BLOG

Ano nga ba ang blog? eto ang personalized diary mo na pwede mong i-share sa lahat ng tao. kahit ano pwede mong ilagay..sabihin.. walang pwedeng umangal dahil ayon nga sa aking profile ito ay para sa mga taong bukas ang isipan sa lahat ng mga mababasa dito. Ano ang nilalaman ng blog? All about me...She wants...Taggies....Archives at Credits. Ano ang ibig sabihin ng bawat isa? All about me - Ito ang description ko sa sarili ko. She Wants - Mga gusto ko sa buhay ko ngayon. Taggies - Pwede kang magreact. mga nais mong sabihin sakin para naman alam ko kung anong gusto mo. Archives - Past blogs. pwede mong i-visit. Credits - Ito ang masasabi ko sa mga taong nais basahin ito. Bakit ko ba nasabi ang mga ito? minsan kasi hindi na natin kelangan pang tanungin ang mga bagay na nasa blog ko... kung gusto mo magreact pwede mong sabihin sa taggies ko. walang pakialamanan kung anong gusto kong sabihin dito. kasi feelings ko ito. ito ang mga bagay na nais kong sabihin. kung hindi ko man ito magawa o magawa ko man ito ako na "call" ko yun. ayoko kasi ng magreact ang mga tao sa blog ko ng hindi na lang ilagay sa comment o sa taggies ko. o kaya mas maganda sabihin na lang saken or mag blog na rin para naman masiyahan ako at may babasahin na rin akong blog. Masama ba ang loob ko? oo. hindi ko din kasi inexpect ang mga sitwasyon. ang daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot. hindi ko alam kung pano magrereact. hindi ko alam kung pano ako haharap sa mga bagay bagay. Anong gusto kong mangyari? kung hindi bukas ang isip sa mga mababasa dito sa blog ko, wag na lang bashin. kung hindi ok sa kanila wag na lang basahin. kung may gustong sabihin, sabihin ng derecho o mag-tag/comment dito. wala namang problema. wag na lang magtanong kung bakit yun ang nakalagay dito. hindi dapat dahil saken ito. at sarili ko ang nilalabas ko dito. kamusta naman? diba? kaya nga ako gumawa ng blog eh. Mag-Tag.Mag-comment.Buksan ang isip.

Friday, August 03, 2007

"AEHRA"

i'm with "Aehra" right now...wala kaming magawa kundi hanapin ang boylet niyang si bboy_daboy na hindi naman namin mahanap...mamya mag ma-masas kami...iinom ng matinding litro ng margarita...waahhhh!!! i miss masas!!! :) gusto niyang magpagupit sa Korean salon sa may buendia.. 500 ang gupit...sosyal! :) wala na kaming magawa... naghihintay ng oras para kami ay makainom na. promise magiingat na ko sa mga snatcher sa labas... lalo na't sa greenbelt na naman ang punta ko. MGA DAPAT TANDAAN: 1. Wag uminom ng marami para makauwi ng maayos. 2. Wag iwan ang bag na malaki kung saan saan baka makuha na naman ang cellphone at ibalik parin ang sim card at ang pouch bag. 3. Matulog. para bukas may lakas mag-audition para sa isang project at para sa mga bagong talents na nais maging voice talents. 4. Maglinis ng studio bukas. para naman maaliwalas ang pag-tratrabaho natin. 5. Maglinis ng room. grabe sa dumi ito. 6. I-edit ang voice sample ni King DJ Logan para sa kanya dahil nagrecord kami ng personal message alert tone... THE BEST!!! SEXY TIME!!! 7. Pagdating ng bahay ibahin ang message alert tone sa kadahilanang takot si Baby Brent sa boses ni Logan. 8. Gumising ng maaga starting next week para naman mabawasan ang kaltas sa sweldo ko ng late at hindi na ko masita. sorry talaga! :( 9. Magbayad ng utang. wag kalimutan. hay... kelangan ng kaperahan. 10. Mag-church sa sunday. kelangan pa rin magpasalamt kay Lord for all the blessings and the challenges. Nagiging strong ako everyday.

Sunday, July 22, 2007

salamin.

kahapon ang tagal kong nakatitig sa labas ng bintana ko.tinitingnan ko kung uulan ba o wala lang gusto lang niyang magpaka dilim. umaayon yata saken ang langit. kasi hindi din daw niya alam ang gagawin niya sa mga pangyayari. pagkatapos ng isang oras, tumingin ako sa salamin. matagal. mas matagal kesa sa pagtingin ko sa langit. nakakaasar. ang dami kong zits. dala ba ito ng matinding pag-iisip kung bakit may mga bagay bagay na hindi talaga natin magugustuhan. hindi ko din talaga naintindihan kung bakit ganito. siguro kasi ang hirap lang talagang umayon ng puso pag hindi umaayon ang isip. badtrip... hindi ko alam kung pano ko malalampasan ang mga bagay. hindi ko alam kung pano ko gagawing tama ang mga bagay. sumasakit ang ulo ko. sumasakit ang puso ko. masakit. nasasaktan talaga ako.. may mga bagay bagay na dapat nadadaan sa usapan. lahat ng bagay nadadaan sa usapan. hindi ko maintindihan kung bakit kelangan nating isara ang isip sa mga bagay na nakalakihan na. hindi ba pwedeng mag compromise? hind na ba uso ngayon yun? nalulungkot talaga ako. sumasakit ang puso ko. hindi ko na ulit makita ang dating ngiti na nasa mga labi ko. pag titig ko sa salamin, isang blankong mukha ng isang batang namamalimos ng kahit konting pangunawa. sensitivity. hindi lahat ng bagay ay tama para sa isang tao. pano naman ang damdamin ng iba? hindi ako nakikipakumpetensiya...kahit kelan hindi ako makikiipagkumpetensiya. kung siya ganun ako ganito. hindi ko kaya ang mga ginawa niya dati pero pwede bang pagbigyan mo kong higitan yun? kelan ba ko nakipagaway? hindi mo kasi ako binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag. kung anong inisip yun na yun. wala ng bawian. extremes. hindi ba pwedeng gumitna? tumingin sa salamin. mag self-reflection. alamin kung tama pa ba ang mga ginagawa upang di na muling makasakit. matutong umunawa. mahabang patience. tumahimik. sumangayon na lamang. wala ring patutunguhan kung makikipagtalo. kahit ilang beses sabihin na hindi sya nakikipagtalo... pero hindi mo ba naririnig ang sarili mo? sana minsan, matuto tayong makinig ng bawat opinion ng tao. matuto tayong tumaggap. mahal mo nga ba ako? pero bakit sa tuwing bubuka ang bibig ko uupang magpaliwanag, sarado ng utak mo sa mga bagay bagay na fix na sa utak mo. ganyan ka lumaki. yan ang iyong nakalakihan... pero hindi ba talaga tayo pwedeng magcompromise? sorry kung hindi ko talaga kayang tanggapin pag minsan... pero ngayon try ko ng manahimik. sorry kung hindi ko talaga naisip... pero ngayon try ko ng pagisipan. sorry kung may pagka childish... pero ngayon try ko ng mas magmature ng isip. sorry kung yan ang nakalakihan mo...pero ngayon try kong sumabay. sorry kung feeling mo pinipilit kita... pero ngayon try kong intindihin lahat. sorry kung hindi niya ako katulad... sorry kung siya ay ganyon ako ganito lang. hayaan mo magiging sensitive na ko... baka sakaliing maging ok na tayo...

MGA DAPAT KONG GAWIN...AT ANG AKING WISHES...

Kamusta naman ako?hmmmm ok lang... eto pinagninilay-nilayan ang mga pangyayari ng buhay ko nitong mga huling araw...ano nga ba ang mga dapat kong gawin sa mga susunod na araw upang maiwasan ang mga pangyayaring hindi ko nagustuhan...at aking wishes... :) MGA DAPAT KONG GAWIN: 1. Manahimik. bawal magcomment. less talk. (tama ka pag minsan jarvik) 2. Umagree na lang sa lahat. para hindi ka na lang maasar. 3. Know your limitations. 4. Uminom ng RedHOrse. parang katulad kagabi. 5. Lumabas kasama si Jeffrey Ponce gumala sa Alabang. 6. Lumabas kasama si Brian Lee Grant Lorenzo at Jaymar Gastardo next Sunday. 7. Bumili ng Gel pens. dahil hindi ko na makita ang mga binili ko kahapon. 8. Ipanatag ang kalooban at isipan. 9. Wag masyadong magisip. 10. Matulog ng normal. 11. Wag ng Umiyak.Bawal maging crayons. 12. Alalahanin na ako ay isang Girlfriend at may Boyfriend akong lahat ay ok lang. 13. Patience. WISHES: 1. Gusto ko ng chocolates. 2. Gusto ko ng ice cream. 3. Gusto ko ng Gel pens. 4. Gusto ko ng Cotton Candy. 5. Gutso ko ng Hotdog. 6. Gusto ko ng biggie crayons at crayons na 72 colors at pantasa sa likod. 7. Gusto ko ng plastic balloon. 8. Gusto ko ng paper dolls. 9. Gusto ko ng Barbie and Ken. 10. Gusto ko ng stroller. 11. Gusto ko ng pencil case na maraming pindutan. 12. Gusto ko ng medyas na may lace at sapatos na makintab. 13. Gusto ko ng notebook na nakatahi sa side. 14. Gusto ko ng Biggie pencil. 15. Gutso ko ng Kalaro ng bahay-bahayan. 16. Gusto kong mag piko. 17. Gusto kong mag patintero. 18. Gusto kong umakyat ng puno ng mangga. 19. Gusto kong matutong tumakbo. 20. Gusto kong mag basketball.

Monday, July 16, 2007

blank.

hay... what is wala akong magawa sa buhay ko ngayon... eto tambay sa traffic room. nakatanga sa harap ng computer. tumitipa sa keyboard. walang katuturan ang sinusulat. wala naman kasi akong maisip na isulat dito bukod sa masakit ang toe ko... yes bi... uuwi na ko in a while. wag ka ng matakot sa pag uwi ko. kasi susunduin naman ako ng dad ko.. "bi...umuwi ka na... nag-aalala ako sayo dahil umaga na.." sabi ko nga kaya ko namang umuwi. takot lang kasi kamusta naman at umaga na. patawa ka, bakit kelangan mong magselos? aba aba... ang mga quote mo sakin kakaiba. may pinatatamaan ka.. mukhang matatagalang mag sink in sa munti kong utak ngayon ang mga bagay na laman ng quote mo. bi... kung ako ang huling pagasa nila. ikaw ang pagasa ko. kaw na ang bahala sa lahat. just update me. ayt! kamusta naman yun lutang na ang utak ko... dahil sa mga text na may nakalagay na "babe" hay... kamusta naman yun?!

dhang!asar ka talaga...

july 16... asar talaga ang araw na ito... kundi nauntog ang daliri ko sa paa sa pader ng banyo namen..at malamang namatay ang kuko nito..nakakahilo ang sakit. kung kelan may bago akong biling kikay shoes sa tiangge eh tsaka naman di ako makapagsapatos. badtrip di ba? tapos may isang taong magtetext sayo tapos aawayin ka lang sa pamamagitan ng itext ba naman ako ng nakakaasar na bagay...kundi lang talagang may taong nagpapakalma saken. kamusta naman kaya ako nun... hay asar talaga... hindi ako bitter. tagal na nun. pero kung di lang dahil talaga sa mommy niya wala na talaga akong pakilalam sa kanya. sorry sweetie... pati ikaw nadadamay saken. alam kong di dapat problemahin. pero may nagsasabing mejo kelangan kong isipin. siguro para isalba ang isang nanganganib na kaibigan. update.update. nalaman ko na ngayon na hindi naman pala talaga payag na tawaging FIANCE siya. hindi ako nagagalit. di ako apektado. ayoko lang ng ganun. kasi kilala ko siya. alam ko ang bawat kilos niya. alam ko din na hindi niya ako sasabihin ng nakakairitang bagay na alam niyang ikakagalit ko. hay kundi lang talaga dahil kay tita hindi ganito ang mararamdaman ko. sweetie. sorry...alam ko kahit di mo sabihin apektado ka. kasi unang tanong ng isip mo bakit ako ganito sa kanya. sorry talaga. i know you're just saying na you're not really affected but you are. kasi you told me na you'll do you're best para hindi tayo mag- away. i know naman. pero alam mo yun minsan hindi masamang magpakita kung anong totoo. sabi ko nga sayo when it comes to our relationship, bibigay ko sayo lahat ng decisions. pero cge... sabi mo nga hindi ka apektado... ok na rin yun. masaya nga yun. friends. kayo na bahala kay tita. kaya niyo na yan. di ko maatim ang nangyayari sa kanya. bahala na si Lord. malalagpasan din ang mga pangyayaring ito. konting dasal lang.

Wednesday, July 11, 2007

NAKARAAN....

nakakatawa lang... pag binabalikan ko yung blog ko before parang di ko maisip na sinulat ko yun... ah ewan... parang baliw.. para sa mga taong nasaktan ko sa mga sinulat ko pasensiya na.. siguro nga hindi lang ako nag-isip dati.. kasi siguro masakit...pero ngayon wala na...masaya ko para sa inyo masaya ko para sa sarili ko...masaya ako para satin...at ang friendship ay untiunting bumabalik. salamat sa pagtiis.salamat sa pangunawa. pinatawad ko na ang lahat. kung ano man ang meron ay kalimutan na.. may isang taong gusto kong makausap..kamusta naman kaya siya...?sana naman kahit minsan magparamdam ka... hindi naman ako galit sayo...baka naman ikaw ang galit saken... inisip ko na lang sige wala ka lang time...pero sana maisipan mo man lang...alam mo naman kung pano ko kontakin diba?sana lang talaga isang araw tumunog ang cellphone ko at ikaw ang pangalan. hay...masaya na ko...sobra...salamat talaga KRIS..salamat sa lahat.alam mo na kung ano yun...basta salamat.

Monday, July 09, 2007

WEDDING...

kamusta naman ang wedding pare? ako ang make up artist...san ka pa? :) si lea at dories ang aking assistant. naks! sosyal... kulang na kami sa oras wala pa akong tulog...dadasal ako kay lord na hindi lumabas ba kakaiba ang itsura mo jack. dahil ang mga mata ko ay naduduling na sa antok. ngunit sa awa ni lord pwedeng pwede ng ipanlaban sa make up ng pinakasikat na make up artist. yabang! :) kamusta naman ang umaapaw na pagkain...grabe halos mabulunan na ako nun... sa dami ba naman kaya pagkatapos ay what is power nap muna na ang catch ay magkasya ang 8 tao sa kama ni jack. at paglipas ng ilang minuto nakita ko ang picture ko na para akong ni rape sa picture na taken by zed. hay...kalowka!ngunit ang malupit jan ay ang pag gising namin att naghanda ng chicharon na pampasakit ng batk lalao na sa mga taong may high blood... what is umikot lang naman ang bracket ng braces ko... at natanggal ang isa. .kung di ba naman isa akong balow na sinabi na ngang bawal ang chichron... pero wah ko care! ay! ewan naisagot ng mga tao.. tigas ng ulo.. pagtapos ng isang matinding saguapaan sa chicharon di paawat ang mga taga soundesign sa pagkakataong binigay na makakanta sa bidyoke! astig! kantahin ba naman natin ang mga kantang napapanahon satin..backstreet boys..panalo lang...pero ang spice girls pumapangalawa sa takilya pati adlib alam na alam...pati ang steps ng STOP. ayun nga kay jona. sinong spice girls ka nung bata? napakaimposible na wala kang karakter sa spice girls... di ka in nun... at siyepmre makapal ako...ako si BABY SPICE. naks!;) di mapigilan. at di nakuntento sa spice girls at backstreet samahan pa natin yan ng isang matinding TOGETHER FOREVER na dance craze...courtesy of erle stanley refuerzo. ngunit ang pinakamalupit ay ang interpretative dance ni jona jarvik at erle stanley ng SO SLOW...panalo talaga! hay kay sarap... kamusta naman ang kapagudan namin ngunit nakuha pa rin naming manood ng TRANSFORMERS... waahhh...muntik na akong makatulog...salamat sweetie sa paggising sa paraan ng pagtapik sa aking kamay...wooohooo...holding hands...yeah! :) 7-7-7 lucky day..happiest day! :)

Thursday, July 05, 2007

SUKOB NA...

yes... what is hindi mapigilan ang damdamin sa kanta... minsan lang mangyari ang pagkakataong ito... GIAN ikaw pa din..wag ka magaalala..hehehe salamat sa pagbigay ng mga talents.. hindi pa rin naman kita nakakalimutan.. ikaw at ikaw pa rin... CHINO welcome to SOUNDESIGN! don't worry daming projects for you... JOAQUI see you soon.. :) saya lang ng kanta niyo.. sukob na.halika na.sabay tayo sa payong ko. hawak ka.kapit pa.sa payong ko.magkasama tayo.

Monday, July 02, 2007

NANG MAY ISANG TAONG MASUNGIT!

hay... tama ba namang magsungit? :( hindi naman dapat ganyon yun diba? SWEETIE?! bakit natin kelangan pagusapan ang mga bagay nung kabataan natin... mga bagay na hindi ko alam dahil hindi ko matandaan dahil hindi ko talaga alam yun... :( kasalanan ko po ba na di po ako marunong mag bowling... sad yun alam ko... kasalanan ko bang di talaga ako atleta? kasalanan ko bang hindi ako marunong tumakbo at hindi ako marunong humawak ng taco? kasalanan ko bang wala akong alam sa sports? nagmayabang na nga ako nung saturday. akalain mo ba namang nahamon ako ng takbuhan kahit alam kong maya maya lamang ay mapapagod ako.tapos susungitan mo ko... oo na... alam ko naman eh.. sorry naman... di ko naman po sinasadya di ba? :( oo may mga bagay na kulang... sorry di ko talaga alam... nakakalungkot naman... sports.sad.goodluck.

Wednesday, June 20, 2007

Reflections…

Ilang beses ko bang sasabihin… Hindi mo ba makuha ang gusto kong sabihin… Contemplate Dhang! Contagious Week… I never thought that it will happen to me. I wanted to disappear, run or hide. If I just have all the access. I wanted to be alone. Thoughts are running to my mind. I’m beginning to be insane. Things might get worse. But I love you Lord for not leaving me. For telling me that “Everything’s gonna be alright.” Thank you for loving me that much. Nanay, Tatay, Ate and Tart…Thanks for still believing in me that I can still do this and making me feel that I still deserve to stay. Thanks for the continuous support. I promise to do this the best way I can. That was an impeccable timing, Kris. I thank you for being there for me. Thank you for the movie, the juices and the strolls that made me feel comfortable. For listening and for making me happy when I feel sad. For telling me jokes that make my tummy ache. For letting me know you more though I know you never hide the real “you” For taking this friendship slow for us to have a good foundation. For adding new characters that lightens my world. I thank you so much. Focus. Be Productive. Be happy.

Saturday, June 09, 2007

ETHNIC

What is.. hindi ako umuwi ng bahay ko ng 2 araw.. walang maayos na tulog dahil sa kaba.. nagkasakit... Salamat sa fruits... nakatulong ng malaki... :) ilang beses kong pinagisipan. muntik ng mapuntirya. dahil sa pagod at sa mga meetings. buti na lang ang bait niya. Tapati isa kang hulog ng langit... napakagaling mong umawit... kakaiba... mas na appreciate ko ang ethnic... masaya pala siya... galing ng yosi mo... isang plauta... na nagapapasaya at nagpapawala ng sakit ko at ng stress ko... salamat...

Friday, June 01, 2007

JAMMING

Sarap Lang ng feeling ng jamming...kanta dito kanta dun... what is nakabuo kami ng 3 kanta na walang palya... kanya kanyang singit sa pagkanta... kahit ano...swak pa rin sa tono... biglang labas ni bitoy... what is that?! picture taking ;) at pagkatapos ng ilang sandali ay hindi napigilang ng mga songers... punta ng studio 2 at doon kumanta ng walang hanggan. hay.... sarap! panalo yun... what is MAKE IT WITH YOU pa ang kinanta... kahit baliw ang isang headphones, aba di paawat... sige hala... kanta...mauulit ulit...next time galingan na natin... recording star ang dating... ayon nga sa isang talent ko na nagngangalang NOEMI OINEZA na isang bata "I WANT TO BE A STAR!!!! TO SHINE!!!" hehehehe with matching hand gestures pa yun!astig! ineng bibigyan kita ng project dahil sabi mo nga ikaw ay magaling....

Wednesday, May 09, 2007

BESTFRIEND

wala na naman akong magawa sa buhay ko. katext ko bestfriend ko. isa sa mga picture ko sa friendster ko... yes... BESTFRIEND ko yun. akala ba naman ng lahat ng tao ay boyfriend ko yun. hehehe...itawa na lang po natin yan. sa mga taong di naniniwala. ewan ko lang. hahaha nakakatawa na nakakainis kasi ang cellphone niya ay walang u na may dalawang tuldok sa taas. haha. tapos ayaw gumamit ng colon at isang parenthesis.hay. katamaran ng buhay bhe. but i still love you for that. hmmm... tayo ay mag date muli... masaya yun.. kahit lagi mo kong sinasabihan na wala akong finesse... at nakakahiya dahil balahura ako. sayo lamang yun noh! mahal pa rin kita. magkikita ulit tayo bhe... sa sabado. :)

Friday, May 04, 2007

OVER YOU

Now that it’s all said and done I can’t believe you were the one To build me up then tear me down Like an abandoned house And what you said when you left Just left me cold and out of breath I fell too far, was in way too deep Guess I let you get the best of me Well I never saw it coming I should’ve started running A long, long time ago And I never thought to doubt you I’m better off without you More than you, more than you know I’m slowly getting closure I guess it’s really over I’m finally getting better Now I’m picking up the pieces And spending all these years Putting my heart back together ‘Cause the day I thought I’d never get through I Got Over You You took a hammer to these walls Dragged the memories down the hall Packed your bags and walked away There was nothing I could say And when you slammed the front door shut A lot of others opened up So did my eyes, so I could see That you never were the best for me Well I never saw it coming I should’ve started running A long, long time ago And I never thought to doubt you I’m better off without you More than you, more than you know I’m slowly getting closure I guess it’s really over I’m finally getting better Now I’m picking up the pieces And spending all these years Putting my heart back together ‘Cause the day I thought I’d never get through I Got Over You *para sa mga taong naka move on na... at para sa mga taong gustong mag move on tamang tama ang kanta para mamulat ang mga matang nakasara....

Thursday, May 03, 2007

NANG DAHIL SA ISANG TEXT....

tumawa ako. di ko inaasahan. bakit? hindi talaga alam. NANG DAHIL SA ISANG TEXT ako ay tumawa ng malakas. bakit? tanong ko na naman. di ko man maintindihan natawa ako. bakit? tanong ko ulit. hindi talaga maipaliwanag. aba naman, napakahirap talagang pag-isipan ng mga kasagutan lalo na pag wala ka talagang maisip. kasi naman... bakit talaga? haay... nakakaloka. basta ako lang ay may alam. wala man lang nakaalam. masaya to...tindi talaga. NANG DAHIL SA ISANG TEXT araw ko ay sumaya. sabi ko nga araw ko yata ngayon... aba naman ikaw ba naman ang makatanggap ng ganun. hay... intindihin.alamin.huli (ulit?) :)

Monday, April 30, 2007

AT NG SUMAGOT AKO NG SURVEY...

1.cno pinaka importanteng tao sa buhay mo? - hay... of course si LORD...siya nakasagot ng mga katanungan ko sa buhay 2.ano ang pinaka-masakit na nagawa mo para sa isang tao? - hindi ko na yata alam...hmmm...iniiwasan ko yan. 3.pano mo mssbi na mahal mo ang isang tao? - ----tinangap mo ang lahat ng mali. minamahal mo na ang mali. 4.maggwa mo bang magmhal ng 2 tao? -hmmm..matagal na yata yun.. 5.would u fight for the one u love or let him/her go? - di ba? nag let go ako? :) 6.pno kng mdming ngsasabing d kau pwd? - asus! hmmm..kapag kaya eh di paglaban. kung hindi, tumanga.. 7.anong ggwin mo pag umiyak sa tbi mo ung taong mhal mo? - comfort. mahal mo eh. ganun talaga. 8.ngbreak kau pro gs2 p dn nya frends kau. ok lng? - oo naman... better nga yun eh..kesa parang walang pinagsamahan. 9. ngawa mo na ba magmhal ng kaibigan? - naman. daming beses na yata. 10.ano ggawin mo, sbhin s kaibigan mo n mhal mo xa o itago? - honest ako eh. lagi akong umaamin. ako nga laging nauuna di ba? 11.ano bang mga nagawa mo pra sa mhal mo? -HAH! itanong mo na lang sa mga kaibigan ko... 12.pno pg cnbihan kng MARTIR/TANGA anong ssbhin mo? - ganun naman yata talaga ako eh. 13.kya mo bang mghntay s taong may mhal ng iba? - OO NAMAN> what is... hmmm... no comment. 14.ano ang pnkamali n gnwa mo pra sa mhal mo? - hmmm...LAHAT! 15.ano ang mga bagay na nakpgppiyak sau? - yung mga bagay na alam mo pero wala ka pa ring alam. yung mga bagay na tumatanga sayo araw araw. 16.ano pinakamababaw mo na iniyakan? - ewan..basta ngayon lahat ay mababaw

Wednesday, April 25, 2007

SaRap...SalaMaT...

hmmmm... tagal ko pa lang hindi nag blog... mga ilang linggo din yun... sarap ng buhay kapag ok ka.. walang iniisip na kahit ano... sa ngayon ang nasa isip ko lang ay: 1. Salamat sa HEAVEN... *dahil tinatangap pa rin ako kahit anong mali ng ginawa ko sa buhay ko...tumambling man ako,pilit pa rin akong itinatayo at niyayakap ng paulit-ulit. 2. Salamat sa ANGELS *dahil nanjan sila para maging gabay ko sa araw-araw. umiiyak para sa aking kalungkutan..ngumingiti para sa aking kasiyahan. 3. Salamat sa WIND *dahil kahit hindi ko nakikita, nararamdaman ko parin na nanjan para bigyan ako ng hangin para maging malakas at matatag. 4. Salamat sa BESTFRIEND *dahil pinaiinom niya ko ng alak basta't magkita kami at makalimutan ko ang ilang segundo ng aking nakaraan. 5. Salamat sa LIGHTER *dahil sinisindihan niya ang yosi ko. kasama ko pag ako'y nag-iisa. 6. Salamat sa GITARA *dahil napapakanta ako sa tuwing maririnig ko ang paborito kong awit. pinagaan mo ang loob ko napasaya mo ako. 7. Salamat sa aso kong si BOOCH *dahil kahit hindi ka nakakapagsalita alam ko na nanjan ka para sakin. nasisiyahan na ako sa bawat tahol na naririnig ko sa'yo. na hindi masamang mangarap na darating ang araw ay makakapagsalita ka rin... hehehe 8. Salamat sa TEXT *dahil napasaya mo ako. marinig ko lang na tumunog ang cellphone ko ay napapangiti ako. magtuloy tuloy na sana siya. 9. Salamat sa CORK BOARD *dahil sa mga mensahe ko na nailalagay ko sa'yo at wala kang reklamo. 10. Salamat sa PICTURES *dahil nakakatabi ko ang taong gusto kong makasama. 11. Salamat sa CONSTANTINE *dahil maganda ang ending.. 12. Salamat sa episode ng HOMEBOY *dahil namulat ang aking mga mata... at ang huli... 13. Salamat sa SARONG *dahil maganda siya. natuwa ako. balabal sa malamig na gabi. para kang yakap palagi. madaling hanapin at nanjan lagi pag kelangan. fear.hate.love

GUSTO KO LANG MAG BLOG...

katabi ko si alice..na kinausap ang taga HSBC para sa credit card ko... hahaha. ano kaya ang magiging resulta?positive naman kaya...bakit ko ba gustong mag credit card? kasi wala lang... gusto ko lang... di ko nga alam kung gagamitin ko pa. nagpunta ko ng tagaytay with my family...saya lang ng trip. maglakad sa initan ng araw. punta kami sa blay house. kumain ng napakasarap na luto ni jackie, alice, angie at manang... hmmmmm... sarap talaga... hay... malapit na ang spider man 3....sino kaya ang kasama ko?kathlea?ate at kuya?officemates? o si blue? wow!!! gusto ko lang yung thought na yun! masaya kasi yun...

Thursday, April 12, 2007

Wish...

gusto ko i-rewind buhay ko... kung may chance lang ako... alin kaya sa parte nito ang gusto kong makita at balikan? happy thoughts lang gusto ko... dun sa part na masaya lang ako.. dun sa part na hindi ako nag-isip. dun sa part na pipiliin ko na. dun sa part na 2 buwan akong naging masaya. dun sa part na hindi sumakit ang ulo ko. kahit na pagkatapos balewala. at least masasabi ko na sobrang masaya ako. tapos hihiling ulit ako... pwede pa ulit i-rewind ng konti... dun sa part na masaya ako dahil nakilala ko 'to. namulat ako sa mga bagay na dati hindi ko alam. dun sa part na minsan naramdaman ko 'to. na dati pinagsisihan ko...ngayon hindi na? isa na lang. pwede namang fast forward? kung saan mas masaya ako. kung saan di na ulit ako mag-iisip. kung saan lahat nasa ayos. kung saan buo ang mundo. na sa bawat makita ko nakangiti at walang poot. aalis.babalik.huli.

Wednesday, April 11, 2007

windang...

nakakainis... bakit nagugustuhan ko ang callalily... what is magbalik? bakit mo ba kasi pinasa ang lyrics nyan.. wrong send ka daw...hahaha...favorite mo kasi yan eh.. ayaw mo pa aminin...ok lang sabi ko naman...maganda naman ang lyrics at gwapo ang vocalist nyan.. why not pagtiyagaan na natin... windang...tulala...adik! wag nating bigyan ng kahulugan... sa taong nagpasa sakin ng lyrics na ito... eto para sa'yo... :) magsawa ka sa pagkanta niyan...wag mo ring sabihing di mo gusto yan aminin mo nakakarelate ka jan. hehe :) MAGBALIK- CALLALILY wala na ang dating pagtingin sawa na ba sa 'king lambing wala ka namang dahilan bakit bigla nalang nang-iwan 'di na alam ang gagawin upang ika'y magbalik sa 'kin ginawa ko naman ang lahat bakit bigla nalang naghanap hindi magbabago pagmamahal sa iyo sana'y pakinggan mo ang awit ng pusong ito tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot pag-ibig 'di mapapagod tulad ng ilog na haindi tumitigil sa pag-agos pag-ibig 'di matatapos alaala'y bumabalik mga panahong nasasabik sukdulang mukha mo ay laging nasa panaginip bakit biglang pinagpalit? pagsasamahan tila nawagliut ang dating walang hanggan nagkaroon ng katapusan hindi magbabago pagmamahal sa iyo sana'y pakinggan mo ang awit ng pusong ito tumitigil... tumitigil... pag-ibig 'di matatapos

Saturday, March 31, 2007

Tualala....para sa mga taong tulala...

natulala ako sa mga pangyayari...ang bilis... di ko talaga namalayan... bakit? tanong ng utak ko... hindi ko naintindihan... masama ba akong tao? hindi ba ako nagpakatotoo all this time? kelan pa? hindi na talaga kinaya ng utak ko to... bakit ganun?ipaliwanag mo sakin isa isa... maiintindihan ko naman siguro di ba?ilang beses ko bang sasabihin na ako ang pinaka madaling taong kausap... marunong naman akong tumanggap na kung anong dapat... pero dapat ginawa sa maayos na paraan..pero bakit? bakit? ikaw? pinagkatiwala ko sayo buong buhay ko... pero bakit mo nagawa sakin to? ipaliwanag mo sakin ng maayos... yung tipong maiintindihan ng utak kong sing gulo na ng pilipinas...alam ko na to eh... pero araw-araw pinapatay ko ang sarili ko na hindi... pero bawat araw nagpapatawad ako... dahil hindi dapat magtanim ng galit...hihintayin kita... hanggang sa araw na makayanan mo itong ipaliwanag... para kay blue... mabilis man ang panahon... hindi man natin nahabol... ayos lang yun... one day mabibigyang linaw ang malabong parte ng buhay natin...marunong tayong tumaggap...alam mo yan... dapat tayo ay maging masaya...hindi dapat tayo malugmok sa isang bagay na alam naman natin na nakakayanin natin sa bawat pagdaan ng araw...kapit lang blue...darating din ang panahon na maiintindihan natin ito...kahit matagal...hindi masama ang maghintay...tulungan tayo...masaya ako nanjan ka para sakin...ganun yata talaga blue...sabi ko nga sayo di ba?basta... alam na natin yan...

Friday, March 16, 2007

My World in SLOW-MO!

Bagal ng mundo ko. Everything is in slow motion. Bawat pag galaw ko, bawat pag sagot ko sa mga tanong, bawat pagsasalita ko, even pag nag-isip ako sobrang may kilala kang slow mo? Ok alam ko na love shit na naman to… sabi ko nga lahat slow mo… pati puso ko. Ok! Alam ko… Love shit talaga to… pero what can I do? E sa talagang slow mo eh… ayoko ko na! giv up na ang utak ko kakaisip… 1 month na… konti na lang… kaso nga ang bagal… malapit lapit ng bumilis.. Kagabi kasi ang dami kong nakausap na tao na may iba’t ibang problema sa buhay… kahit ako nagulat sa sarili ko… unti-unti na akong gumagalaw… hindi ko man maintindihan… nakakasawa din pala at nakakasanay. Dumadaan ang araw na hindi ko napapansin at nakakalimutan ko na… pag naalala ko minsan nasasaktan pa rin pero mas more on natatawa na lang ako sa mga nangyari… hindi ko din kasi naisip yun dati… puro kasi siya lang inisip ko… pero yun talaga eh… ganun yata talaga… hindi na talaga mababalik kasi ngayon ayoko na. “Once out, never in!” diba? Nakakatawa talaga ang buhay…pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya… 1. sa mga masayang araw na magkasama tayo… 2. sa mga oras at panahon na inalay natin para sa isa’t isa 3. sa mga sweetness 4. sa mga away 5. sa mga salitang hindi na dapat pang sabihin 6. sa mga salitang hindi mo talaga ninais sabihin 7. sa mga sinasabi mo pero di ko naramdaman 8. sa mga sinabi mo at ginawa mo pala na nalaman ko pa sa iba 9. sa mga text at tawag 10. sa mga sakit… Salamat. Kasi kahit pano natuto ako. Kahit pano alam ko na gagawin ko sa susunod. Kahit pano buhay pa rin pala ako. Kahit pano masaya ko kasi mas nakita kong mas masaya ka pala ng wala ako. Kahit pano nasasanay na ko. Salamat. Kasi ok ka. Wala ka ng iniisip. Wala ka ng inaalala na may isang taong naghihintay sayo. Wala ka ng pinagsasabihan araw araw. At ito na rin ang huli. Salamat.

Wednesday, March 07, 2007

Simpleng Buhay...

life is simpler when we were kids... gigising sa umaga...magiinat...magdadasal...maghihilamos...toothbrush... punta sa dining table kakain ng nakahandang food na gawa ni mommy or ni yaya... maliligo tapos papasok sa school... uuwi ng bahay...gagawa ng assignments... minsan hindi pa...minsan kopya pa sa classmates...tapos tsaka manonood ng favorite tv show mo...or maglalaro ka lang...depende sa gusto mo.. sobrang simple ng buhay... routine mo sa araw-araw... biglang isang araw...di mo napansin tumatanda ka na...natuto ka na ng mga bagay na hindi mo dati alam at kung alam mo man di mo kayang gawin dahil bata ka pa... magyosi..uminom...gumimik..barkada... at magmahal... excited ka pa kasi first time... tanong mo pa dati... anu yun? maang-maangan ka pa... kunwari di niyo napapagaralan sa school.. kunwari di mo napapanood sa tv or hindi mo naririnig sa mga kwento ng mga kaibigan mong mas naunang naexperience ang mga bagay na ganun... sarap... saya... siyempre peer pressure... kaw din gusto mo yun... lalo na yung liligawan ka tapos swerte ng mga utol mo o kya ng mga kaibigan mo kasi sila unang nakakatikim ng chocolates na bigay sayo o kaya yung mga utol mo may regalo din pag christmas o kaya birthday,,, hala..lalo na kay mommy o kay daddy...siyempre palakas eh...tapos naging kayo na... hay...ang sarap... parang kang nasa heaven... siyempre mahal na mahal mo at mahal na mahal ka...walang dull moment...puro saya lang... punta kayo sa mall...watch movie...konting shopping...dinner...libot libot lang...sabi mo sa sarili mo ang saya naman kasi parang nung mga bata pa tayo parang first time... at isang araw...naiwan ka...ang bilis... di mo naabutan.. di man lang nagpaalam..para kayong naglaro ng taguan tapos hindi mo mahanap...nung pumunta sa home base bigla mong nakita... masayang masaya na...grabe sa ngiti...taka ka bakit?kala mo pa ikaw ang nginingitian...tapos paglingon mo sa likod... iba. tingin ka ulit... nakita mo sa mata niya ang parang may spark...parang may magic...sabi mo na lang ...parang may mali... nakita mo sarili mo... ikaw yun dati... ikaw talaga... umiiyak ka na... nung bata ka... umiiyak ka lang pag may mga batang nangaasar sayo... o kaya pag nadapa ka...o kaya pag pinagalitan ka ng magulang mo dahil ginabi ka ng uwi dahil nakalimutan mo ang oras dahil sobrang sarap maglaro... o kaya pag nanood ka ng movie na love story na di mo inakala na hindi lang pala sa pelikula mangyayari... sakit...nakakamatay... para kang unti unting tinutusok na karayom... hindi ka makahinga... matatagpuan mo na lang ang sarili mo na nakatanga para kang bato...nakatingin sa kawalan... unang unang pumasok sa isip mo... sana bata ka na lang... simple lang ang buhay...

Tuesday, February 27, 2007

Letting go...

i'm letting you go... hindi dahil pagod na ko maghintay..hindi dahil nakamove on na ko...hindi dahil may mahal na kong iba... i'm letting you go... kasi unfair naman sayo kapag naghintay pa ko... baka kasi hindi na rn naman mabalik yung dati... i'm letting you go... kasi kita ko naman na masaya ka... ok naman tayo... i'm letting you go... kasi alam ko na hindi na darating ang panahon na hinihintay ko... i'm letting you go... para wala ka ng iisipin na naghihintay sa yo kasi alam kong naiiilang ka na... i'm letting you go... hindi dahil nasasaktan pa ko...baka lang kasi isipin mo na sa yo lang umiikot ang mundo ko (hindi naman nasyado yun!) i'm letting you go... para naman sa sarili ko to... kaya ko to...

Friday, February 23, 2007

why do i love you...

"why do i love you? if lovin you only mean bitter thoughts that you are near and yet so far... why do i love you? if lovin you only mean sleepless nights...false hopes and dreams of loving you.. what more can i do? but to dream of you ...coz only there i could hold you...close to me... why do i love you? why did you hurt my heart that way.. why did you take my love away... why do i keep on waiting and hoping yet i know that you could never be mine again... why do i long for? the tenderness of your kiss..the warmth of your touch is all i wish... but you're so far..." pero kahit anong mangyari... ganito man sinasabi ko... nangangarap pa rin ako... that someday you'll be mine again...

Thursday, February 22, 2007

masaya...

"ako'y malungkot na naman...amo'y chico na ako...isang tagay lang hindi pa rin tulog..tanong ko lang sa langit..kung bakit pumangit... ang dating masaya.. ngayo'y pana'y problemang bumabalot sa buto...o bakit ganito? ang pag-ibig? ganyan talaga...pag bago pa ang pag-ibig...ganyan talaga...MASAYA!" hindi talaga mawawala ang hindi ka masasaktan...parte na ng buhay nating sing gulo ng world war 3 ang masaktan...minsan naiisip mo na bakit?ang daming tanong...emo ka na... wala pa ring kasagutan...bali-baliktarin mo man ang mundong ginagalawan mo..magpagulong gulong ka man sa ilalim ng mundo..wala...blanko ang isip mo sa kasagutan... pano ba ang hindi umiyak?pano ba maging bato sa mga bagay bagay?pano bang mag maangan-maangan?ang daming tanong...ikaw lang ang makakasagot... minsan sa buhay natin may isang taong nakatakdang manakit at magpasaya sa atin...at ang taong yun ay ang taong minsan mong pinagalayan ng oras mo...pagmamahal at higit sa lahat ang pagkatao mo..makakayanin ba natin na mawala sila pag dumating ang oras? isa lang ang pwede mong gawin... tumingin sa langit...magdasal..humingi ng tawad dahil may mga tao kang isinantabi at hindi pinakinggan dahil masyado kang naging bingi at bulag sa katotohanang wala namang paroroonan. sa parte ng buhay mo may mga bagay bagay kang pinagsisisihan hanggang ngayon..na sana hindi na lang nangyari... maraming "what ifs" pero hindi na natin maibabalik ang dati. sabi nga there are things that should be left unsaid para hindi na lumaki pa ang gulo... pero you hoped na sana nasabi man lang sayo...ginawa ka sana niyang mas higit pa sa kung anong meron kayo.. sana ginawa ka niyang kaibigan..bestfriend.. willing ka naman eh... kaya mas masakit pag dumating yung araw na mas masaya na siya kesa dati.. OO...selfish na kung selfish... pero dati kasi masaya siya ng kayo lang...ikaw lang ang hinahanap niya...ikaw ang kasabay niya..ikaw ang mahalaga sa kaniya...ikaw parati ang nauuna sa lahat ng bagay...ikaw ang may alam... ikaw dati...aminin mo man o hindi...masakit kapag hindi na ikaw... tao lang tayo... nagiging selfish sa mga bagay na dating sayo..pero may magagawa ka pa ba? makakaya mo bang tanggapin sa isang iglap ang mga bagay na kagaya nun? matitiis mo bang hindi umiyak pag minsan...humarap sa lahat ng tao at mag pretend na ok ka lang...kaya mo bang harapin ang lahat ng bagay na hindi na sayo?kaya mo bang tanggapin sa sarili mo na hindi na ikaw? lagi nating iniisip kung bakit lagi tayong binibigyan ni Lord ng pagsubok sa buhay..dahil ito ba ang magtuturo sa tin ng leksyon? o dahil alam niyang kakayanin mong labasan ang lahat ng sulok ng pagsubok na pinasok mo? minsan ka ng naging matatag...alam na alam niyang kaya mong lagpasan yan...pero alam ko ang sekreto mo... sabi mo nga...binabagalan mo ang pagusad ng panahon...dahil alam mong hindi masama ang mangarap...binabagalan mo ang pagtakbo para mahabol ka pa niya... dahil hanggang ngayon..umaasa kang darating ang araw na maabutan ka niya...umaasa kang darating ang araw...na maibabalik ang dating sayo...na wala ng hadlang at wala ng kahit ano mang iisipin kundi ang pag-ibig na inilaan para lang sa inyo...may panahon pa naman...kaya pang pabagalin ang oras at araw...kaya pa.. at sana di pa mahuli ang lahat.

minsan...

hahaha...minsan gusto mo na lang tumawa ng malakas kasi di mo na talaga alam yung mga bagay bagay na magpapasaya sayo. tapos mag-iisip ka...nababaliw ka na ba o sadyang ganyan ang buhay...may mga tao talagang nagpapalungkot ng buhay natin... ayaw mo sanang mag-isip na bakit sila pa ang nagpapalungkot sa atin...hindi natin naisip na kung bakit sila pa. sa lahat ba naman ng tao sila pa. december na... ang dami ng magbabago next year. darating yung time na may maiiwan. alam naman natin darating yung time na yun na maiiwan ka sa mundong pareho ninyong ginalawan... pero alam mo ring nandyan siya para sayo...yung taong naging kakampi mo sa mahabang panahon... lahat naman tayo nagbabago...desisyon..pagkatao... nakakalungkot lang isipin...hindi mo kasi inakala...

JusT foR ME

it takes a strong person to deal with tough times and difficult choices. but you are a strong person. it takes courage. but you possess the inner courage to see you through.. it takes being an active participant in your life. but you are in the driver's seat, and you can determine the direction you want tomorrow to go in. hang in there... and take care to see that you don't lose sight of the one thing that is constant, beautiful, and true: "Everything will be fine - and it will turn out that way because of the special kind of person you are..." so.. beginning today and lasting a lifetime through - hang in there... and don't be afraid to feel like the morning sun is shining... "JUST FOR YOU!"

InSensiTive

How do you cool your lips, after a summer's kiss How do you rid the sweat, after the body bliss How do you turn your eyes, from the romantic glare How do you block the sound of a voice You'd know anywhere Oh, I really should've known By the time you drove me home By the vagueness in your eyes, your casual goodbyes By the chill in your embrace The expression on your face that told me Maybe you might have some advice to give On how to be insensitive, insensitive, insensitive How do you numb your skin, after the warmest touch How do you slow your blood, after the body rush How do you free your soul, after you've found a friend How do you teach your heart it's a crime to fall in love again Oh, you probably won't remember me It's probably ancient history I'm one of the chosen few Who went ahead and fell for you I'm out of vogue, I'm out of touch I fell too fast, I feel too much I thought that you might have, some advice to give On how to be insensitive Oh, I really should've known By the time you drove me home By the vagueness in your eyes, the casual goodbyes By the chill in your embrace The expression on your face that told me Maybe you might have some advice to give On how to be insensitive

JACKIE!!!!

Galing kay Jackie... hay jack bakit ka biglang nagtext ng ganyan... hindi ko na siya hihintayin.. kasi napagod na ako... ayoko ng masaktan... kaya ayoko ng umasa... i will try to move on... pero babagalan ko... para mahabol pa niya ko... tama ka jan... pero siguro kahit gaano pa ko kabilis hihintayin ko para maabutan niya ako... kung tama talaga...hahabulin ko siya... kung tama talaga...aasa ako kung tama talaga...magtitiis ako kung hindi talaga...magiging masaya din ako.

Monday, January 22, 2007

are you one of us?

Buong araw kahapon kasama ko si dyarbic.. masaya.. puro tawanan at hagikhikan... kwentuhang walang puknat at mga kabababuyang hindi na Kyang i-take ng mga taong nakakasalamuha namin sa pang araw-araw... may mga bagay bagay kasi na pang sarili na lang.... ngunit nadagdagan ang kalaro ko... sabi ko magtatayo na kami ng fans club... masyado kaming in demand... kasi naman mga fans wag masyadong maatat sa mga kagandahang dilag na inyong nakikita..hinay hinay lang...alam niyo kasi pangarap kasi naming mapasali sa alagad ni pussy cat dolls..ayan tuloy... nadagdagan ang lahi namin...kaya nga WELCOME TO THE FAMILY...WE"RE GLAD THAT....(pause for a while,nagiisip ng lyrics,umiikot ang mata..)TO SHARE YOUR LIFE WITH US AS WE GROW...(moment of silence...)tama ba ang lyrics?kung hindi basta yun yun! naiintidihan mo ba to dyarbic? sa mga taong laging nagbabasa at sumusuporta ng blog ko ay...wag ka ng magtanong...mahirap iexplain... kumplikado..pag-iisipin mo pa ako... basta kung gusto mong maging welcome to our family... simple lamang... nangangarap kang maging isang pussy cat dolls? narito ang mga bagay na dapat mong tandaan at paraan ng pagsali... :) 1. maupo...mangarap... 2. spread your wings and prepare to fly... 3. smile...strike a pose...(mas maganda kung white ang background mo sa likod,litaw ka!) 4.umm.. miss pwede paki-tilt yung head mo nga konti pa- left.. dahan dahan lang... yan! ferpect! 5. smile ka ulit... 6. crucial eto... mag imagine...magimagine ka na ng mga bagay bagay at ikwento sa amin ang iyong buhay...accepted lahat ng topics..walang mali...mas masaya mas malaki ang chance na mapasali... 7. lalo na ito... kapag nararamdaman mo ng malapit ka ng maging are you one of us... tingnan lamang kami ni dyarbic..at sabihing...this is it! 8. maya maya ay kumanta ka na ng WE ARE FAMILY!!!! at maiintindihan ka na namin na... you're one of us! madali lamang mga kaibigan... di kailangan pag-isipan... tibay ng dibdib lamang ang kailangan...at pagkatapos... tiyak PINOY PANALO KA! :)